Ginalingan

960 33 0
                                    

CHAPTER 03
Leanne’s POV

“Hoy Biel! Pwedeng palitan niyo call sign niyo? Ang laswa e.”

Opo. Call sign lang yung ‘Babes’ na yun.

Kaya chill lang kayo. Tropa lang talaga kami niyan ni Biel Tadeo, siya lang naman ang pinaka gwapo at pinaka matinong lalaking nakilala ko. (syempre except kay bebe Julius.^_^) at sa kasamaang palad.

Tropa kami.

Tropa lang kami.

Pero wag niyo kaming bigyan ng malisya, sadyang ganyan lang talaga kami.

“e, bakit ba! Edi mag hanap kayo ng ka-call sign  niyo!” sigaw ni Biel sa kanila,

Wawa naman kayo :p

“kapag ako nagkacall sign ‘who you’ ka sakin.” Pasigang sabi ni Beth samin ni Beil.

Nakalimutan ko bang ipakilala si Beth?

Si Beth, Isa ko pang tropa. Malamang.

Medyo boyish kaya kung makapag tago nang crush akala mo nakagawa ng krimen. Matalino, OO. Maganda? May itsura. Sexy? Medyo rin! Hindi naman talaga mahirap magustuhan, ayun nga lang sa dinami raming lalaki na pwedeng pagnasahan si Yuan pa.

Si Yuan nga pala ang matalino pero slow kong classmate. Uno kapag namaster niya na ang isang lesson pero kapag iniintidi niya palang?? susme. Wag niyo nang dikitan, iisipin niyong mas madaling maging forever alone.

Ayy, teka back to the reality.

“kapag ikaw nagka-call sign, papaparty ako. Libre ko kayo hamburger.”

Nope. Hindi ako nag-magaling. Sadyang mura lang yung hamburger dun sa Hub. Haha!

Finally after 48 years, dumating na rin ang teacher namin.

Everyone, meet our adviser Ms. Consumo.

*sabog fire works!**sabog fire works!*

“Hi class! Pasensya na kung naghintay kayo, pero hindi ko talaga kayo mapapasukan ngayon e, I need to finish some papers, just get one half crosswise and answer it. Copy and Answer ah, pass it to Leanne siya nalang magbibigay sakin mamaya.”

After nun, umalis na si Mam, at sa akin na nga iniwan ang trabaho. Mabuti o masama? Syempre Mas---*dumaan si Julius* buti.

Oo. Mabuti. Mabuti pala.

“hoy! Ayan natulala ka na naman.
Dumaan lang eh."

Nakatulala kong napansin na huminto saglit sa paglakad si Julius pero naglakad rin ulit.

0_0 putspa! Narinig niya kaya!???

Kotong talaga sakin tong babaeng to.

 “hoy Beth! Nakita mo yun? *sabay turo kung saan huminto si Julius* Napansin mo? Huminto siya! As in TUU..MMI..GGIL!! kita mo!? Ako kita ko e! -_- yung totoo anung balak mo?”

“be!? Yung totoo? Kinikilig o naiinis?”
sabat naman ni Beth sakin.

Ako: naiinis.

Beth: kinikilig.

Ako: naiinis!

Beth: hmmm… kinikilig!

Ako: Naiinis nga!

Beth: bakit parang kinikilig naman?

Ako: mas magaling ka pa sa nakakaramdam, naiinis nga!

Beth: *titigan sa mata* hindi talaga e! ayun oh! *turo sa mata* kinikilig e!

“sinu kinikilig?” naku! Sumabat na.

“wala yun babes!” sa tropang kinabibilangan ko, mas ok na sabihin yan dahil kapag sumagot ka pa, frrrrroooommm the top na naman ang paliwanagan.

“anung wala!? Aber! Si Julius crush ni Leanne! Crush ng babes mo.” Pang-asar na sabi ni Venice kay Biel. Kaya ang mongoloid napahinto sa pag sagot.

“talaga babes? Nakakapagselos naman.” Susme. Kung ganyan ka naman magselos e, sana tayo nalang chos! Tropa nga lang.. tropa lang..

Anak ng sinampal sampal na manok namang tropa yan e.

“wag kang mag-alala babes, ikaw pa rin naman ang babes ko. Tsaka diba may nililigawan ka rin naman?”

opo. May nililigawan talaga si Biel, yun ang sabi niya. Swerte nung girl! Ohmygosh!!

Isang  matamis na ngiti lang ang binigay sakin ni Babes then binigay sakin yung papel niya dahil tapos na siya.

0_0

Tapos na?

tapos na siya?

Anak ng sinampal sampal na manok, ni pangalan sa papel ko wala pa rin.!

Ninja moves.

“Ahm, Leanne, sayo ipapasa?”

Ano ba namang buhay to Leanne oh!!!!

“teka ahh.. teka.. kasi, nawawala yung papel ko..”

Anak naman ng boogie, baka hindi ko na matapos.

“Penge ngang papel!!!” out of being desperate, sumigaw na ako.

Kailangan kong matapos! Aber!!! Sakin ipapasa tapos ako walang sagot? Hanuber.

“ito oh, gamitin mo. Kopyahin mo nalang rin sagot ko, mukhang hindi ka na aabot. Panget ka talaga!” sabay kurot sa napaka cute kong ilong.

*Tingin sa taong nagbigay*

0_0

“aaahh,”

“ eee..”

“salamat ah.”

“hehhee, ok lang ^_^ galingan mo.”

Sabi ni Julius with matching isang super killer smile.

I love my lost paper! Sana kung nasan ka man wag ka na magpakita, ok ka na dyan kung nasan ka man, pls lang dyan ka nalang

“Sus, sumagot ka na. Baka pati pagkopya hindi mo na matapos.” Nakasimagot na sabi sakin ni Biel

aww selos babes ko.

Ninja moves!!!

Done! ^_^

“Lahat na ba ng papel andito na?” sigaw ko sa classroom, dahil malapit na rin ang bell.

“Oo andyan na daw sabi ni Julius!”


Err?

Sinu sumigaw nun?

Julius niyo mukha niyo! shocks! Si Bach ba yung sumigaw?

Wwaaah.. bakit? Bakit? Nahalata na kaya niya?

Ang LOVE plan nila Mr. and Ms. SLIGHT (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon