Chapter 7

25 1 0
                                    

Summer POV

Isang linggong hindi nagpapakita, tinetext at tinatawagan ni Chase hindi ko nga alam kung bakit siya nagalit.

*TOOOOOOOOOOOT*

From: Best Jean

Girl Nndi2 kmi sa Viking Club with Chase.
Gora ka dito dali.

Ano naman gagawin ko dun? Baka magalit pa si Chase. Pero gusto ko siya makita at makasama.

Tatlong beses kong pinigilan ang sarili kong magbihis para makasunod kina Jean pero tatlong beses rin natalo ng aking puso.



Nagmamadali akong pumasok sa banyo para maligo at magbihis. Nagpants at shirt na lang ako ng itim at nagjacket na may hood at nag rubber shoes para mas makakagalaw ako ng maayos. Kinuha ko ang wallet at phone at diretcho labas na at nagpahatid ako sa driver namin sa club na sinasabi ni Jean.


Ilan minuto lang at nakarating kami sa Club na yon. Sa labas palang maririnig mo na ang napakaingay na music. Mga babaeng kakarampot ang suot at may ginagawang milagro sa madilim na parte ng parking lot.


Pumasok ako sa napakakitid na daan at hinarangan ako ng bouncer para hingan ng I.D buti na lang nasa tamang gulang na ako at pinapasok na nya ako.



Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Jean pero hindi nya ito sinasagot tinext ko na lang siya kung nasaan sila at nsa may entrance ako ng bar.


Ilan minuto lang ay nakikita ko na si Jean palingon lingon ang ulo nya para hanapin ako tinaas ko ang kamay ko para nakita nya ako.


Nang magtama ang mata namin nagsmile at kinaway nya ako. Nang makalapit siya niyakap at hinila na nya ako.



"Buti naman at nakasunod ka andun sila sa VIP Room." sigaw ni Jean sakin dahil sobrang lakas talaga ng music.

Nagpahila na lang ako sakanya. Masyadong malakas amg kabog ng dibdib ko.


Dumaan kami sa may side ng dancefloor sobrang daming sumasayaw at nababangga pa nila kami ni Jean. Nakarating kami sa hagdan at nagleft kami. Nakarating kami sa No. 3 VIP Room. Binuksan ni Jean ang pinto at pinapasok ako nasa may likod ko siya at sinara ang pinto.


Nakita ko siya na may kaakbay na babae at nagbubulungan sa sulok. Habang si Nate at Shawn ay hinahawakan si Storm para pigilan sa pagsugod kay Chase. Galit na galit ang mukha nito. Si Vince naman nakaupo katabi sila Shawn at ang sama ng tingin kay Chase.


Nakit ko sa mesa ang mga nakakalat na basag na bote at mga basong nakatumba. Parang may dumaan n bagyo sa lugar nila.


"Ahm anong nangyari dito?" tanong ko sakanila at palipat lipat ng tingin sa kanila. "Storm?" Baling ko sa kapatid ko at umiwas siya ng tingin. "Nate?" Tinignan nya lang ako at umiling. "Shawn?" Tinignan nya lang si Chase at Storm. "Siguro naman Vince magsasalita ka?" mataray kong tugon kay Vince siya lang naman ang seryoso at matinong kausap sa kanila.

"Tanungin mo sa gago mong boyfriend." Galit nyang tugon at dinuro si Chase.


Hindi ako kumibo tinignan ko lang siya habang nakikipag-harutan sa babaeng ang alam lang ay lumandi.

Biglang tumayo si Chase at linapitan ako. Inakbayan nya ako at tinignan nya kami ng isa-isa. "Summer babe nandito ka pala." Bigla nya akong hinalikan sa pisngi. Napangiwi ako sa amoy nya. Kahit kahiln ayoko ang amoy ng alak.


Niyakap nya ako at naramdaman kong bumibigat ang katawan nya.


Sinilip ko mukha nya at tulog na ito.




N/A

Hindi ko alam kung tatapusin ko pa ito. Hahahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Twin's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon