2

28 0 0
                                    

Natapos ang Lunch namin ni Vern ng para akong sumagot ng slam book. Grabe ang dami nyang tanong..pero okay lang. At least hindi sya boring kasama. Medyo mahinhin epek lang ako kanina kasi formal yung place. Nung hapon, nag ba-bye nako sa kanya kasi may pasok pa ako sa zoology.

Pagpasok ko sa classroom, hindi pa naman nagsisimula ang lesson. Buti nalang. pero andun na yung professor.

May kausap syang estudyanteng lalaking matangkad. Nakataas yung buhok. Naka plain white v-neck shirt lang sya pero iba pa din ang dating. mukha kasi syang mayaman. Pinapansin ko yung mukha nya habang kinakausap ng prof. masyadong pokerface naman ata 'tong lalakeng to. Pero infairness ang gwapo nya. Wait.. correction. Sobrang gwapo nya. Mukhang model na artista.

May mga nag chichismisan na babae sa likod ng ko kaya todo effort ako mag lean sa sandalan ng upuan ko para maki chismis na din lang. Eh sa wala akong katabi. Ewan ko sa kanila. Di naman ako bad breath. Wala naman akong boom sa kilikili. Lalo nang wala naman akong nakakahawang sakit. Pero ganun talaga. Ayaw pa din nila. Nilalagyan ko nalang ng bag yung upuan sa tabi ko para mukha namang may nakaupo.

Balik tayo sa chismisan nila. Yun na nga, nakichismis na din ako...

"He's so hot right?"

"Gosh i know. I transfered to this class kasi i heard na dito din sya. Buti nalang pumasok na sya." *×*

"Hey, magtransfer ka ng seat. He should sit next to me."

"why me? No. you transfer."

"No. You."

"Omg he's headed this way. How's my make-up?"

"Hoy, yung bag mo nasa upuan ko."

Ayos din tong mga babaeng to. Nasa klase make-up nila ang pinagwoworry....

"Hoy. yung bag mo."

....kung ganon lang di sana sa make up class sila pumasok. Ahahha. Make up. Haha.ha.ha. ahh. K. Hmm. Oh, 'bat parang natigil na sa pagdadaldalan 'tong mga babaeng to?

*bugshhh*

Biglang may tumapon ng bag ko sa may sahig sa tapat ko. nagulat ako sa lakas ng pagka bagsak.

Hala! May calculator jan!

Napansin ko ang daming nakatingin sakin. Tapos....tapos....may katabi ako. Sya. Yung pinag chichismisan ng dalawang girls sa likod ko. Kaya naman pala sila natahimik eh andito na yung pinag uusapan nila...pero teka teka....

"Excuse me, ikaw ba nagtapon ng bag ko?"

Medyo kalmado pa ang boses ko kahit naiinis ako. Eh kasi naman. Bag ko yun eh. Dapat talaga tinatapon? Makukulong ba sya kung ibigay nya ng maayos sakin?

Hindi sya sumagot. yung mukha nya parang poker face pero parang nakabusangot na ewan. Nakatingin lang sya sa unahan.

"Hoy. Di mo ba ako naririnig? Bingi ka ba? Tinatanong ko kung ikaw ba tumapon ng bag ko. Alam mo bang may gamit akong iniingatan dito?" Yung calculator ni Vern.

Di pa din ako sinagot. Nakatingin lang sya sa unahan. Ay baka bingi lang talaga sya.

Kinulbit ko sya tapos nagsign language epek ako. Tinuro ko sya. Nag acting akong may tinatapon tapos tinuro ko yung bag ko. Tapos tinuro ko naman sarili ko. Mukhang nainis sya sa pinaggagagawa ko. Kumunot yung noo nya na parang nawiweirdohan sakin.

Inulit ulit ko yung ginagawa kong sign language at kinukulbit sya. Siguro napuno na 'to kaya bigla nya nalang tinulak yung kamay ko nung balak ko syang kulbitin ulit.

"What the heck are you doing? Abnormal ka ba o weird ka lang talaga? Stop it. Para kang tanga."

Jusko eh nagsasalita naman pala tong boy busangot na to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon