Chapter 59.2 last Straw

2.4K 65 6
                                    





@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Pagkamulat ng mga mata ni Unix ay nagulat sya sa nangyari sa buong lugar. Halos matupok ito ng apoy at nawala ang mga halama at puno sa lugar kung nasan sya naroon  . Bigla itong naging malawak na open field .

Sinibukan nyang tumayo ngunit nakaramdam sya ng hapdi sa kanan nyang braso na may bahagyang paso .


Wala sya matandaan sa mga nangyari sa kanya o sa buong lugar . Ang tanging naalala nya ay si Cally .


'C-cally !' Sigaw nito habang hinahanap ang binata .

Nilibot ng tingin nya ang buong pligid . Ngunit hindi nya makita ang binata.


Dahan dahan syang naglakad habang hawak hawak ang braso nyang may lapnos .

'C-cally nasan ka ?' Sigaw ulit nito sabay marahas na pununasan ang mga luha nya .

Pinagpatuloy nya ang pagtawag sa pangalan ng binata at kahit patumba tumba na sya sa paglalakad at tuloy parin sya sa paghanap dito .


Gulong gulo ang isip ng dalaga hindi nya alam kung anong gagawin ang gusto nya lang ay makita si Cally at umalis sa lugar na ito .


Hanggang may nahagip ng mata nya ang isang lalaking dugoan at nakahiga sa lupa. Agad agad nya tong nilapit at sinawalang bahala ang sakit ng kanyang buong katawan.


Lumapit sya rito at laking gulat nya na ito ang binatang hinahanap nya . Marami itong sugat at may malalim na saksak sa dibdib .

'Cally w-wake up! P-please *sob* please wag mo kong i-iiwan ' iyak nito sa walang buhay na katawan ng lalaki .

Sobrang nakakaawa ang situasyon dalaga pilit nitong sinisigaw ang pangalan ng binata at nakikiusap na wag sya nitong iwan .

'Ca-cally !! Cally *sniif * !' Iyak nito ngunit kahit isang salita ay mawala sya narinig na sagot sa binata .


Gusto nyang magwala ngunit parang unti unti hinihigop ang lakas nya ng katotohanan na wala na ang binata . At iniwan sya nito .


Bigla itong tumigil sa paghikbi at pagtawag sa ngalan ng binata at sinandal ang katawan nya sa isang puno . At ipinikit ang kanyang mga mata.

Gusto nya nga tapusin ang lahat . Hindi nya na kinakaya ang sakit sa kanyang dibdib. Marami sya tanong ngunit walA kayang sumagot dahil magisa na lang sya .


Sa kabilang dako sa labas ng arena kung nasan sina Unix ay nanoonod ang mga kaibigan at lola ni Unix .

Awang awa ito sa kalagayan ng dalaga . Gusto nila ito puntahan at yakapin ngunit hindi nila magawa . Wala silang magawa kung di panoodin na durog na durog ang puso ng dalaga.

Gustong sumigaw at magwala ng kanyang lola at tita . Gusto nilang damayan ang pinaka mamahal nila apo at pamangkin . Ngunit nakakandado sila sa katotohanan na wala silang kayang gawin .

'Hindi k-ko na kaya panoodin ang apo na unti unting namamatay . K-kaelangan may g-gawin na tayo !' Ani nito na at nakuha nito ang atensyon ng bawat isang naroon at nasasaktan rin sa napapanood .

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Unix's Pov


Hindi ko maramdam ang tibok ng puso ko . Hindi ko narin maramdaman ang sakit ng buo kong katawan . Parang bigla akong naging manhid dahil sa mga nangyari .

Crystal Crown Academy (Fire n Frost ) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon