PUMASOK NA ako ngayon sa skwelahan, masyadong marami akong iniisip dahil hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Seiichi sakin kahapon. First, thankful ako kasi nahuli na ang pumatay kay Andrea. Second, I wonder if babayaran ko nalang ba si Seiichi ng 20k and third, If I can't pay him, patitirahin ko siya sa dorm ko? lahat ng hinihingi niya, ang hirap ibigay. Ayaw na ba niya dun sa condo niya? Sabagay, sino naman kayang titira dun? OH MY GOD! what to do?
While walking, I realized na bumalik na naman pala yung dati kong daily routine, Mag-isa na naman ako habang hawak-hawak ko ang librong binili ni Andrea para sakin. I'll treasure this book. Ito ang pinakaunang regalo at huling regalo na binigay niya sakin. Naramdaman kong may tumulo na namang luha sa aking mga mata.
"here"
Napahinto ako sa aking paglalakad when someone handed me a white handkerchief. I raised my head to see someone looking at me with sincere in his eyes. Di ko siya kilala at hindi rin pamilyar ang mukha niya sakin. Bagong lipat ba siya dito? I wonder.
"tatanggapin mo ba? Don't leave me hanging" sabi niya pa.
Tinanggap ko nalang yung panyo niya sabay sabing "salamat" at nagpatuloy narin ako sa paglalakad at sumunod naman siya.
"I heard about the news" He said "I'm sorry about what happened to Andrea"
I stopped wiping my tears using his handkerchief and look at him. "It's fine. I'm at the state of moving on" I told him faking a smile.
"That's great" He said in a playful tone. "I'm Drake by the way. Drake Scott" pakilala niya sa kanyang sarili.
"Naomi" I said putting his hanky on my bag.
"teka, hindi mo ibabalik ang panyo ko?" napahinto siya at napahinto rin ako. His eyes widen in shock trying to wait for my answer.
"uh, lalabhan ko mona to saka ko pa ibabalik sayo. Nakakahiya naman kasi kung isusuli ko to sayo na basang-basa ng mga luha ko" paliwanag ko sa kanya.
"well, I don't mind. But if you insist, you can find me at the Engineering department" bumalik na yung masigla niyang mga ngiti. His smile. Pareha sila ni Andrea kapag ngumingiti. I missed her again, and tears start to fall from my eyes again. Kinuha ko na naman yung panyo niya para punasan ang mga luha ko.
"you really need my hanky" He said winking at me. Tumingin siya sa kanyang relo at tumingin din siya sa 'kin "Ima go first, It's already 10:30." When he's about to walk away, He stopped and look at me. "If you need someone to talk to, I'm always free"
"Huh?" Mukhang hindi nag process sa utak ko ang sinabi niya kaya nagmumukha akong timang na nakatayo sa harapan niya.
Ngumiti na naman siya abot tenga at tuloyan na siyang umalis.
Nang sumapit na ang alas dose ay agad naman akong lumabas ng library at pumuntang cafeteria para bumili ng lunch. Gulay lang yung binili ko at kanin tapos umupo na ako sa bakanteng upuan. Noong nabubuhay pa si Andrea, siya palagi ang kasama kong kumakain dito sa cafeteria. Minsan nga nag-uunahan kami kung sino ang unang makakaubos ng pagkain namin.
'narinig niyo bang may transfer student sa skwelahan natin?' narinig kong tanong ng isang studyanteng babae na nakaupo di kalayuan sa inuupuan ko.
'Ah, yes yung sobrang gwapo na galing pa daw sa US, kaso ang weird niya' sagot naman ng isa pang babaeng freshmen na sa pagkaka-alam ko ay kaklase niya.
'uhm, Angel pweding humiram ng libro?' boses ng isang lalake na biglang sumingit sa pagku-kwentohan ng dalawang babae.
BINABASA MO ANG
The Series of Mystery: S.O.D
Misterio / SuspensoI am Seiichi Cross, the world's only consulting detective. I'm not going to go into detail about how I do, what I do because chances are you wouldn't understand. If you've got a problem that you want me to solve, then contact me. Interesting cases o...