Chapter 45: Undesired Thoughts

2.1K 27 0
                                    

As soon as I woke up, narinig ko kaagad ang tumunog na cellphone ni eros.

Tinignan ko kung sino.

Nawala ang antok ko sa nakita ko.

Farrah Festin
Calling...

Napalingon ako sa tulog mantika na si Eros. Napabalik ang tingin ko sa cellphone niya.

Hilarious.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na si Farrah pala ang nagsagip sa buhay niya. Tsaka ikakasal nga sila eh. Bakit nagawa niyang pakasalan si Farrah? Tapos nung nalaman niyang nagpapanggap lang kami ni Markus ay pilit niya akong kinuha.

In fact, nagustuhan ko yun kasi gusto ko ding bumalik sa kanya.

I picked up his phone and answered the call. Inilagay ko sa may tenga ko at nagsalita siya.

"Babe, it's me..." Malambing na sabi ni Farrah.

Malambing.
Hindi ko maimagine na ganito pala ka malumanay at kalambot ang boses niya. Ang pagkakakilala ko sa kanya simula pa lang ay maldita at napakabruha. Hindi ko siya gusto.

Pero ganitong boses niya?
This freaking first time.

Hindi ako umimik. Hinayaan siyang magsalita sa kabilang linya.

"Babe....*sobs* I missed you." And now she's crying? Omg. I can't believe I'm hearing this from her!

She seems... Fragile.

Hindi talaga natin kilala ang isang tao.

"Eros, I am your fiancé. You told me you loved me so much naman diba?" She sounds so desperate.

I'm still listening.

"Eros naman eh!" Nailayo ko ang phone sa tenga ko nang lumakas boses niya ay sumigaw sigaw at may naririnig din akong pagkabasag sa kabilang linya. I hope she's gonna be fine. She'll be.

I ended the call and sighed.

Nabothered kasi ako sa ingay na ginagawa niya. Para siyang baliw kay eros na hindi ko alam.

I texted her using eros phone. Nagpapanggap ako na ako si eros.

To: Farrah Festin
Don't harm yourself. Take care.

Matapos ay dinilete ko ang mensaheng iyon at binalik sa pwesto ang phone niya.

Napahinto ako saglit nung napansin medyo gumalaw si eros sa kama at dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya. Humiga ako katabi niya.

"Wake up, Mr. Handsome." I said, half-yawning.

He groaned.

Book 1: Sore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon