"Aaahh! Ayoko naaa!"
inis na inis na ako dito sa mga trigonometry problems na sinasagutan ko. Kasi ganito yung madalas na nangyayari...
Trigonometry problem # 30:
ang answer ko 75.19
choices:
a. 123.12
b. 65.19
c. 107.47
d. 88. 34
Bwiseeeet. v(>_<)v so wala talaga sa choices ang sagot ko? Liliit ang utak ko sa homework na 'to. Kung si superman kryptonite ang weakness, for sure ang sakin Math.
"Sshhh."
"Ugh. weirdo."
"Shut up loser."
Biglang tinginan sakin yung mga estudyante dito sa loob ng library pag sigaw ko.
"Ay sorry. sorry."
Oo. medyo naaapi ako dito sa pinapasukan ko ngayong college. Ang Brettwood University. Pano kasi ang school daw na ito ay school for 'the children of elite and powerful personalities of the country' sabi nga ng babaeng bully na takang taka kung bakit ako naka pasok sa University na to. Di daw ako belong... Well, I agree. feel ko rin naman na di ako belong. eh pano, 1 week na akong pumapasok dito pero hanggang ngayon wala pa din akong friend. Nung highschool, bago matapos ang first day kaibigan ko na ang 50% ng mga kaklase ko. Ngayong college? waley. bokya. Eh pano naman kasi, ang mga estudyante dito anak politicians, celebrity, company owners, famous Lawyers, the best Doctors, influential businessmen at kung anu ano pang trabaho na limpak limpak na salapi ang sweldo.
Tingin mo makikipag friend sila sa tulad ko? tulad ko....
ay oo nga pala.
Ako si Kaya. Kaya Fernandez. anak ng businessmen. oh diba businessmen ang mga magulang ko? kung nagtataka kayo kung bakit di pa din ako belong, kasi yung specific business nila mama at papa ay Bakery. hindi yung sosyal na bakery ha. yung tinapayan lang. yung makikita mo lang sa kanto ng street nyo. ganon. So for short, di ako mayaman. Wala akong sosyal na mga gamit at lalong wala akong makapal na wallet. Ang big question dito ay kung pano ako nakapasok sa school ng mga milyonaryo....pano pa nga ba? eh di dahil sa tumatagingting na scholarship! sayang naman daw kasi sabi nila mama kung hindi hindi ko kukunin eh pampaganda daw yun ng resume kung maganda ang school na pinanggalingan mo. So ayan. andito nako.
okay. balik sa homework.
binasa ko na yung sunod na problem. magsisimula na sana akong mag compute kaso biglay namatay yung calculator ko.
"hala! anong nangyari?" (○~○)
pinukpok pukpok ko sa kamay ko yung calcu ko. inaalog alog ko kasi baka mag open ulit...di nagtagal sinukuan ko din. wala na talaga to. deds na. huhu T_T
yumuko nalang ako. pumikit. huminga ng malalim at inuntog ko yung ulo ko sa table paulit ulit. mamayang hapon na to isusubmit! D':
"Ahhhh. Mababaliw na ako!"
bigla akong may na feel na umupo sa tabi ko. pag tingin ko sa tabi ko may lalaking nakatingin sakin. tumatawa sya tapos may hawak na calculator.
"Hoy miss. alam mo, hindi mag oopen yang calculator mo kahit 100 times mo pang ipukpok yang ulo mo sa lamesa."
gwapo nitong mukhang Fil-Am na to ah. brown yung mata nya. nakataas yung buhok. maputi sya tapos ang kinis ng mukha. Na feel ko tuloy para akong raisin na tinabi sa grapes.
"Heh. Alam ko naman eh. stressed lang talaga ako."
"I know. Halata naman eh. hahaha. here. use my calculator."
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionSi Vern ang savior ko everytime na natotrouble ako. friends kami... secret crush ko sya. Si Grey ang asungot na ginagawang miserable ang buhay ko. Di kami friends. mortal enemy ko sya. sabi ko sa sarili ko never akong magkaka crush sa kanya tamaan...