Author's Note: Hello guys. I don't mean to plagiarise anything. This is just a FANFICTION. Any resemblance of names of characters, living or dead is purely coincidental. Pero siyempre, yung ibang characters sa HU lalo na si Kib ay mamemention sa story na'to. Sana suportahan niyo 'tong kabaliwan ko kay Kib hahahaha. Happy reading guys.
And nga pala, pag pasensyahan niyo na ang mga wrong grammar, typos at kung ano mang maling information na mababasa niyo dito. Comment lang kayo or send me a message para maitama ko. Pretty lang hindi perfect! LOL Hahaha
~
Hello darlings, I'm Jaine Crizel Fernandez but you can call me JC if you want. 18 years old. Isa lang naman ako sa mga nag mamagandang wattpad reader na umaasang someday mapapansin ng favorite author nila. Well, maganda naman talaga ko sabi ng mama ko.
Kaya lang, kahit anong gawin ko hindi niya parin ako napapansin. Kahit todo papansin na ko sa wattpad, facebook hanggang sa twitter niya waepek parin sakanya! Hindi parin keri ng beauty ko ang level niya.
Napapa tanong nalang talaga ako ng "Pangit ba ko? Kadedma dedma ba ko?!"
Jusko mga bes! Nauubos ang oras ko mag hapon hanggang gabi sa kaka stalk sakanya. Nag join rin ako sa Knightinblack Babies pati sa group chat, umaasa na mapansin niya. Pero hindi parin sapat. Saan ako nag kulang mga bes? Binigay ko naman ang lahat huhu.
"Hoy babaita! Anong dinadrama drama mo nanaman jan?" Napalingon naman ako ng may biglang nag salita. Hay si Jervis lang pala. Hindi talaga marunong kumatok tong taong 'to!
"Hindi ka manlang kumatok! Paano kung naka bold ako dito edi nakita mo na ang lahat lahat!" Suway ko sakanya. Tuwing pumupunta kasi siya dito diretso lang siya sa pag pasok. Dapat siguro lagi kong ilolock ang pinto.
"OA mo naman bes! As if naman pag nanasaan ko yan! Meron rin naman ako niyan no. Kala mo naman ikaw lang. Tss!" Hays. Asa naman akong pag nanasaan niya ang katawan ko lol eh mas Dyosa pa sakin 'tong isang to eh. Hahaha.
Siya nga pala si Jervis, ang gay bestfriend/enemy ko. Ang gulo ba? Lagi kasi niya akong kinokontra sa mga gusto ko lalo na sa pagiging fangirl ko.
"Oh eh ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Bigla bigla nalang kasing lilitaw. Ang aga aga!
"Anong ginagawa ko dito? Hoy babaita! Just to remind you, may outing po tayo ngayon. Birthday lang naman po ng EX BOYFRIEND mong FRIEND mo pa kuno!" Sarcastic niyang pagkaka sabi. Ay! Oo nga pala.
"Nakalimutan ko. Sorry"
"Ayan! Puro kasi Wattpad inaatupag mo eh! Nasisira beauty ko sayo. Kaloka!" Sermon nanaman niya sakin. Lagi naman siyang ganyan eh. Kapag absent ako, masama ang pakiramdam, lutang o kung ano pa mang ginagawa ko. Wattpad ang sinisisi!
Siya na nga nag sabi, EX na! bakit ba kailangan ko pang pumunta sa lecheng outing na yon? Ano para ipamuka niya sakin na may iba na siya? Sorry siya kasi hindi na ko affected dahil may Kib na ko. Hmn!
Agad naman akong gumayak ng matapos ang usapang iyon. Kung hindi lang ako tutuksuhin ng mga barkada namin na kesyo bitter ako kaya hindi ako sumama, hindi talaga ako pupunta eh!
Mas enjoy pa ko dito sa kwarto ko. Kahit na mag isa lang ako. At least tuwing nababasa ko ang mga tweet ni Kib mylabs ko napapasaya ako at nakukumpleto ang araw ko. Kahit na kailanman hindi niya ako napapansin. Naiintindihan ko naman eh, alam kong marami ang katulad kong humahanga sakanya.
Sa dami ng nag sesend ng message sakanya, maliit nga lang talaga yung chance na mapansin niya ko. Kaya nga ang laging tanong sakin ni Jervis.
'Mapapansin ka ba? O Magpapa pansin ka pa?'
BINABASA MO ANG
The Fangirl He Never Noticed (KNIGHTINBLACK FANFIC)
Fanfiction(Knightinblack) Warning: Silent but deadly MAPAPANSIN KAYA? O MAGPAPA PANSIN PA BA? He is Knightinblack also known as KIB. But his real name? No one knows. He is a famous writer of Hell University and I'm just a Fangirl who's always praying that so...