Chapter 5

18 0 0
                                    



Chapter 5

Marvin's POV

Natapos na namin lahat ng kailangan iayos para sa misyon namin. Nandito kami sa tapat na gusali kung saan nananatili ang target namin. Nakakalat na ang iba't-ibang tauhan namin, pati na din ang CCTV sa building ng target at ang baril na gagamitin ni Vince.

"Sampung minuto bago umalis ang target," usal ni Carlo na siyang nakikinig sa audio na iniwan niya sa kwarto ng target.

"Dapat nandito na si B," usal ko habang nakatingin sa tapat na bintana kung saan nanatili ang target.

"'Wag mo ng hanapin ang wala, Marvin. Nandito na tayo sa misyon, magagawa natin 'to ng maayos," si Vince.

"Tama siya, Sir Marvin," usal ni Alice. "Nakakalungkot man, pero sa tingin ko hindi nakapasa si B sa lugar na pinagdalhan mo sa kanya."

"Hindi niyo kilala si B," inis na sabi ko. "Hindi siya madaling sumuko kahit gaano kahirap ang sitwasyon."

"Pero nagawa pa din niyang sumuko, hindi ba?" sabi ni Alice, kaya natigilan ako. "Ikaw, sa aming lahat, nakakaalam na minsan na siyang sumuko."

"May punto si Alice. Kaya hindi na malabong muli siyang sumuko," ani Vince.

Hindi na ako nakasagot sa kanila dahil nakuha ko ang sinasabi nila. Pero, kapag ang isang tao, kahit gaano kahina hindi agad susuko para sa taong mahalaga sa kanya. Kilala ko si B, at sigurado ako na sa puntong 'to, hindi na siya basta basta susuko.

"Paalis na ang target," biglang sabi ni Alice. Naging alert kaming lahat dito.

"Any civilian?" tanong ko sa mga tauhan.

"All clear, Sir," sagot ng mga tauhan ko.

"Clear," sabi ko. Kaya pumusisyon na si Vince sa baril niya.

"Nasa elevator na siya, pababa." sabi ni Alice.

"Pinatawag na din niya 'yong kotse niya," sabi ni Carlo.

"Sir! Sir!" malakas na sigaw ng isa sa mga tauhan ko. Tinanggal ko pa ang earpiece ko, pero muli ko naman itong ibinalik. "Sir, may isang babae na parating."

Sumilip ako sa bintana at isang kanto mula dito ay nandoon ang sinasabi niyang babae.

"Vince, tingnan mo sino 'yong nasa kanan. Bilis!" sigaw ko kaya agad niyang nilipat ang direksyon ng baril sa kanan niya.

"Palabas na ang target," sabi ni Alice.

"Alice!" sigaw ko, tumingin ako ng makahulugan sa kanya at mukhang naintindihan niya 'yon. Nawala sa isip ko na si Alice pala ang pwedeng makakita ng mas malinaw sa babae. Napasinghap siya at naitakip ang isang kamay sa may bibig niya.

"Si B," sabi ni Vince. "Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?" inis na sabi nito at agad tumakbo palabas ng kwarto.

Hindi ko na siya pinansin dahil naagaw ni B ang atensyon ko ng bigla siyang tumakbo. Muli lang siyang naglakad ng malapit na siya sa target at patungo siya mismo sa harap nito.

Nakatayo na sa labas ang target namin at hinihintay ang kotseng susundo sa kanya, nang huminto si B sa harapan niya mismo. Ilang segundo pa silang nagkatitigan, at biglang nabalisa ang lalaki. Hinugot ni B sa bewang niya ang baril at agad na itinapat sa dibdib ng lalaki. Bubunot pa sana ito ng baril pero agad siyang pinaputukan ni B. Sa puntong 'yon ay lumabas si Vince sakay ng motor niya at pinipilit nito pasakayin ang babae. Sabay silang napalingon sa likod nila ng lumabas ang isang kotse, huminto ito at lumabas ang dalawa sa kanila. Mabilis na sumakay si B sa likod ni Vince na agad naman nitong pinaharurot ang motor. Mabilis na sumakay din ang dalawa at hinabol nila ang motor ni Vince. Ilang segundo lang hindi na sila hagip sa mga camera na nahack ni Alice.

B (the beginning)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon