PROLOGUE (ITO NA TALAGA YUN)

1.5K 64 13
                                    

PAANO KA MAGKA-CRUSH?


***
Ikaw ba si Mr./Ms. confident?

Ang nilalang na pinagpala nang maganda at gwapong mukha kaya hindi nahihiyang ipagsigawan kung sino ang natitipuhan.

Sila rin ang madalas alam nang buong madla kung sinu ang crush at ok na ok sa kanila ang inaasar sa crush nila. Feeling nila one step ahead na sila sa mga kakompetensiya at syempre, sila rin ang may pinaka feel na feel ang buhok nilang kasing haba nang hallway nang school o di kaya kapogiang umaabot hanggang Mindanao kapag napapansin ni crush.

***
Ikaw ba si Mr./ Ms. Concealed?

"Wag nalang, nakakahiya."

Yan ang madalas mong linya. Nasa pinto palang si Crush kinikilig ka na, pero kapag dumaan sa harap mo kunwari dedma.

Ikaw rin si simpleng papansin pero kunwari hindi sinasadya. Sa mga lalaki, madalas pang-aasar ang method niyo, pero sa mga girls, most of the time tinutukso niyo sa iba, kunwari si BFF ang may type, pero kapag talikod ni crush.

"Wag kang mainlove! akin pa rin yan!"

ang palagi mong sinasabi.



***

o baka naman ikaw si Mr./ Ms. FRIENDZONE?

Kilalang tropa ni Crush kaya ang feeling nevermind nalang?

OUCH! HARD NUN FRIEND! pero kahit ganun, kayo pa rin ang pinakamalapit na kaibigan ni Crush, always there, umaraw umulan, lumindol at kumidlat at umaasa na in the end of the day, happy ending pa rin sila ng crush este TROPA niya.

Sheket?

***
PWEDE RIN NAMANG MR/MS. HYPOCRITE

T

aas nuong nakatayo para sa lovelife nang kaibigan pero dinadaga kapag sarili nang lovelife ang pinag-uusapan.

Ikaw ang pinagbabato ng tropa, para kumuha ng tsismis tungkol sa mga crush nila pero ikaw, lihim lang na nagmamahal. Ito ang tipo nang crush na minsan parang mas HOT pa sa summer ang ending pero kadalasan, parang summer lang na lilipas lang rin.


***

Wala mang sinabing pangalan o eksaktong sitwasyon, sigurado ako na may naisip ka nang pangyayari.

Nice one! Relate much agad - agad!

Well, comment below kung meron nga! Go lang and share yout kilig moments or kung annong category ka nabibilang.

Ang LOVE plan nila Mr. and Ms. SLIGHT (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon