Chapter 2 (University)

29 3 1
                                    

"Aba Cookie! baka gusto munang bumangon dyan?!" nakahiga palang ako sa kama boses na agad ni tita ang narinig ko!

"Eto na po!" pasigaw kong sabi sa kanya.

Kung nagtataka kayo kung bakit si Tita yung gumising sa akin dahil wala dito yung mga parents ko. Si kuya Carl nalang yung kasama ko dito. Dito rin siya nakatira kay Tita, wala namang asawa't anak si tita kaya dito muna kami tumira ni Kuya. Si Mama kasi sabi nila sa akin iniwan na daw ako nung magiisang taon palang ako. Si papa naman nasa abroad pero hanggang ngayon di pa rin siya umuuwi.

'Psh~ Anong oras naba?' bulong ko sa sarili ko.

HA?! 8:00 palang?!! eh 9:30 yung pasok ko eh. huhu, si Tita talaga!!

"Goodmorning!" bati sa akin ni kuya pagkapasok niya sa kwarto ko.

"Goodmorning din. Anong nakain mo? at masaya ka ata ngayon?"

"Ako? masaya?"  

Hindi yung pinto! -_-

"Meron pabang ibang tao dito?" sarcastic kong sabi sa kanya

"Sabay tayong pasok mamaya ah" sabay labas ng pinto.

4rth year highschool na ako, parehas kami ni Casper. Si kuya naman 1st year college na, Pero tropa niya si Casper. At parehas silang PLAYBOY!

Bumangon na ako at inayos ang kama ko tapos ginawa ko muna ang morning rituals ko. tapos bumaba na ako. nakita ko naman si Tita at kuya na kumakain.

"Aba! buti naman at bumaba kana!" bungad agad sa akin ni Tita! 

"Syempre po" sabi ko sa kanya sabay upo.

"Pagkatapos nyong kumain maligo na at pumasok! Okey?" 

"OPO!" sabay pa namin ni kuya sabihin

Minsan may pagkamabait naman talaga tong si Tita eh. Wag lang gagalitin kasi nagiging monster to! HAHA ssshh! siya na yung nagpalaki sa amin ni Kuya simula bata pa kami.

"Tita! alis na po kami" sabi ni kuya

"Oh sige eto ang baon nyo" 

Salamat po!" sabi ko sabay alis.

Habang naglalakad kami ni kuya may isang itim na kotse ang huminto sa tapat namin at binaba niya ang salamin, pagkatingin namin...

"Oh! cas. anong ginagawa mo dito?" sabi ni kuya 

"Tara! sabay na kayo sakin"

"Ha? wag na! malapit nalang naman kami eh" sabi ko sabay lakad. 

Nung naramdaman kong walang sumusunod sa akin na KUYA CHARLES! napatingin ako sa likod ko. at ayun nakaupo siya sa tabi ni casper! arrgh.

"Ano sasabay kaba?" tanong niya sa akin

Dahil no choice ako dahil etong magaling kong kapatid ay nandun wala na akong nagawa kundi sumakay nalang sa kotse niya

"Dito na lang ako pre. maiiba pa way ko kapag sumama ako sa inyo eh" 

"Oh sige Carl! ako ng bahala kay cookie" 

"Sige ingat kayong dalawa ah" 

Bago siya umalis tumingin muna siya sa akin

"Mag aral kang mabuti ah!" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Playboy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon