Chapter 3

36 4 4
                                    

Dinidedicate ko tong Chapter na to sa #1 Fan ko si @meaniempire Hi my dear thank you sa support labyu muah.

FLASHBACK

SUMMER POV

Kakauwi ko lang at nasa condo na. Umuuwi lang kami sa bahay kapag umuwi lang si Daddy galing business trip lagi siyang out of the country dahil sa negosyo namin.

Nilapag ko mga gamit ko sofa. Sumandal at pumikit ako. Napamulat ako ng tinignan ko ang orasan. 5pm palang magluluto ako ng dinner ko tutal independent na ko.

Tatayo na sana ako ng biglang nagring ang phone ko. Tinignan ko ang caller si Daddy nakauwi na siguro siya.

"Hello Dad." bungad ko sakanya at napangiti ako dahil namiss ko siya ng sobra. One month rin kami hindi nagkita puro phone calls lang.

"Princess nasa bansa na ako at may family dinner tayo later ok? Just don bring your car Storm will pick you. I miss you my princess." ramdam ko yung emotion ni daddy sa boses nya sobrang miss nya ko dahil close kami ni Storm saknya kahit busy siya sa work.

"I miss you too Daddy. See you later po."

At pinatay na ang tawag nya. Ramdam kong nagvibrate ang phone ko may nagtext at si Storm yun 6:30 daw nya ako susunduin.

Nagreply ako sakanya at pumasok sa kwarto para mag ayos.

Nagsuot lang ako ng dress na hanggang taas ng tuhod, lase sa may sleeve na kulay royal blue ito. Naglagay lang ako ng light make up tutal natural ang beauty ko hahaha.

At ng masatisfied ako binitbit ko na ang pouch ko na kuya royal blue rin at sinuot ko na ng doll shoes ko na white. Hindi ako mahilig sa matataas na sapatos.

Nagring ang phone ko. Si Storm ang tumatawag. Pinatay ko na to at lumabas na ng pad ko. Nasa baba na ang kakambal ko.

Nagmamadali akong bumaba para hindi magalit si Storm mainitin ulo nun eh.

Nakita ko ang kotse nya sa harap ng building namin. Oo kami ang nagmamay ari sa Lee Building Complex. Si Storm ang nagmamanage sa mga condo namin at iba pang negosyo ni Dad.

Lumabas siya ng kotse at binuksan na nya ang pintuan nang makita ako. Napaka gentleman nya kahit kailan pero alam ko sa lahat ng babae ginagawa nya yan.

"Gentleman eh?" pang iinis ko saknya at hinalikan sa magkabilang cheeks nya.

"Oh come on sis you know me." wika nya habang sinara ang pinto at naglakad papunta sa driver seat.

Nagkwentuhan kami habang papunta sa Resto nila Uncle Jude nag-iisang kapatid ni Mommy. Single pa yun until now.

Ilang minuto lang nakarating na kami sa Resto ni Uncle. Dumiretso na ko dun dahil kilala na kami mga tauhan ni Uncle ikaw ba naman lagi kumakain dito.

"Good evening Ma'am Summer, Sir Storm." bati ni Mang Randy samin.

"Good evening rin Mang Randy." bati ko sakanya habang nginitian lang ito ni Storm. Pinagbuksan kami ng pinto ni Mang Randy at nagpasalamat dito.

Nasa VIP room na kami at binuksan ni Storm ang pinto. Nagulat ako sa nakita ko dahil andun si Chase.......

Eh? Si Chase? Saglet bakit andito si Chase at ang parents nya?

"Dude, what are you doing here?" Bati ni Storm kay Chase at nag fist bump sila "Good evening Tita Stella, Tito Law." Bati nya sa parents ni Chase at humalik kay Tita Stella.

"Good evening po Tito and Tita." Bati ko sakanila at nagsmile ng konti. Ang weird bakit andito sila?

"You may sitdown." Utos ni Daddy. Nilapitan ko siya humalik sa pisngi nya at niyakap siya ng mahigpit.

"I miss you Dad."

"I miss you too iha."

So yun umupo ako sa tabi ni daddy naka sa kabila nman ni daddy si Storm so parang nakagitna siya samen. Kaharap ko naman si Chase habang nsa gitna si Tita Stella at katabi nito si Tito Law.

Nag umpisa na kami sa pagkain. Nagkwentuhan lang sila about sa bussiness. Ang alam ko magkasosyo na sila sa negosyo namin. Sabi kasi ni daddy ako mag mamanage sa mga Hotel namin. So hindi ko sakop ang Import-Export nila.

Nang matapos kami kumain. Nagsalita na si daddy.

"So tutal kilala nyo naman ang isa't-isa at aware kayo na magbest friend and mommy at Tita Stella nyo. Pinangako namin sa Mommy nyo na kapag nasa tamang edad na si Summer ipapakasal namin siya kay Chase tutal only son siya ng Tito't Tita nyo."

"W---wait. What? Seriously?" Ako medyo nabigla ako dun.

"Well hindi naman namin kayo mamadaliin bibigyan namin kayo hanggang graduation nyo. Try your very best para magkagustuhan kayo. Malapit na rin kayo magtapos kaya sana sa loob ng 2 years may progress ok? Nagkakaintindihan ba tayo Chase?" Wika ni Tita Stella at tumingin kay Chase na nakatitig pala sakin.

"Walang kaso sakin yun tutal i like her." wika ni Chase habang nakatingin or sbihin nating nakatitig sakin magmula pa kanina at kinindatan ako.

I just rolled my eyes. I know yung I liked her na yan nasabi na nya lahat sa mga babae nya. I know him very well his a playboy err no his a walking penis. Always looking for prey.

Even though I still like him. Pero hindi yun ang basehan hanggat hindi siya nagbabago hinding hindi ko sasabahin na gusto ko siya Period.

At yun nga wala naman akong magagawa kung ano desicion nila. I'm just like a running water, just go with the flow.

"Summer?" baling ni Tita Stella sakin.

"May choice po ba ako?"

"Actually iha wala kailangan mag work ang relasyon nyo ni Chase" sabat ni Daddy

"Okay" pagsang ayon ko wala rin naman pla akong choice bakit pa nila ako tatanungin. Duuuhhhh

At ngumiti sila ng napakalapad yung parang nanalo ng lotto.

Gosh tama ba tong pinasok ko?

Baka ako rin masaktan sa huli.

Hay bahala na susugal na lang ako malay mo mahalin din nya ako in the end kahit walang forever.





End of Flashback

~~HammerHeaD

My Twin's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon