Chapter 5: Hidden Message

27 0 0
                                    

"Look Nami, I don't know if you're even thinking or what. I know that you need me and I won't lie to the fact that I need you"

Gulat na gulat ako sa biglaang pahayag ni Seiichi. Alam kong hindi ako gaanong magaling pagdating sa deduction pero nakakapagtaka lang kung bakit gusto niya akong maging ka-roommate. Kahit sabihin nalang natin na nayayabangan ako sa sinabi niyang 'he knew that I need him' but to be honest, he's right. I need him. Specially this time that I received this anonymous letter.

"Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa'kin, pero di kaya nagkakamali ka lang?" Sabi ko.

"Hindi pa ako nagkakamali sa mga desisyon ko" He said with a serious tone.

"Look Seiichi, hindi ako katulad sayo na masyadong magaling pagdating sa kaso, ni hindi ko nga kayang gawin ang mga pinagagawa mo. Isa lang akong hamak na studyante na tanging mga grades ko lang sa school ang iniisip ko. Masyadong mahirap ang responsibilidad na tinatahak mo, Alam ko naman kasi kung hanggang saan lang ako" mahabang paliwanag ko sa kanya.

"sinasabi mo rin bang wala kang tiwala sa iyong sarili? Hindi mo ba naisip kung bakit sa dinami-daming pwedi kong yayaing maging ka-partner ko, bakit ikaw pa? It's because I saw the potential in you being a good detective. Gusto mo bang isa-isahin ko pa para maintindihan mo?" lumapit siya sa'kin at napaatras naman ako. Nakakatakot ang aura niya. Napahawak naman ako ng mahigpit sa upoang inuupoan ko. "Unang-una, meron kang talento na wala sa iba. Yun ay ang pagiging matalas mo sa pag-iisip. In short, deep thinker. Pangalawa, remember the day you tried to look for the suspects sa pagkamatay ng kaibigan mo? kahit inatake ka na ng iyong migraine ay hindi ka parin tumigil hanggat hindi mo pa nakukuha ang hinahanap mong kasagutan at ang pagiging matapang mo. Handa mong harapin ang kahit na anong kaso, hindi ka natatakot dahil may tiwala kang mahahanap din ang tunay na salarin. At pangatlo, TRUST. may tiwala ka sa iyong sarili. Ang pagiging isang detective ay ang pagtitiwala sa instinct nito. Remember? We have the same suspect and its Carlo. Kahit hindi pa kita gaanong kakilala, ay alam kong hindi ako nagkamali sa pagpili sa'yo" mahaba niyang paliwanag.

Ako naman? Heto! Tulala. Hindi parin talaga ako makakapaniwalang may ibang tao din pala ang naniniwala sa iyong kakayahan. Kahit hindi mo in-expect na may makakapansin sayo, pero ngayon for my 20 years of existence may isang tao din pala ang nakapansin sa worth ko.

"Fine! Pumapayag na ako" I surrender.

"I know you will" He grinned. "But let's take care of what that old man assigned to us first" kumunot na naman ang noo nito nang maalala ang kasong ibinigay ng matanda sa kanya.

****

Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakarating sa apartment ni Seiichi. Bakit pa kasi ang layo ng tinitirhan niya sa City.  Kung hindi lang ako nainis sa kanya, hindi ako pupunta dito. Sino ba namang matutuwa kung tinatanong ka tungkol sa bra mo? baliw lang! When I opened the door of his apartment, pagkapasok na pagkapasok ko sa room niya ay walang katao-tao. Sabagay nasa L'ecrin parin siya hanggang ngayon. May duplicate key na kasi ako dito kaya hindi na ako mahihirapang mag labas-pasok sa apartment niya. Sobrang tahimik. Ofcourse, ako lang ang nandito eh.

"may tao ba dito?"

Napalingon ako bigla nang may nagsalita. Isang matandang lalake na may makapal na eyeglass habang may hawak-hawak na makapal ding libro. Sa pagkaka-alala ko, siya yung matandang lalake na nagsabi sakin dati na si Cross lamang ang makakatulong sa problema ko.

"Lolo? Naparito po kayo? ano pong kailangan ninyo?" tanong ko naman sa kanya ng sunod-sunod. Nakakagulat kasi.

"Wala si Cross?" hindi niya sinagot ang mga tanong ko but instead he answered me with a question. Umiling nalang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Series of Mystery: S.O.DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon