Out of the blue, may umugong na malakas na tunog.
Di ko alam kung malapit yun sa tenga ko o talagang sa loob ng tenga ko nagmumula ang ingay. Tila isang gong. Ngunit mababanaag na hindi masigla ang bawat patok. There was a timed interval. Para lang sa mga monk-related movies ni Jet Li. Simbolo ng nagbabadyang panganib...
Nevertheless, walang kaba sa dibdib ko. I was at peace. Pero hindi yung talagang rest in peace ha. I felt like I was one of the monks, unagitated by the nearing disaster. I was caught in the midst of contemplation. O meditation ba yun? Whatever. Basta masarap sa pakiramdam.
Talagang heto na yun. Kukunin nako ni Lord!
Inialay ko na ang buo kong katawan. I readied my spirit (o soul ba dapat?) for the ascension. Nag-assume nako ngayon na dun ako mapupunta. I couldn't differentiate between imagination and reality. Nakita ko ang aking sarili, my fingertips gliding through a garden of white flowers. I have no idea kung anong klase ng bulaklak ang dinadama ko. Basta white flower. Katunog ng maliit na botelyang laging baon ni Nanang sa tuwing babyahe sya para ibagsak ang mga basahang tinahi nya sa mga barat na wholesalers na magpapatong nang doble kapag ire-retail na. White flower... Pero walang amoy yung tinutukoy ko. Basta kulay puti. To add details in my experience, or imagination, naglalakad ako patungo sa liwanag. Nakasisilaw. Halos ayaw kong tumingin sa paghakbang. Nagulat ako nang mapansing sa red carpet ako nakatuntong. Parang MMFF lang. Ah hindi! Parang Star Magic Ball. Bigla ko tuloy na-imagine si Enrique at si Daniel na inaakay ako pauna. Picture dito, picture dun. Haist! Feeling ko lang.
Tila unti-unti, pinipigilan ako ng aking mga binti sa paglapit sa liwanag. Handa na ba ako talaga? Then all of a sudden, umalingawngaw sa aking pandinig ang isang pamilyar at malamig na tinig.
"Alice..."
Napaisip ako. "Big brother?" seryosong sagot ko habang patinga-tingala.
"Wala kang kuya, ne. Ate lang," sabat nito nang pabalang. Tila narinig ko ang static ng mikroponong gamit nya bago muling nagsalita. "Wag kang masyadong emotera sa grand entrance mo. Hindi pa time."
"Ho?" Kumunot ang aking noo. "Hindi ko pa oras?" Sabay hawak sa aking bibig. Doon lang ako medyo kinabahan.
Tumighim ang tinig. Then he continued, rephrasing what he just said. "Ang time mo sa mundong ibabaw ay hindi pa nagtatapos ngayon. May 40 weeks ka pang natitira, kung pagbabasehan ang record mo dito. Sa makatwid, hindi ka pa pagbubuksan."
Lalo akong naguluhan.
"Anong ibig mong sabihin–parang advance birthday party lang yung nangyari saken? Hindi pa dapat, pero nangyari na?"
"Tumpak! Yan nga ang ibig kong sabihin!" Salo nito sa aking sapantaha.
Hinimas ko ang aking baba na tila kumakamot ng balbas at muling nagsalita, naka-address sa sarili ko at di sa kanya. "Kung ganon pano ako ngayon? Isang kaluluwang gala? O baka naman isang kaluluwang tambay? Ano gagawin ko sa loob ng 40 weeks? Kung susumahin, 280 days akong nganga. Alam ko di naman ako makakaramdam ng gutom. Pero hey! Am-boring nun! Buti sana kung free WiFi dito. Baka sakaling malibang ako sa Facebook."
The voice laughed, cutting me short. "Wag kang ano! Wala kang Facebook account."
"Pano mo alam?" hamon ko nang taas-kilay. Medyo na-carried away ako at nalimutang baka si Lord ang kausap ko.
"I am your overseer," mahinahon nitong tugon. "Alam kong 3315 ang una't huling cellphone mo sa lupa. (thirty-three fifteen, hindi three three one five!) Kaya sigurado akong walang Facebook dun."
Bigla akong nahiya. Nanliit. Sino ba naman ako para ilihim ang lahat sa buhay ko? Isang tao. Karaniwan at hindi espesyal. That's true. Nokia 3315 ang kaisaisa kong cellphone noon na pinag-ipunan pa ni Nanang. Binili nya yun sa bayan sa repair shop ng isang Bumbay. Regalo nya yun nung 13th birthday ko. Actually, request ko yun sa kanya matagal na. Sabi ko kahit walang handa, basta makaka-tok-en-tex ako. (Di yun advertisement ha!) Mangiyakngiyak nya yung inabot saken. Nakabalot pa sa pulang gift wrapper, paulit-ulit na nakaimprenta ang mga katagang "Hohoho! Merry Christmas!" (Ni-recycle lang pala ni Nanang. Hehe.) Ganunpaman, pinakita ko pa ring masayang masaya ako sa natanggap na regalo. Kahit ang inekspek ko talaga sa promise nya ay android phone. Sya nga naman, makaka-tok-en-tex din ako!
"Sige na. Olats nako. Sino ka po ba talaga? Ikaw na po ba si Lord? Bakit ayaw mo akong paakyatin sa langit?"
Bumuntong hininga ang kausap kong lalaki bago muling nagsalita.
"Una, hindi ako ang Diyos."
"So spokesperson ka?"
"Hindi."
"Si San Pedro?"
"Lalong hindi!" hiyaw nito na tila sawa na sa kakulitan ko. Then I closed my mouth. (Baka kasi i-recommend pako kay Luci. Ayoko noh!) "Ako si Heroelius. Guardian angel mo," sambit ng mas pinalagong pang tinig.
"Astig!" bulalas ko sa sobrang excitement. Hindi ako makapaniwala. I'm talking to my guardian angel! Hindi nya ako sinaway o pinagalitan. Sa halip nagpatuloy sya na parang hindi ako narinig.
"Lagi akong nasa tabi mo. Magmula nung iluwal ka ng iyong ina. Ako ang umakay sa iyo noong unang beses kang humakbang. Ako ang unang naging kalaro mo sa estero. Ako ang dahilan kung bakit nakaligtas ka sa sunog noong apat na taong gulang ka pa lamang. Ako si Heroelius. Ang guardian angel mo."
"So bakit hindi ka magpakita saken ngayon? Kelangan ba may pa-mystery guy epek?"
Tumawa sya. "Correction–hindi ako lalaki."
Napakagat-labi ako. "At pati kaanghelan may Beki?"
Tumawa sya ulit sa kagagahan ko. "Hindi ako lalaki. Hindi ako babae. Isa akong anghel, Alice." Muntik ko nang itanong kung common sya kasi neither male nor female (ngek! ngek!), pero hindi lumabas sa bibig ko. Buti na lang mas mabilis syang magsalita kesa sa nguso ko. "Angels don't have sexes. We are neutral beings created from the glory of God."
Nosebleed ako dun! Hindi dahil sa English kundi dahil sa kahulugang nais nyang ipaabot. Kung ano man yun, di ko na inusisa sapagkat sapat na sa akin na magulo ang buhay at kamatayan ko. Singgulo ng sabid-sabid na pancit habhab na tinitinda sa may gate ng eskwelahan. (Uy, bawal na nga pala sila dun kasi hindi daw healthy ang binebenta nila sa mga estudyante!) Back to my line of thought... Hindi ako palasimba pero alam kong may Diyos. At alam kong Sya ang dahilan kung bakit tayo nandito. O lumilipas.
"Pangalawa..." pagpapatuloy ni Hero (o kitams, mas millennial ang tunog kesa Heroelius! Ang cute ng nickname di ba?) "...hindi ako ang may ayaw na papasukin ka sa langit. Ang Panahon ang nagdidikta. The Time. Actually, masyadong imperative yung term na "ayaw". Talaga lang wala sa tamang pagkakataon ang pagpanaw mo, Alice. Panahon mo na, pero hindi tama ang pagkakataon. Kung minsan nangyayari yun dahil masyadong ganid ang Kamatayan."
Sa halip na kasagutan ay mas maraming katanungan ang gumulo sa isip ko. Sumakit lamang ang aking ulo sa pilit na pag-apuhap ng kaliwanagan sa gitna ng walang hanggang dilim sa aking puso.
Nagbalik ang bagyo ng mga alaala. Bumabayo sa aking isip. Pumupukaw sa aking sigla. Isang pulang kotse. Maingay na sayawan. Duyang tumatayon. Dugong sumambulat sa kalsada. Halik ng isang labi. Putok ng baril. Mukha ng isang dayuhan. Liham sa pagitan ng mga pahina ng libro. Tawanan. Iyakan. Bangkay na ibinaon sa lupa habang umuulan. Tropeo. Binti ng manika. Pagsabog. Those visions drove me at least half-crazy.
Then I found myself holding the steering wheel. Driving. Whose car? I had no idea. Did I go back? I don't know. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho, papasok sa isang malaking gate. Sumaludo nang nakangiti ang guard na posturang-postura sa puting uniporme. Tumango ako't ngumiti sa kanya. Pagkagarahe ko ng pulang sports car, sinalubong agad ako ng isang katulong sabay bati nang malakas, "Good morning, sir Ji-Ki!"
Hindi ko kinagulat ang pagtawag nya saken ng 'sir'. Feeling ko sanay nako. Feeling ko yun ang dapat. Sinilip ko sya sa ilalim ng aking sunglasses. Inakbayan at tinama ang bigkas, "Manang, JK po. As in 'Jay' ng gwardya natin. At 'Kaye' ng secretary ni dad. J... K... Kuha?"
"Yes po, sir Ji-Key!"
Tumawa lang ako habang pumapasok sa pinto ng isang puting mansyon.
Ang aming mansyon.
-Fin
YOU ARE READING
ALICE FADING
RandomAko si Alice. This is the story of my short and normal life. Nothing special. Nothing extraordinary. By the way, isa na akong kaluluwa. Tambay na kaluluwa to be exact. Now that the light is approaching, is there a chance to go back? I don't know. ...