(Ryuu's POV)
After the reception na puno ng katatawanan at kalokohan dahil sa mga kaibigan ni ko dumiretso na kami ni Keiko sa airport..Ngayong araw na din kasi ang flight namin papuntang Rome para sa honeymoon namin..
'Wag niyo na akong tanungin kung excited ba ako sa honeymoon namin o hindi...HINDI ko kasi alam kung ano ang isasagot ko...
Ewan ko ba..iba talaga yung naramdaman ko nung makita ko na siyang naglalakad sa aisle..parang ang bilis ng tibok ng puso ko...Nakakainis nga kasi hindi dapat ganun..Sabi ko nga sa kanya dapat magkaibigan lang kami...
Tinatawag na yung flight namin kaya mabilis ko ng binuhat yung hand carry namin at inalalayan siya papasok..
Nakatulog siya sa halos buong duration ng biyahe..nakakatuwa ngang tingnan yung mukha niya kasi ang ganda niya talaga..Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan eh..
Maganda siya kahit walang makapal na make-up na katulad ng mga girlfriends ko...
(Keiko's POV)
Nandito na kami ngayon sa Hotel Manfredi...two weeks kaming mag-i-stay dito ni Ryuu..Yung parents namin ang nag-ayos ng honeymoon namin..Ok lang naman sakin kasi gusto ko din talagang makapunta dito sa Rome..
Kinakabahan na naman ako...Kasi naman first time namin na magsasama sa isang kwarto..Ito din yung first time na nagkasama kami ng matagal...Medyo naiilang nga ako sa kanya eh..
I'm not expecting anything naman kahit na honeymoon namin ngayon...Sabi niya kasi mas mabuti daw kung maging friends na lang muna kami...
Pero siyempro kung magbago yung isip niya okay lang sakin...HAHAHA..ang landi!!!
Chos!!! Hindi naman..In-love lang...Naku! loka-loka talaga ako..Buti hindi ako nadapa habang naglalakad kami papunta sa kwarto namin...
(Ryuu's POV)
Pagkadating namin sa kwarto ay mabilis akong humiga sa kama...napagod din kasi ako sa biyahe..tapos diretso pa kami from the wedding..
Idagdag mo pa ang uneasiness na nararamdaman ko para dito sa asawa ko..EWAN!!! Para kasing okay na sakin na siya yung asawa ko..Parang masaya nga ako eh...
Kaso lang hindi 'to pwede..Masasaktan ko lang siya..Hindi ako yung tipo ng lalaki na stick to one...Kung papatulan ko siya..Baka ma-inlove lang siya sakin at pati yung friendship namin mawala,..Hindi ko kasi kayang ipangako na siya na talaga...mabuti pa magpahinga na lang muna ako..
"Keiko matutulog muna ako ha..Medyo napagod kasi ako sa biya..Kung gusto matulog ka na lang din muna..Dito ka na sa kama..Dun na lang ako sa sofa bed..malaki naman kaya kasiya ako..May sofa bed din aksi malapit sa kama...
"Hindi..ako na lang sa sofa bed..Mas maliit naman ako sa'yo eh..mas magiging komportable ka dito sa kama..."
"Are you sure?"
"Oo naman...Sige matuog kana...maliligo lang ako tapos matutulog na din muna ako..mamaya na tayo kumain tutal maaga pa naman...
"Sige, salamat Keiko.. "