Matatawa ba ako?
O maghihinagpis sa nangyayari? Ni hindi pa ako nagsi-sixteen pero tapos na ang misyon ko sa mundong ito. Sa bagay. Yung iba nga hindi pa nagiging sanggol pinapatay na.
But this is really funny. Umiiyak ako sa sarili kong bangkay. Pano ko alam? Ewan. Feel ko lang na umiiyak ako at the moment.
Ready na ang lahat. Mukhang ako na lang ang hindi. Usong ng apat na makikisig na lalaki ang aking kabaong. Salamat sa St. Peter's Funeral Homes. At salamat sa Gold Card ni Vice Mayor dahil libre ang pagpapalibing saken. Buti na lang may ganitong programa ang ilang pulitiko. Libreng pang-ospital sa mga PWD at senior citizens. Libreng gamot para sa mahihirap. At libreng libing. Sino ba naman ang hindi boboto sa kanila?
Anyway, alam naman nina Nanang at Tatang na makakahingi sila ng tulong from Vice. Masugid na suporter ata sila. Kahit nung konsehal pa lang si Vice, full support sila sa kampanya.
My white casket was pushed into the white hearse. Mula sa simbahan matapos basbasan, binagtas na ng mga 'nakaalala' ang daan going to my final destination--sa sementeryo. Well, literally. Pero di ko pa sure kung 'pataas' ako o 'pababa'.
Ang totoo, medyo masama ang loob ko sa bumundol saken. But it's not enough to be called grudge. Kasi unang-una di ko naman sya kilala personally. Pangalawa. Thankful ako sa isang banda kasi it's the end of my suffering. Period. Gaya ng sinabi ko na I was a nobody, with no real friends. With no parents. (I assume dad's dead kasi hindi ko naman talaga sya na-meet.) Wala rin siguro akong future kasi sa English lang naman ako may konting talent. Naaalala ko pa nung makuha ko yung first prize sa essay writing contest sa school. Meron akong na-receive na trophy at one thousand na agad kong ibinili ng bigas at delata. Tanda ko pa kung gaano ka-proud sina Nanang at Tatang. Si ate? Nakatingin lang sya samantalang idini-display namin ang trophy kahanay ng mga medals at iba pang trophies nya mula sa volleyball. Hirap mahuli ng damdamin ni ate.
Para akong engot. Nagkukubli sa likod ng isang matandang puno. Kala mo may makakakita. Nagtatago sa karamihan. Parang kelan lang naglalaro ako dito mag-isa. Sa lilom ng punong kahit kelan ay di ko nalaman kung ano. Kinakausap ang plastik na manikang napulot ko sa daan. Wala ang kaliwang binti. Pero masaya pa rin syang nakikipaglaro saken. Si Barbie. She was the only friend I had when I was a little girl. Yung nga lang, gaya ng iba hindi rin nyako kinakausap. Wala din syang ulo eh. Pero maganda ang damit nya. Si Nanang pa ang tumatahi ng mga bestida ni Barbie mula sa mga retaso ng basahang ginagawa nya. Mas marami pa yata syang damit saken.
I could see Barbie from where I stood. Hawak sya ni Nanang. She was not crying this time. She was just staring in silence. I felt afraid for her. Baka naloka na sya kakaisip sa nangyari. But no. That won't happen. Alam ko malakas sya. Lalo na't nandyan si Tatang.
Palabiro si Tatang. Napaka-positive ng pananaw ng taong ito. Kung minsan iniisip ko kung naglalakas-lakasan lang sya o talagang he came from a clan of clowns. Sabi nya yun eh. Ang lolo ng lolo ng lolo ng lolo daw nya ay mga sirkero slash payaso. Kaya di ka maba-bad vibes pag sya ang kasama. Bigla ko tuloy syang na-miss.
Yakap ni Tatang ang kaisa-isa kong trophy. He was holding it close to his chest. Naririnig ko ang tibok ng kanyang puso. Hindi ito sinsigla ng dati. Mabagal at tila umiiyak.
Ganun talaga eh. Lahat naman mamanatay. Una una nga lang. Kaya ako tanggap ko na. Hindi ko na kailangan pang hanapin at multuhin ang nakasagasa saken. Effort pako noh. There's no sense in exacting revenge. Bubuo lang ako ng vicious cycle. Mga kaluluwang di matahimik. Mga kaluluwang sabik manakit. Enough with folk stories like that. Life is not a fiction, sabi nga ni Franklin--anak ng Science teacher ko. Uy cute sya ha! Pero he's not my type. Mahilig sya sa basketball. Kaya siguro malakas ang BDO. As in body odor. Di talaga ako tatagal katabi sya kahit gaano pa ang kakyutan nya. Peace Frank!
Back to my funeral. Ini-off ang paos na karaoke na tila sawa nang kumanta ng theme song ni Cardo Dalisay. Kung alam ko lang na mamamatay ako agad e di sana'y nagtext muna ako na Wrecking Ball ang patugtugin sa magiging libing ko. Matapos ilabas sa karo ang kinahihimlayan ko ay agad na sinimulan ng pari ang seremonyas. Dinasalan ako at binasbasan. Iilan lang ang sumama sa libing ko. I mean, dumalo sa libing ko. Syempre nandun ang maliit kong pamilya--si Nanang, si Tatang at si Ate. Nakita ko rin ang titser ko, si Miss Shirley. Pati ang ilan sa mga classmates ko, si Betsy, si Roy, si Shane at yung transferee na di ko ma-recall ang pangalan. Nagulat din ako nang mapansin ko ang bunsong anak ni Vice. Si John Kian Crisostomo, Jr. What was he doing in my funeral? Lumapit sya kay Tatang at yumukod nang bahagya habang hawak ang kanyang kamay. Condolence po, basa ko sa kibot ng kanyang labi. Sabay abot sa isang puting sobre. I felt disoriented after that. Bigla na lang akong nahilo. It was weird for a ghost to get dizzy pero yun talaga ang naramdaman ko. Siguro dahil sa sobrang init. Baka dahil hindi pako naghahapunan nung mamatay ako. O di kaya'y sign ito na kukunin nako ni Lord?
Hay! Sana nga. Para tuluyan nakong maka-RIP.
-Fin
YOU ARE READING
ALICE FADING
عشوائيAko si Alice. This is the story of my short and normal life. Nothing special. Nothing extraordinary. By the way, isa na akong kaluluwa. Tambay na kaluluwa to be exact. Now that the light is approaching, is there a chance to go back? I don't know. ...