Chapter 3 [P.A]

150 5 0
                                    


Chapter 3 *P.A*

(A/N: Charity po ang nasa Multimedia :))

Charity's POV

"Ayos ka lang Cha?" Tanong ni Nikki sa'kin habang tinitignan niya ako.

"Sampalin kaya kita tas tanong ko sa'yo kung okay ka lang? Nakakatangang tanong Malamang hindi!" Hala ayan na naman si Cess. Nagmamaldita nanaman ._.

"Cha yung sinabi ko diba? Ikaw ba si Charity?" Nag uumpisa nanaman 'tong dalawang 'to. Ganyan talaga yang dalawang 'yan. Ganyan sila maglambingan. Haaay, nasampal na nga ako ng manager ng Exo nasira pa ata 'tong camera ko huhu.

"Nikki! Princess! Tama na yan! . Cha hayaan muna yun pwedi nating sampahan ng kaso yun" Sabi ni Kaizel habang inaawat ang dalawa.

Nag make face nalang si Cess.

"Wag na, Hayaan niyo na. 'Di naman nasira yung camera ko eh. Hehe" Sabi ko habang chine check yung camera ko. 'Di naman ata nasira ehhh. Kaya okay lang..Ayoko kasing lumaki ang gulo baka mmabalitaan pa nina Papu at Mamu tas pauwiin pa'ko ng di oras.

"Eh? Hindi naman tayo magsasampa dahil sa camera mo, kung'di dahil sinaktan ka nung manager ng Exo" Nakakunot noong sinabi sa'kin ni Mariel.

"Eh? Nakuu wag na! Baka masira pa image ng Exo ayaw ko naman yun huhu" Mahal na mahal ko ang Exo lalo na si Kai! Kaya ayaw kong masira ang image nila dahil lang sa'kin nuh! Nonono way.

"Haaay naku Cha! Ang weird mo talaga! Tara na. Sa apartment nalang natin pag usapan" Nag rent kami ng apartment dito. May kakilala kasi si Cess dito sa Seoul na nag paparent ng apartment kaya di kami nahirapan. Gusto nga ni Cess na sa hotel kami eh. Kaso sabi ko wag nalang kase mas magandang mag apartment nalang kami para new experience hehe.

May mga kaya naman sa buhay ang mga kaibigan ko nuh! Businessman ang daddy ni Cess. Sina Nikki,Kaizel at Mariel naman sakto lang sila.

------------

Pagkarating namin sa apartment nag linis at nag ayos lang ang ginawa namin buong araw.

*Kinabukasan*
(7:28 am)

"Punta tayo sa SM Ent ngayon! Hehe" Pagyaya ko sakanila. Nag aalmusal kami ngayon dito sa kusina.

"Agad agad? Di muna tayo mamasyal? I mean punta sa mall? Libot libot?" Mataray na sambit ni Cess habang ngumunguya.

"Ihhh, mas maganda kung punta na tayo dun! Gustong gusto ko talagang makita itsura nun ehhh hehe" *munch* *munch* Dati ko pa  gustong nakita itsura nun sa loob. May makikita kaya kaming artista? Excited nako hehe.

"Eh ano naman sasabihin natin dun sa guard? Di naman sila basta basta nagpapapasok eh" Oo nga tama si Mariel, masyadong mahigpit dun. Alam ko na!

"Edi sabihin natin mag aaudition tayo! Hehe" Oo tama tama! Kunware mag aaudition kami. Diba every month naman nag papa audition sila? Galing ko talaga hehe

"Hmmm. Pwede, alam mo Cha minsan nagagamit mo naman din pala yung isip mo eh" Saad ni Cess at tumatango tango pa. Nagtawanan naman sina Nikki, mariel at kaizel.

Matalino naman kaya ako! *pout*

"Naman! Tska di naman minsan nuh! Madalas kaya" Dinilaan ko siya.

"Whatever" Cess just rolled her eyes. Maldita talaga 'to! Dukutin ko kaya  mata niya? Nakuu wag nalang kawawa naman hehe. Kahit ganyan mga yan mahal ko pa din naman sila kahit konti hehe xD

Life Of Fangirls (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon