Chapter 1

263 16 1
                                    

Nasayang nanaman ang isang araw ng buhay ko! Dapat di na ko sumama eh. Hindi ko naman alam na sa La Union pala kami pupunta, sa isang private resort. Napaka layo! May lakad pa naman ako bukas. Dapat nireserve ko nalang ang energy ko para bukas kesa sumama dito!


Tomorrow is the day that I've been waiting for. Sa wakas, mamemeet ko na si Kib darling ko. Pupunta ako sa book signing niya. Dapat talaga sa bahay nalang ako para fresh ako bukas kapag nakita niya.


Eh ngayon? Baka ma turn off sakin si Kib, ang itim ko na! Pano ba naman kasi, mag hapon akong nag babad sa pool. Alam niyo kung bakit? Siyempre hindi pa. Hindi ko pa sinasabi eh.

Ganito kasi yan, nasa cottage kaming lahat kanina. Pero dahil masyadong matamis doon dahil sa ksweetan nung ex ko at ng girlfriend niya, dagdag pa yung mga tingin nila sakin na hindi ko alam kung naaawa o naaano yung mga mukha nila kapag tinitignan ako kaya I decided na mag babad nalang sa pool kesa makisama sa kanila. Kaya ayun, mag hapon akong babad sa araw!


Hindi ako bitter ha? Nakaka inis lang kasi diba? Kapag same kayo ng barkada ng ex mo. Hindi talaga ako bitter, remember may Kib na ko?



"Shit! What happened?!" I asked. Bigla nalang kasing huminto yung sinasakyan namin. Tumingin naman ako sa labas ng bintana. Nasa liblib na lugar pala kami.



"Nasiraan tayo!" Sagot ni Felix. Ang ex ko! Siya kasi ang driver at natural yung girlfriend niya ang nasa front seat.

Parang kailan lang, ako yung naka upo dun.

Hays! Erase erase! Eh ano naman kung hindi na ko dun naka upo? Upuan lang naman yun.

Nasiraan kami? HINDI PWEDE! I checked the time. 1:00 am na pala?! Ghad! Nasan na ba kami? Hindi ako pwedeng malate mamaya. Baka maubusan ako ng book.


Wala naman akong nagawa dahil hindi ko naman kayang mag teleport pauwi. Bumaba nalang kaming lahat dahil sinusubukang ayusin ng mga boys ang sasakyan.

Asan na ba kami? Masyadong liblib ang lugar na ito pero nag lakad lakad parin kami, baka sakaling may mahanap kaming makaka tulong pero malayo layo na ang narating namin pero wala kaming nakita kaya bumalik nalang kami sa sasakyan.



"Baby. I'm so afraid. It's so dark here huhu"


Nyenyenye! Wengya ang arte naman this girl!

Kung bakit naman kasi sumama pa ko dito eh! Nakaka gigil kaartehan netong babaeng 'to.

Imbis na pansinin siya I decided na mag open nalang ng Facebook. At mas nainis lang ako, puno ang newsfeed ko ng posts about sa Summer Fiesta. Huhuhu.

Paano kaya ako nito?! Hindi pwedeng hindi ako maka punta! Hindi pwedeng hindi ko makita si Kib. Hindi talaga pwede, minsan lang yung chance na yun at hindi ko pwedeng palampasin kaya lumapit ako sa mga boys para tanungin kung ayos na yung sasakyan.


"Okay na ba yan?" Tanong ko sakanila.

"Hindi pa eh, maya maya maaayos rin to. Inaayos palang namin." Si Felix ang sumagot. Mamaya pa? Anong oras na? Kanina pa kami dito.

"Hoy! Jervis, tumulong ka kasi para mas mapabilis. May lakad ako bukas." Tawag ko kay Jervis. Jusko para naman kasing reynang naka upo lang sa isang tabi. Selfie ng selfie! Kung tumutulong siya dito edi mas mapapadali.

"Ayt. Wiz mong iniistress ang beauty ko girl! At saka, sana nga hindi ka maka punta don eh. Aasa ka nanaman sa boylet na yun." Sagot niya sakin. Ts! Wala talagang balak tumulong ang bakla.

"M-may date ka bukas?" Tanong ni Felix. Ano namang pakialam niya? Tsk.

"Meron. May date kami ng boyfriend ko." I answered without looking at him. Kinarir ko na talaga ang pagiging girlfriend ni Kib.

"M-may bo-boyfriend ka na?" Bat parang nauutal siya? Saka ano namang pake niya? Don't tell me..

"Baby. Come here, kawawa naman ang baby ko puro pawis na." Singit ni Alli, ang girlfriend ni Felix.

Jusko. Pawis daw! Ni wala nga akong nakita kahit isang butil ng pawis eh. Ang OA rin ng isang yun! Minabuti ko nalang na umalis don, naiimbyerna nanaman ako sa babaeng yun!


~

"Felix, wala bang alternative na daan? Late na ko!" I asked him. Nag presinta kasi siyang ihahatid ako. Pero siyempre kasama yung girlfriend niya. Asa pang maiiwan yun. Parang lintang naka kapit lagi kay Felix eh.


Kaya eto kaming tatlo mag kakasama. Ang awkward diba? Ibinaba na kasi ni Felix yung iba kanina. Hindi na ko umarte nung nag presinta siyang ihahatid niya ako kesa naman sa hindi ko makita si Kib diba?

"Itext mo nalang kaya siya na malelate ka? Traffic kasi eh." Sagot ni Felix.

Huhuhu. Kung pwede lang ba eh! Kaso hindi. Unang una, wala akong number niya. Pangalawa, alangan namang si Kib pa ang mag adjust sa schedule ko diba? Hindi ko nalang siya sinagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang alam niya boyfriend ko ang imemeet ko diba?



After 1899320397474201037 years. SA WAKAS! Nakarating rin.

"Hatid na kita sa loob" Si Felix.

"Baby uwi na tayo. I'm so tired na eh saka malaki na yan kaya na niya!" Sagot naman sakanya ni Alli. Panira talaga 'to!


"Hindi na, uwi na kayo. Thankyou." Sagot ko sakanya at tumalikod na.


Lakad takbo ang ginawa ko. Mix emotions ang nararamdaman ko. Saya, kaba, takot, pagod, naeexcite! Grabe.



"Ano? Ubos na daw yung books?"


Huhuhu! Bakit...... bakit di niyo ko tiniran ng book! Alam niyo ba kung anong pinag daanan ko para makarating lang dito? Huuuwaaaaaaah!

Umiiyak na ko pero hindi pwede! Pinunasan ko ang luha ko. Kung walang book, kahit selfie manlang kasama si kuya kib. Eto na oh! Abot kamay ko na siya. Keri ko 'to.

"Miss bawal sumingit!" Reklamo ng isa.

"Sorry po" huhu balik nanaman sa likod.

Jusko. Kahit may takip yung mukha ni Kib ang gwapo parin! Ilong palang mga bes.




~

"Huuwaaaah! hik hik. Huhuhu!"

"Waaaaah. Kib!! Huhuhu"

"Oh ano? Iiyak iyak ka ngayon? Sabi ko naman kasi sayo wag kanang pumunta!" Sermon nanaman sakin ni Jervis. Huhuhu hindi manlang niya ko damayan!

Ang sakit sa heart! Kahit picture lang with Kib, wala! Umuwi akong luhaan.


"Alam mo, hindi ka nakaka tulong!" Ang sama na nga ng pakiramdam ko sisisihin pa ko. Kung alam lang niya yung feeling na abot tanaw mo na yung idol mo pero hindi mo pa nalapitan.





Kasalanan ko bang umasa sa .01% chance na mapapansin niya ko?

The Fangirl He Never Noticed (KNIGHTINBLACK FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon