Mark's POV
Hi mga readers malamang kilala nyo na ako.! Itatanong nyo ba sakin kung may gusto ba ako kay Angel? Ang sagot ko ay
Yeah! Gusto ko siya, hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko gusto ko siya at lahat gagawin ko para sakanya.
Hanggang dito na lang muna yung POV ko ha. :)
Kevin's POV
Hi! Kilala nyo na ako? Sabihin nyo hindi magagalit ako sainyo Hehehe joke lang.
By the way, kung tatanungin nyo ako kung masungit at snob ako, yun ay totoo. Kung tatanungin nyo naman ako kung gusto ko si Angel? Yun ang hindi totoo. Yeah! Wala akong gusto dun sa babaeng yun ang laki niyang epal nakakainis nga siya eh, takutin daw ba ako tapos sobrang lakas pa ng boses kala mo naman nakalunok ng megaphone! Ayoko sa mga babaeng madaldal! Pero aaminin ko maganda siya pero never no hindi ko siya gusto!
Naging mabait lang ako sakanya kanina pero humanda siya! Tapos na ba siya? Ako naman!
*School
Maaga akong pumasok, wala lang trip ko lang.
Siguro mga 30 minutes dumating na yung babaeng madaldal edi sino pa ba edi si Angel!
Umupo siya sa tabi ko dahil mag katabi kami. Nginitian niya ako pero ako hindi ko siya pinansin back to normal na ulit ako no kasi pag natatakot ako nagiging mabait ako eh Hahaha nakakatawa pero yun ang totoo.
*Recess
Nasa canteen ako ngayon kasama yung mga ka-tropa ko si Stanley, Yael and J.B kinder pa lang magkakaibigan na kami kasi magkaka-business ang mga parents namin.
Tinatanong nyo na diba transferee ako? Yeah transferee ako dito sa school na to at tinatanong nyo kung bakit 1month na ang nakalipas nakapag-enroll pa ako sa school na to? Yun ay dahil malaki ang tulong namin dito sa school na to at dahil nga nalaman ko na dito pala nag-aaral yung mga ka-tropa ko dito ko na rin naisipang mag-aral.
Naka-upo kami malapit sa pintuan ng canteen tapos nakita ko si Angel kasama yung kaibigan niyang maingay din Yesha ba yun!? Ay ewan! Dumaan sila sa may harap namin para pumunta sa may bilihan ng mga pagkain at nung pag daan nila hinarang ko yung paa ko at natapilok si Angel at natumba sa sahig "Araaay!" sigaw niya habang nasa sahig at nakatingin sakin, yung mga ka-tropa ko naman nagtawanan.
"Angeell! Okay ka lang ba!?" tanong nung kaibigan niya.
"Oo okay lang ako." sabi naman ni Angel habang tumatayo. Pati yung mga tao sa loob ng canteen nagtatawanan at lahat nakatingin samin.
"Bakit mo ginawa yun!?" sigaw na sabi ni Angel sakin.
"Hindi mo kasi tinitignan yung dinadaanan mo! Tatanga-tanga ka kasi!" sabi ko naman sakanya at tumayo na kasama yung mga ka-tropa ko
Angel's POV
Pagdating ko sa room andun na si Sungit nginitian ko siya pero hindi naman niya ako pinansin parang walang nangyari kahapon ah parang hindi niya ako kilala! Bahala siya sa buhay niya! Diba nga sabi ko sainyo balik na naman sa papaging masungit yan! Ayaw nyo kasing maniwala eh!
*Recess
Papunta kami ni Yesha sa canteen at sa hindi inaasahan natapilok ako at tumumba sa sahig "Araaay!"
"Angeell! Okay ka lang ba!?" tanong sakin ni Yesha
"Oo okay lang ako." sagot ko naman sakanya habang tumatayo at pagharap ko nakita ko si Kevin at siya pala ang may dahilan kung bakit ako natapilok ha!
"Bakit mo ginawa yun!?" tanong ko sakanya
"Hindi mo kasi tinitignan yung dinadaanan mo! Tatanga-tanga ka kasi!" sigaw niya habang naka-smirk pa at sabay tumayo para umalis sa loob ng canteen at lahat ng tao sa loob ng canteen ay natatawa wala na ako nasabi at hinayaan na lang siyang umalis.
Dear Diary,
Ang hirap dun sa taong si Kevin akala mo robot! Nakakainis siya! Akala ko pa naman mabait yun pala demonyo din! Ang sama ng ugali!
------------
Hi Guys! Sorry kapag matagal ako nakakapag-update ah. Para kasing nakakatamad na eh Hahaha pero sige try ko pa rin mag update sarap na ngang burahin tong istory na to eh.
Sorry rin kasi feeling ko ay hindi, hindi feeling! Ang ikli talaga nang chapter na to kasi wala na ako maisip eh. Sorry talaga kung maikli wala na kasi talaga akong maisip eh, ang sabaw diba? Sorry guys kung sa mga susunod na chapter maikli na lang ha. KUNG may susunod pa. Hehehe. Sarap na kasi talaga idelete. Hahaha
Guys!! Comment naman kayo kung itutuloy ko pa o hindi na? Para naman ma-delete ko habang maaga pa.