~ Kung Magkaroon Man ~

88 0 0
                                    

Daniel

Nandito ako ngayon sa school cafeteria kasama ang tropa ko. Nagrereview kami ngayon para sa long test sa physics habang kumakain. Bigla na lang naagaw ng isang grupo ng magkakaibigang nagtatawanan ang atensyon ko.

Ang ganda niya talaga. Hinding hindi ako magsasawang titigan siya. Sana palagi na lang siyang ganyan. Nakangiti. Palaging tumatawa at masaya. Masaya na akong makita siyang masaya. Pero mas masaya sana kung ako ang da-

Bumalik ako sa katinuan ng batukan ako bigla ni Les, "Tol! Titig na titig ka naman. Mamaya maiyak ka na lang kasi tunaw na 'yan." at nagtawanan naman ang magagaling kong mga kaibigan.

Ginantihan ko nga "Tol! Hayaan niyo na 'ko. Hanggang titig na lang naman ako eh." sabi ko sakanila.

"Eh bakit ba kasi hindi mo na lang sabihin dyan kay Kathryn na gusto mo siya?" tanong ni Katsumi sa akin bago siya uminom ng lemonade.

"Oo nga naman pre. Sabihin mo na. Amin-amin din pag may time." sabi naman ni Sed sa akin. May patapik-tapik sa balikat pang nalalaman eh. Porket meron na silang mga love life.

"Tsss. Ewan ko sa inyo mga bro." tanging sagot ko sakanila habang umiiling. "Mag-aral na lang ulit tayo!" sabi ko sakanila. At bumalik na nga kami sa pagrereview.

Habang nag-aaral kami, hindi ko maiwasang isipin 'yung sinabi sakin ng tropa ko. Na sabihin ko na kay Kath na gusto ko siya. Sabihin ko na kaya?

Daniel, hindi pwede! Hindi mo pwedeng sabihin, alam mo naman kung bakit diba?

Sabi sakin ng isip ko. Hay. Hindi talaga pwede. Kaya ko namang umamin sa kanya eh, kaso lang maraming 'what if's'

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang nagsalita si Sed.

"Teka teka mga bro, matanong ko nga kayo, ano na pala balak niyong isuot sa Tuesday?" tanong niya sa amin.

"Simpleng t-shirt lang at maong na vest tapos maong pants. Rock star bro!!" sagot ni Les na punong-puno ng energy-ing inaalog si Kats. Hahaha. Siraulo talaga 'to.

"Ano ba 'tol?! Bitawan mo nga ako! May sira na talaga 'to sa utak. Paki-explain nga sakin pano tayo nagkaroon ng ganitong kaibigan." pagbibiro naman ni Kats at inalis ang mga kamay ni Les sa magkabilang balikat niya.

"Ang sakit naman non bro." sabi ni Les na nakahawak ang kamay sa kanyang dibdib. Umaarteng nasasaktan ang mokong.

"Laswa pre! Itigil mo nga 'yan!" sabi naman ni Sed kay Les. At nagtawanan sila. Ngumiti na lang ako.

"Eto namang mga 'to oh, minsan lang ako gumanto, aawayin pa ako." sabi naman ni Les na kunware ay nalulungot.

"O so ano na nga mga pre, ano ng balak niyong isuot?" tanog ulit ni Sed.

Nagtataka ba kayo kung anong meron sa sa Tuesday, actually wala naman, ka-corny-han lang ng shool namin. Career Day daw, pakulo ng guidance office. Kailangan mong magsuot ng damit base sa gusto mong maging profession mo someday. Corny diba? Imbes na normal na araw na lang at naka-uniform kami, papahirapan pa kaming maghanap ng masusuot.

"Ako bro long sleeves na polo at slocks lang. Future civil engineer yata 'to." sabi ni Kats. Pangarap niya talaga 'yon eh.

"Parehas lang kami ni Kats bro, engineer. Industrial engineer bro." sagot ko naman.

"Pare-parehas pala tayo mga bro! Eto lang siraulong 'to naiba." sabi ni Sed at sabay sabay kaming nagtawanan maliban kay Les.

"Geh, ganyan tayo eh. Papanindigan ko 'yang rock star na 'yon!" sabi ni Les sa amin na may paturo-turo pa sa amin.

I Never Thought I'll Fall For You (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon