Chapter 5

19 3 0
                                    

Summer POV

"I know my place Chase but can we atleast try for the sake of our parents?"

"But Sam you know me. I'm a womanizer. Mabilis magsawa sa isang bagay o relasyon. Ayokong saktan kita dahil kakambal ka ni Storm." wika ni Chase at tumalikod sakin.

Umupo ako sa bakanteng upuan dahil feeling ko nanlalambot mga hita ko.

"Hahayaan naman kita sa gusto mo hindi kita sasakalin. Ayoko lang madissapoint si Daddy sakin." Pagpipilit saknya. Nagmukha akong desperada.

Humarap siya sakin at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko may mesa pa na namamagitan samen.

"Yun ba talaga ang reason mo? Alam ko may gusto ka sakin. I admit I like you. Pero hindi ko pwede ibase ang like sa commitment." Nakatitig siya skin habang sinasabi nya yun.

Nabigla ako sa sinabi nya may gusto siya sakin? Totoo ba yun? Pero bakit ganon imbes na matuwa ako parang nasasaktan ako sa mga sinasabi nya.

"That's good atleast may feelings ka parin. I have a plan for sure favor yun sating dalawa." pagngisi ko sa kanya.

"Ok. Shoot."

"Pag may family gatherings tayo of course tayo ang magkasama papakita natin sa parents natin na we're good but kapag wala sila we can be a strangers or friends you can do what you want and vise versa. What do you think?" tinititigan ko siya para makita ko reaction nya ng bigla siyang nagsmile ng bongang bonga. Bigla akong kinabahan sa ngiti. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ok its a deal." nakangiti nyang wika habang kinamayan ako na parang mag naiclose kaming business deal.

.......................................

Late na ko nakauwi dahil dumaan pa ko sa National Book Store para bumili ng materials para sa project. Uuwi ako sa mansyon nyan dahil nasa Pilipinas si Daddy.

Pagpasok namin ni Mang Randy sa gate nakita kong may dalawang unfamiliar na cars.

Nasa may pintuan na ko ng bigla kong narinig mga sigawan nila.

Nandito mga barkada ni Storm. Kapag sinabing barkada The Godz ang nandito. Sh*t nandito si Chase for sure. Bahala na si batman.

Dire-diretso lang ako sa pag pasok kunyari hindi ko sila napansin.

"Hi Summer!" Chorus nilang bati sakin except Chase ano pa ba aasahan diyan eh hindi naman kami close.

"Hello." Bati ko sa kanila at nagsmile ako. Nilapitan ko silang 5 at hinalikan sa pisngi si Storm.

"Si Daddy?" tanong ko sakanya.

Naglalaro sila ng playstation. Si Storm at Chase ang magkalaban.

Habang sila Vince, Nate at Shaun ay nakaupo lang sa sofa at nag aasaran.

"Nasa office baka malate daw siya ng uwi." wika nya sakin na hindi man lang tumingin sakin at sa TV lang nakatitig.

"Ok. How about Jean??"

Nagtitigan silang lima. Mga baliw magsisinungalingpa sila.

"Bagyo?" ako

"Eh kayo ni Chase ano meron sainyo?" Pag uusig ni Storm sakin. Ayaw kasi nyang tinatawag na bagyo napipikon siya. Hahaha

Biglang tumayo si Chase at inakbayan ako. Biglang nagsigawan ang mga kulugo.

"Wtf! Chase hanep ka pati si Summer papatusin mo?" medyo asar na wika ni Storm.

"Dude relax alam mo naman yung kasunduan ng parents natin nag usap narin kami ni Sam na gawin nmin totohanin to." wika ni Chase habang pinisil nya ng mariin ang braso ko at tinitigan ako. Kokontra na sana ako ng bigla siyang bumulong. "Sakyan mo lang." Nagsmile lang ako sakanila bahala na si Chase mag-explain sa kulugo.

Inalis ko kamay ni Chase at umalis na para pumasok na sa kwarto ko.

"Where are you going babe?" sweet na tanong ni Chase. Joskooo kung hindi ko lang siya kilala kikiligin ako. Tengene nito.

"Room. See you later" wika ko sakanya at hinalikan nya ko sa pisngi. Nanlaki yung eyes ko sa bigla gusto ko siyang batukan dahil sa kapangahasan nya.

"Sige na babe pasok kana" Wika nya at natauhan ako. Bigla akong tumakbo aakyat ng hagdan narinig ko pa silang nag sisigawan at nag aasaran.

Humanda ka sakin Chase!!

Lintik lang ang walang ganti.

N/A
May 54 reads at 22 votes na ko thank you sa pagbabasa at pagvovote.

My Twin's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon