Chapter 4

153 9 8
                                    

/4/

Una sa lahat, nais ko lamang sabihin sainyo na hindi ko na gusto si Kib! Naka move on nako. As in. 💯 percent.


"Jaine! Ano ba kasing ginagawa natin dito?"


Hindi na ulit ako magpapaka baliw sakanya.



"Jaine, tara na kasi. Baka mahuli pa tayo dito."


Hindi na nga ako nag babasa ng mga istorya niya. Ilang taon na rin ang nakalipas.



"Hoy bruha!"


"Aray naman Jervis! Yung buhok ko. Arrgh!" Ang sakit. Bwisit na baklitang to! "Oh ayan! Pinansin mo narin kami. Halika na. Bawal tayo dito!"


"Teka kasi sandali nalang eh! Bitawan mo nga buhok ko!"


Kung nag tataka kayo kung nasaan kami. Eto sasabihin ko na. Pero inuulit ko, naka move on na talaga ko.

Andito kasi kami ngayon sa labas ng IT department mga bes. Pasilip silip lang. Baka kasi lumabas si Kib. Hihi

But then again, wala na kong gusto sakanya ha? Gets niyo ba? Baka kasi hindi eh.



"Ang ingay niyong dalawa! Kapag tayo nahuli kasalanan niy.."



"Sinong mahuhuli Miss?" Biglang may nag salita sa likod ko. Omoo! Eto na, nahuli na nga ata kami. T__T eto kasing dalawa eh!



"Bes. Siya. Siya yun." Bulong ni Jallien. Ano daw?



"Ha? Hindi ko maintindihan."



"Siya yun. Yung kanina!"


"Anong sinasa..."

"Miss?" Kinalabit ako ni kuya. Huhu no choice. Pikit mata akong humarap. Jusko! Bwisit kasing kagagahan mo Jaine. Ayan! Nahuli kayo. T___T


"Miss. Bakit ka naka pikit?" Bakit nga ba kasi? Eto na nga didilat na! I slowly opened my beautiful eyes.

Right eye muna tapos left



Tapos...



Omygash!! Ang pogi!!


"Miss? Something wrong?"


"Ah. K-kasi ano. Nakaka silaw. Oo nakaka silaw nga kaya ako naka pikit. Huuu!" Nag punas ako ng pawis. Butil butil pawis ko. Langya! No poise na. "Ang init dito no? Patay aircon niyo?" Shit! Grabe nanginginig na ako dito. Wala na kong matinong masabi. Yung mata niya kasi. Nakaka lusaw grabe. Teka.. m-mata yan ni...




"Bes, yan yung lalaki kanina!"



O_O



"Ah mejo mahina nga aircon dito. Haha May kailangan ba kayo? Anong maitutulong ko?"


S-siya si Kib? Y..yung matagal ko ng kinabaliwan at kinalimutan?

Sabihin niyong oo, please say yes! Say yes!!

Yung puso ko tumatambol!


Grabe. Yung mata niya, yung ilong, yung bibig. Almost perfect! Parang gusto ko atang kumanta ng Eyes, Nose, Lips!


"Ah miss?"


"Ah y-yes?" Shit! Eto na oh. Eto na ko sa harap niya. Bakit ngayon pa ko natatameme. Asan na yung Jaine na magulo at maingay?



"I'm Race nga pala." Inabot niya yung kamay niya.  "Anong maitutulong ko sainyo? Kanina ko pa kasi kayo napapansin dito eh." R-race? R A C E?

Race ang pangalan niya?


Race as in karera? Kaya ba yung puso ko parang nasa karera sa bilis ng tibok nito? Ay shet! Ang cheesy ko sa part na yun.


Akmang babawiin na niya ang kamay niya dahil siguro akala wala akong balak abutin iyon. Pero dali dali ko itong hinabol. Aba sayang! Chance na to. Hahahaha. Pero..


"I'm Jervis nga pala. Dito din ako nag wowork. Diyan lang sa 2nd floor office ko in case na you know may kailangan ka or what.. you can always visit me." Bwisit na baklitang to. Inunahan pa ko. Ang lawak pa ng ngiti at pumupungay pa ang mga mata. Halatang nagpapa cute. Nakaka takyut naman! Tch.



Tinulak ko nga! Kainis. Inirapan ko muna ito at bumalik ang tingin kay Kib, kay Race pala. Pero...


"I'm Jallien. Ako yung.. nasa counter kanina. Hehe baka lang naaalala mo."


"Ah yes, I remember. Hahaha." Langya! Sarap talaga sabunutan ng dalawang to! Nang gigigil ako. Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko talaga! Eto na susugurin ko na!!


"Ikaw Miss? What's your name? Ikaw ba yung natapunan ko kanina? Sorry ha. Nag mamadali kasi ako kanina eh."


"Ha? O-oo. Ako nga. I'm Jaine.." sabay abot ng kamay niya kahit hindi naka abot sakin. Paki niyo ba? "Jaine Crizel Fernandez name ko sa facebook and I'm single."



"Bes!" Siniko ako ni Jervis "Konting Maria Clara naman jan oh!"


Nakita kong naweirduhan si Kib.


Wengya! Huhuhu Kung anu ano nanaman lumalabas sa bibig ko! Sorry di ko sinasadya! Eto kasing bibig nato eh masyadong madaldal!



"Hehe I mean, si..singer. Oo tama! Singer ako. hehe. Gusto mo ba kantahan kita?"



"Bes tumigil kana, baka mapahiya ka lang!"

Sinamaan ko ng tingin tong dalawang nasa gilid ko. Para ko silang mga konsensya. Langya.



"Hahaha nakaka tuwa ka naman. Sige. Pero.. sa ibang araw nalang siguro kapag nag kita tayo. Busy kasi kami ngayon eh. Pasok na ko ha?"


"Ha? Papasok kana?" Bigla naman akong nalungkot don. Pero sabi niya nakaka tuwa daw ako hihi kikiligin na ba ko?


"Oo eh."


"Ha? Kikiligin na ko?"


"What?"


"Wala hehe. Sige na, pasok kana."


"Sige."

"Sige, ingat ka.. mamahalin pa kita."


"Ano yun? Hindi ko narinig."



"Wala hehe pasok kana kako."



"Sige. Nice to meet you.... All" okay na sana eh. May All pa kasi! Mas kikiligin sana ko kung nice to meet you lang yun. Pero mukhang hindi lang ako ang kinikilig dito ah! May karibal na ata ako. Ipatumba ko na kaya tong dalawang to?


**



GRABE! BEST DAY EVER! Dream come true to.



"Yung ngiti oh! Napaka lawak. Kabibig mo na si Anne Curtis!"


"Oo nga. Akala ko ba naka move on kana?" Tanong ni Jallien. Napahinto ako. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.


Oo nga no? Diba naka move on na ko? Diba hindi ko na siya gusto? Diba kinalimutan ko na siya?


Pero bakit ganito kabilis yung tibok ng puso ko?







"Don't tell me Jaine, aasa ka nanaman?"

The Fangirl He Never Noticed (KNIGHTINBLACK FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon