VICTIM OF LOVE

43 0 0
                                    

ONE SHOT STORY

Ako si Katrina B. Santiago, isang maganda, mabait, matalino at mayaman na babae. Tinalikuran ko ang aking kayamanan, edukasyon at marangyang buhay dahil sa pinakamamahal kong si Miguel T. Perez, isang gwapo, masipag, mabait na lalaki ngunit hindi siya mayaman kaya ayaw sa kanya ng mga magulang ko. Pero pinili ko parin na sumama sa kanya dahil sobrang mahal na mahal ko siya, tumira kami sa Sta. Rosa, Laguna. Isang maliit na bahay, namumuhay kami ng normal, kumakain ng 3 beses sa isang araw, nagtatrabaho siya sa bukid malapit sa aming bahay. Hanggang sa dumating ang tag tuyo at nasira ang mga tanim nila kaya hindi siya nakakakuha ng sapat nap pera. Minsan sa isang araw 1-2 beses lang kami kumaen, tuyo pa ang ulam naming. Nakakaramdam ako ng hirap pero hindi ko ininda yun dahil sa mahal na mahal ko si Miguel. Hanggang sa isang araw..

“Mahal, napag-isip isip ko na kung aasa ako sa bukid dito walang mangyayari sa atin. Lalo na ngaun nagdadalang tao ka na.” Oo, buntis ako. 2 buwan na.

“Ha? Ehhh, anong balak mo?” sabi ko.

“May inaalok sakin si Pareng Jerry, sa Qatar daw yun. Construction, may ginagawa daw kasing 5-star hotel dun kaya kailangan ng mga trabahador.” Sabi niya.

“Ano? Tatanggapin mo ba? Paano ako? Mag-isa lang ako Miguel. Kung iiwan mo ako, paano ako ditto.” Naluluhang sinabi ko.

“Para rin satin to Trina, para sa magiging anak natin. Gusto ko kayong bigyan ng magandang buhay. Mahirap din para sakin to. Pero kailangan kong gawin para hindi tayo maghirap kagaya nga ng nangyayari ngayon. Trina, alam kong hirap na hirap ka na sa sitwasyon natin kaya minabuti ko na rin na magdesisyon.” Sabi niya, tama naman pero…

“Bakit doon pa? Pwede naman tayo bumalik sa Maynila at doon ka maghanap ng trabaho e. Makakakuha ka rin naman ng magandang trabaho dun.” Sabi ko.

“Alam mo Trina, hindi mo alam ang buhay kasi lumaki ka sa marangyang buhay. Ako simula bata palang ako nagsusumikap na ko. Wala ng buhay sa Maynila, lalo na kung high school lang ang natapos. Kung yung mga nakakatapos nga ng college nahihirapan maghanap ng trabaho e. Ako pa kaya na high school lang ang natapos.” Sabi niya.

“Bahala ka!” sabi ko. Sama ng loob ko. Paano niya matitiis ang hindi ako makasama.

“Wag kang mag-alala mahal, hindi ako magloloko. Trabaho lang ang pupuntahan ko dun. Walang iba. Pinapangako ko sayo.” Sabi nya habang nakayakap sakin. Tumango nalang ako.

Araw-araw umaalis si Miguel para asikasuhin ang papeles niya. Wala tuloy ako palaging kasama dito. Umuwi si Miguel ng nakangiti at masayang Masaya.

“MAHAL!!! Tanggap ako! Yayaman na tyo!” Masaya niyang sabi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, magiging masaya ba ako o malungkot. Masaya dahil magkakatrabaho na siya, malungkot dahil magkakalayo kami.

“Talaga?” sabi ko sabay ngiti ng pilit.

“Mahal naman e, wag ka ng malungkot. Diba napagusapan na natin to." Tumalikod ako habang pumatak ang luha sa mga mata ko.

“Kelan ang alis mo?” Tanong ko.

“Sa makalawa na mahal..”  Sabi niya sa mahina na boses. Nagulat ako.

“Sa makalawa na agad?!” Tanong ko ng pasigaw.

“Oo e, hayaan mo na. Alam mo naman e..” Sabi niya. Hndi na ako sumagot pa dahil makakasama para sakin. Naghain na ako at kumaen na kami at natulog. Kinabukasan, wala na naman siya. Inasikaso siguro ulit yung mga papeles. Mga 4:30 ng hapon ng umuwi siya. May dala siyang maleta.

“Mag-aayos na ko ng gamit mahal, 11am bukas ang alis ko dito. Dapat daw 3pm nasa airport na kami. 6pm ang flight.” Sabi niya..

“Ahhh..” maikli kong sagot. Hindi na siya nagsalita pa. Naghain ako, kumaen ng tahimik. Habang siya malalim ang iniisip. Naglatag na ko at natulog.

Pag gising ko wala na siya. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. May nakita akong sulat..

“Mahal, pasensya na kung hindi kita ginising. Ayoko kasing Makita mo kong aalis at ayokong Makita kang umiiyak. Bibigat lang ang loob ko. Wag ka ng malungkot please. Para sa atin tong gagawin ko. Tandaan mo Mahal na mahal kita, mag-iingat ka palagi.”

Naiyak na lamang ako sa nabasa ko. Nagtiwala ako sa kanya dahil pinanghahawakan ko ang mga sinabi niya sa akin. Alam kong mahal na mahal niya talaga ako. Nagluto na ako at kumaen pagkatapos ay naligo at nagbasa basa na lamang, ang bagal ng oras. Maaga ako natulog, nagising ako sa isang tawag..

“Hello mahal?” sa kabilang linya..

“Miguel?!” sabi ko..

“Oo mahal, ako nga. Kararating ko lang ditto kaninang 9am. Bumili pa ko ng sim kaya ngayon lang kita natawagan.” Sabi niya.

“Ah, kumaen ka na ba? Wag mong pababayaan sarili mo ah.” Sabi ko.

“Sige na mahal, konti lang load ko. Mahal load ditto e. Tawagan nalang kita uli-“ Hindi na natapos ang sinasabi niya dahil naputol ang linya. Hindi na ako nakatulog kaya bumangon na ako at nagluto ng almusal, naglinis ng bahay, naligo at tumunganga.. Araw araw ganun ako, linggo-linggo naman tumatawag si Miguel, kinukwentuhan niya ako tungkol sa trabaho niya at mga kasamahan. Miss na miss ko na siya. Nalulungkot na ako. Lumipas ang 5 buwan, isang buwan nalang uuwi na si Miguel. Excited na ako. Hindi na niya ako tinatawagan. Siguro hindi na siya gumagastos dun para maiuwi yung perang inipon niya. Lumipas ang isang linggo, natutulog pa ako ng biglang nagring ang cellphone ko, panigurado si Miguel ito dahil number sa ibang bansa eh.

“Hello Mahal?” Sabi ko.

“trina..” Sabi niya, Trina? Bakit ganun ang tawag niya sakin at parang ang lamig ng boses niya, kinukutuban ako.

“Bakit Miguel? Ikaw ba to? Bakit ganyan ka? Anong nangyari?” Sabi ko.

“Trina, hindi na ako makakauwi..” Sabi niya. Tumulo ang luha ko. Tama nga ang kutob ko.

“Ha? Ehhh, bakit?” Sabi ko habang umiiyak.

“Trina, sorry pero yung mga pangako ko sayo hindi ko na matutupad. Nakabuntis ako dito Trina, anak ng boss ko. Papatayin nila ako kapag hindi ko siya pinakasalan. Nung una, binibigyan niya ako ng pera para sa isang gabi. Naisip ko na tanggapin ang alok niya dahil ikaw agad ang naisip ko. Gabi-gabing may nangyayari samin hanggang sa dumami ang aking pera at nagging sakim ako. Hanggang sa sabi niya sakin na buntis siya at pinakita niya sa akin ang resulta. Sorry Tri-“ Sabi niya.

“Ano Miguel? Bakit ako? Hindi ba ako buntis? Gago ka ba? Wag na wag ka ng tatawag sakin.” Sabi ko, galit na galit ako sa kanya gusto ko siyang patayin. Hanggang sa umalis ako, lumuwas ako ng Maynila. Naglakad-lakad, nagpunta ako sa bahay ng magulang ko ngunit pinagtabuyan nila ako. Wala akong mapuntahan. Kaya tumira ako sa lansangan at namalimos.

Isang gabi, sobrang sakit ng tiyan ko. Nagsisisigaw ako at maraming tao ang nagkagulo, mabuti nalang at dinala ako ng ilang mababait na tao sa ospital. Nanganak ako at ang tanging nasa isip ko ay yung galit ko kay Miguel. Nagising nalang ako nasa loob na ko ng isang kwarto, may lumapit sakin na nurse. Sabi niya..

“Mam, buti po gising ka na..” Sabi niya..

“Ang anak ko?” Sabi ko.. Hindi nagsalita ang nurse, inulit ko ang tanong ko.

“Nasaan ang anak ko?” Sabi ko. Ngunir hindi parin siya nagsasalita. Ngalit ako at sumigaw..

“NASAAN ANG ANAK KO?!” Nagwala ako..

“Wala na siya, wala na po ang anak niyo..” Nanghina ako sa narinig ko. Tila bumagsak ang mundo ko. Para akong mababaliw, tumayo ako sa kinahihigaan ko. Tumakbo ako palabas at *BOOOOOM* nawalan ako ng malay, pag gising ko nasa ospital ako ulit. Sino yung mga nandito? Nkatingin sila sakin. Nagwala ako at nagkagulo sila.. Tumakbo ako palabas ng ospital, nagtago ako para hindi nila ako Makita. Tumira ako sa lansangan, walang makain, hanggang sa nambabasura na ako doon ako kumukuha ng makakain. May humintong sasakyan sa harapan ko at binalutan ako ng isang damit at itinali ang mga kamay ko. Nagsisigawan ang mga tao, “KUNIN NYO NA YAN! BALIW NA YAN!” Tama sila. Hahahahahahahahaha! Ako baliw na?! Hahahahah! Baliw na ako, baliw na ako! Nabaliw ako sa sobrang sakit. Ngayon nandito ako sa Mental Hospital, nag-iisa. 5 taon na akong naririto. Bumalik na ang alaala ko. Magaling na ako. Pero walang naniniwala sakin. Baliw parin daw ako sabi ng mga doctor. Hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa tuwing naaalala ko ang nakaraan. Ang lalaking unang minahal ko at nagpapasaya sakin, niloko ako.

Ako si Katrina B. Santiago, isang maganda, mabait, matalino at mayaman na babae. Tinalikuran ang lahat para sa aking pinakamamahal at ngayon isa na akong VICTIM OF LOVE.

Victim of LOVE (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon