Daniel
Kakarating ko lang sa bahay.
"Hi Ma." nagbeso ako sakanya paakyat na sana.
"Anak 'di ka ba muna magmemeryenda?" tanong ni mama saakin bago pa ako makahakbang sa first step ng hagdan.
"'Di na po Ma." sagot ko. Wala kasi akong gana eh.
Pagpasok ko ng kwarto ko, nagbihis na kaagad ako at nagsimula ng gumawa ng homework. Buti nga isa lang homework namin ngayon, may time ako para magchill.
~~
Pagtapos ng halos isang oras, natapos ko na diiiin! Hay life, ang hirap ng buhay graduating. Isa nga lang homework, napakahirap pa.
Humiga muna ako sa kama ko. Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa may ulo ko at 'yun ang ginawa kong unan. Dito na lang muna ako hanggang sa tawagin ako ni mama for dinner.
Habang nakikipagtitigan ako sa kisame, isa lang naman tumatakbo sa isip ko eh, si Kathryn. Bakit kasi kay Enrique pa siya nahulog, okay lang naman na hindi na sa akin eh, pero kasi may girlfriend na si Quen. Ang gago rin naman ni Enrique, hindi ko alam kung pinapaasa niya lang ba si Kath o sadyang ganon lang talaga siya.
Naalala ko tuloy nung unang beses na kinausap ako ni Kathryn about dyan sa problema niyang 'yan 2 months ago...
FLASHBACK
Nandito na ako sa bahay ngayon, walang magawa kaya soundtrip muna.
Habang nakikinig ako ng mga rock n roll na songs, nagvibrate 'yung phone ko. I saw Kath's name kaya binuksan ko kaagad. Minsan na lang kasi kami makapag-usap ni Kath ngayon kasi sobrang busy na namin parehas sa mga projects and exams.
From: Kathryn
DJ, are you busy?
Hindi naman, bakit kaya nagtext 'to? Kaya ni-replyan ko na lang.
To: Kathryn
No Kath, I'm not. Why? :)
Ganyan naman ako magtext palagi eh, laging may smiley sa dulo.
Mga 3 minutes ang lumipas bago nagreply si Kath sakin.
From: Kathryn
Kailangan ko ng kausap ngayon eh, I need to tell something.
May problema siguro 'tong si Kathryn. Pupuntahan ko na lang para makapag-usap kami ng personal.
To: Kathryn
Where are you Kath?
From: Kathryn
Nandito sa may park malapit sa school.
Nireplyan ko kaagad siya.
To: Kathryn
Hintayin mo ako dyan.
Malapit ng dumilim pero nandon pa rin siya, 'di ba niya alam na delikado? Lumabas na ako ng kwarto, hindi ko na hinintay na magreply pa siya at tumakbo na palabas papunta sa park malapit sa school.
Nang makarating ako sa park, andon nga siya, nakaupo sa bench at mukhang malungkot. Minsan ko lang 'tong makitang malungkot, ano kayang problema niya.
"Kath!" tawag ko habang papalapit ako sa kanya.
Nilingon naman niya ako "Hi DJ!" sabi niya habang nakangiti pero halata namang pilit lang 'yung ngiti niya eh.
BINABASA MO ANG
I Never Thought I'll Fall For You (KathNiel)
Fanfiction"We've been friends for more than three years. I didn't expect and hindi sumagi sa isip ko na mas hihigit pa sa pagiging isang kaibigan at little sister ang tingin ko sa kanya. Should I tell her what I feel towards her kahit na mayroon siyang ibang...