Maligayang Kaarawan [SPECIAL POEM]
*****Siya'y aming ama't isang kaibigan
Isang dakilang guro't bayani ng kabataan
Siya'y isang modelo ng kagwapuhan
Jerick Omar Famanila ang kanyang pangalan.Siya'y aming sandalan sa anumang problema
Aming kasama sa pighati't saya
Kaya kung may Superman kayong kinikilala
Kami'y may Mr. Jerick Famanila.Siya'y nagtitimpi kahit kami'y magugulo
Nakatatawa pa rin kahit mainit ang ulo
May tiyaga pa rin kahit estudyante'y luko-luko
At kasabay namin sa bawat uso.Aming guro, salamat sa iyo
Sa mga sakripisyo at pagtuturo
Kahit 'di kami galing sa iyong laman at dugo
Itinuring mo pa rin kaming mga anak mo.Itong munting regalo ko'y sana magustuhan mo
Itong aking isinulat, mula sa aking puso
Kaya aming guro, ika'y binabati ko
Maligayang kaarawan sa iyo.#26TulaParaKayFafa
*****
Itong tulang ito ay isinulat ko at ibinigay sa mahal naming adviser noong birthday niya. Special talaga ito, as in, buong puso ko, ibinigay ko na para sa tulang ito.