Sisimulan ko na. Sisimulan ko nang isulat ito,
dahil noon pa man gustong gusto ko nang sabihin ito saiyo
Ngunit, hindi ko magawa kasi takot ako.
Takot akong baka pag sabihin ko saiyo itong mga inaasam-asam ko nang marinig mo, baka...
Baka, iwan mo ako.
Pero ngayon, kakayanin ko.
Kilalang kilala na kasi kita.
Kaya nararamdaman ko kung ang gagawin ko ba ay ikagagalit mo o ikatutuwa.
Pero pakiramdam ko, sa sasabihin kong ito, ikaw ay maninibago.
Maninibago sa paraang magtataka ka kung bakit kaya ko na itong sabihin o gawin sayo.
Na samantalang noon ako'y palaging nagpapatalo.
Subalit ngayon, gusto ko narin maramdamang manalo.
Manalo, tulad ng ipaglaban ko kung ano ang totoong nararamdaman ko ngayon.
Na hindi ako mababara sa mga sasabihin mo saakin pabalik.
Kahit masakit, ako'y sabik.
Sabik na talagang marinig mo ito.
Kaya sana, kahit ngayon lang, pakinggan mo naman ako.
Tumahimik ka lang muna, at ito'y tatapusin ko na.
Nasasaktan ako sa sasabihin ko,
pero hindi ko na talaga kaya, pagpasensyahan mo na..."Mahal na mahal kita, pero ako'y pagod na..."