Zephany POV
"HAHAHAHAHAHAHA" walang tigil na tawa ko habang nakatingin sa bestfriend kong si essa
"Hoy bal makatawa ka jan! kung tulungan mo na lang kaya akong hanapin yung ballpen ko!" inis na inis na sabi niya ,paanong hindi tatawa, pawis na pawis na siya kakahanap ng ballpen niya eh sinabit niya naman sa suot niyang blouse yun
"Kalog ka talaga zephany ang cute mo" biglang sulpot ni kuya jaycee ka churchmate ko yan . -_- tignan mo to ang hirap hirap kong inayos yung buhok ko tapos guguluhin niya lang
"kuya jaycee naman eh ginulo mo na naman yung buhok ko" inis na sabi ko sa kanya
"ang lakas mo naman kasing tumawa " sabi niya sakin
" at ikaw naman kasi essa lagi mong tignan kung san mo nilalagay yung gamit mo , nasa blouse mo lang yung ballpen mo " natatawang sabi ni kuya jaycee kay essa
" ay oo nga hehe" kamot ulong sabi ni essa
"bakit kasi di mo sinabi kanina !? nandito lang pala!" inis na tanong niya sakin
"para mahirapan kang maghanap, mas masarap kasing makuha ang isang bagay kapag pinaghirapan mo" sabi ko habang nakayuko , nakita ko na naman kasi yung ex boyfriend ko na kasama yung girlfriend niyang bago
"friend ayan ba yung bago niya? bakit mukang luma?" natatawa niyang sabi sakin , Ewan ko ba kung bakit mas pinili ng ex ko yung babaeng yun kesa sakin .
"akala ko ba naka move on ka na zephany?" kunot noong tanong ni kuya jaycee
"akala ko rin eh, kaso sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba parang masakit parin ,tsaka kapag nakikita ko siya bumabalik lang din yung nararamdaman ko sa kanya" naiiyak kong sabi
"Alam mo zephany okay lang yan , may plano si God kung bakit nangyari yan sayo" sabi niya sakin.
" i know kuya jaycee, sige po una na ko may pupuntahan pa ko ,text na lang tayo mamaya essa" pagkasabing pagkasabi ko nun ay umalis na rin ako
Sa totoo lang wala naman talaga akong pupuntahan ,ayoko lang talaga na mapag usapan yung tungkol sa ex kong yun, nasasaktan lang kasi ako , alam ko naman na hindi na kami pwede kasi hindi na niya ko mahal, kaso kasi ang hirap lang tanggapin kasi akala ko talaga ako yung mahal niya . hayyss
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa napunta ako dito sa park ng university namin .
Hindi pa nga pala ako nagpapakilala ,
Ako nga pala si Zephany Maine Alfonzo , 17 years old palang ako . Nag aaral ako sa Chad University . Hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap , sakto lang. Simple lang ang buhay namin , Nagtatrabaho ang papa ko sa isang company si papa Zedrick Alfonzo , at ang mama ko na masayahin at masarap magluto si mama Stephany Alfonzo , at ang kuya kong Over protective sakin si kuya Ezekiel Alfonzo. Simple lang rin ako ,hindi marunong mag make up , medyo chubby , Matalino, Kalog at syempre makaDiyos. Kaming buong pamilya ay nagsisimba kaya palaging may blessings na dumadating samin. Sa tuwing dara---.."Ay Puteekk!!" sigaw ko nung natapunan ako ng , ano to?! juice?!
"Ay miss sorry sorry" sabi ni kuya , ay shemmss hihi ang gwapo naman nito , pero galit ako! galit ako!
"Bakit kuya mapapalitan ba ng sorry mo yung damit ko ha!?" sigaw ko parin ,nakakainis kasi nasa locker yung damit ko eh ang layo layo ng locker namin dito!
"here, one thousand i think okay naman na yan right?" sabay bigay niya sakin ng isang libo , tignan mo nga naman to ang yabang yabang purket mayaman eh!,
BINABASA MO ANG
Destined with a Christian(on going)
Fiksi RemajaSometimes there are someone who come into our life in unexpected time. Sometimes the dreams that come true are the dreams you never even knew you had. Heoww readers! sa mga kristiyano jan ,basahin niyo po to ^.^ I know hindi to kagaya ng mga ibang s...