This is it sorry sa matagal na di pa U-UD . Enjoy guys
ZXXXZXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXDXXXXXFXXXXXXXXXXXXX
Unix's Pov
'Cally babalikan kita . Pagbabayarin ko lang ang mga pumatay at nagpahirap sayo ' pagpaalam ko sa katawan ni Cally .
Niyakap ko ito at hinaplos ang kanyang mukha . Magbabayad ng malaki ang mga taong pumatay sayo . Pangako yan Cally .
'Tsk lucky bastard !' Ani ni Kayden sa gilid ko . Tinignan ko lang sya ng masama at tumayo na habang inaayos ang suot kong damit .
Binigay sakin ni Kayden yung healing potion nya kaya nawala ang aking mga galos sa katawan . Malaking pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi sya dumating ay baka nakakaawa parin ang itsura ko .
'Tara na !' Yaya ko nagulat naman ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko .
Kaya tinignan ko sya ng masama 'bakit may paghawak pa ?'
Binigyan nya naman ako ng kakaibang ngiti .at lalong nitong hinikpitan ang paghawak sa aking kamay .
'Ayokong mawala ka ulit sakin Love, nahirapan akong hanapin ka. Kaya kung pede ididikit na kita sa katawan ko ' sagot nito at kinindatan pa ko
Hindi naman ako nakasagot dahil dun . Kakaiba talaga ang utak ng lalaking ito .
Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko sa kanya ngunit na bigo lang ako dahil seryoso sya na ididikit nya na ko sa kanya .
Tinahak namin muli ang kakahoyan ng may narinig kaming nageespadahan at mga pagsabog .
Nagkatingin kami ni Kayden at sabay na tumakbo kung san nanggaling ang ingay .
'Pr-incess !' Rinig kong tawag sakin ng isang pamilyar na boses .
Tumingin ako sa gawin nito at nakita ko sina Leon . Nakikipaglaban sa mga kumpol ng kawal ng mga Katon .
Tinulungan namin silang makipaglaban sa mga kawal ng Katon.
Ng maramdaman kong hindi parin ako binibitawan ni Kayden . Tumaas ang aking isang kilay dahil rito .
'Ano ba Kayden pano ko makikipaglaban kung di mo ko bibitawan ' ani ko . At tumingin naman ito sakin
'No di kita bibitawan pede naman tayong magkahawak habang lumalaban e. Katulad nito . ' at nagulat ako ng bigla nya kong binuhat at sinipa ko naman agad ang tatlong kawal .
'Good job Love !' Bulong nito sakin at nagpalabas sya ng isang fire sword sa kamay nya at nakipagespadahan sa mga kawal .
Sinubukan ko ulit na tanggalin ang kamay ko sa pagkalahawak nya ngunit wala talaga. Kaya tinuloy ko na lang ang pakikipag laban habang magkahawak kamay kami .
'Best partner talaga tayo Love !' Sabi nito sabay smirk sakin .
'Shut up !' Sagot ko at siniringan sya .
BINABASA MO ANG
Crystal Crown Academy (Fire n Frost ) UNEDITED
FantasyFight until you fight no more sacrifice until you sacrifice your all Love until love kill you..~ crystal Crown Academy where fantasy become reality or I guess reality turn to a fantasy .... Highest ranking in Fantasy #54