Chapter 27 (Last Chapter)

568 12 1
                                    


No One's POV



Abala ang lahat para sa event mamaya. Sa ngayon ay naghahanda ang mga teachers at ilang student ng paaralan sa magaganap na kantahan mamaya.

Sa ngayon ay 7:23 pm na at 8:30 pm ang simula ng Event.

Nasa bahay pa si Baekhyun para sakanyang paghahanda. Mabuti na lamang at memoryado niya ang kanta niya para kay chanyeol at kung se-swertehin ay sana tanungin na siya ni Chanyeol kung maari nang maging sila

"Yah! Mama hindi ko naman po kailangan ng make up eh!" Sabi ni Baekhyun sa mama niya nang akmang lalagyan siya nito ng make up.

"Ano kaba anak konti lang" mama ni baekhyun.

"Eyeliner nalang po ma! Ayoko mag lipstick!" Ngunit kahit ayaw ni baekhyun ay nilagyan parin siya ng mama niya ng konting blush on at Lipstick.

"Oh ma sumunod na lamang kayo ni namsoo doon ha" Baekbeom. Marahan naman na tumango ang mama ni baekhyun

Siya kasi ang maghahatid kay Baekhyun sa school at manunuod din siya bilang suporta sakanyang kapatid. Open event naman ito

Kaya pala may event na ganito ay dahil kaarawan ng Principal ng school.

"Ready kana?" Tanong ni Baekbeom sa kapatid nang makasakay sila sa kotse. Ngumiti si Baekhyun sa kuya niya at marahang tumango "opo kuya. Tara na" Sagot ni baekhyun.

Tumango si Baekbeom at pinaandar ang sasakyan.


Samantala


"Oh ano Sehun?! Okay naba ang lahat? Yung kanta? Okay naba?" Tanong ni Chanyeol

Tumango naman sila sehun. Huminga naman ng malalim si Chanyeol at inihanda ang kanyang sarili. Ngayon niya balak itanong kay Baekhyun kung maari nabang maging sila Officially

"Ngayon ko lang 'to sasabihin tol' ang gwapo mona sasagutin kana ni baekhyun niyan!" Sabi ni Jongin sakanya

"Sana nga" Sabi ni Chanyeol. At tinignan ang rosas na balak niyang ibigay kay baekhyun.

May tatlong kanta si baekhyun at Taehyung. Mayroon ding performance sila Jongin mamaya bilang mga dancers. At ang balak ni Chanyeol ay matapos kantahin ni Baekhyun ang huling kanta (na hindi niya alam na sinulat ni baekhyun para sakanya) ay lalabas siya ng stage at kakantahan niya si Baekhyun.

Maya-maya ay nakita niya si jongdae na papalapit sakanya. Nginitian siya nito. So ngumiti na rin siya

Hinawakan siya nito sa balikat "chanyeol. Mark my words wag na wag mo na ulit siyang sasaktan dahil kung hindi maghanap kana ng dinosaur bones dahil sakanila ka manghihingi ng buto. Tandaan mo yan" Pagbabanta ni jongdae sakanya

Hindi niya masisisi si jongdae dahil alam niyang si jongdae lamang ang nakakakita ng sakit na naramdaman ni baekhyun noon. Marahang tumango si Chanyeol at sinabing "Hindi ko maipapangako na hindi ko na siya masasaktan pero ipinapangako na kahit anong mangyari hinding-hindi ko na siya iiwan" nakangiting sambit ni Chanyeol

"Dapat lang Chanyeol! Dahil kung hindi hahabulin kita at sasaksakin kita gamit ang baba ni Kris!" Sehun

"Hindi ba gamit ng baba mo?" Biro ni Jongin. Binatukan naman siya ni Sehun "Hindi. Mas matulis yung kay Kris eh" Sabi ni sehun na ikinatawa ng lahat.

Muling tinignan ni Chanyeol ang oras at malapit nang magsimula ang event. Sumilip rin siya at marami-rami na ring tao. Huminga siya ng malalim and mentally said "malapit na chanyeol. He'll be yours again in a bit" he said into himself.

Stars and Caramel Bars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon