Chapter 1: 100620

293 41 69
                                        

AGNES

MADILIM ang gabi ng hunyo, mga bituin at buwan na sumisilip sa mga maiitim na ulap ang nagsilbing ilaw sa dilim na tanawin. Huni ng mga kuliglig lamang ang maririg dito sa lugar na napapalibutan ng malalaking puno, sabay pa ang pag kaluskos ng malamig na hangin na dumadapo sa mga damuhan. 

Ngunit kahit gaano pa kalamig ang gabi ay hindi nito mapapatinag ang mga paa ko na nakapako sa sahig, mga kamay na mahigpit ang kapit sa abot langit na steel bars at mga matang nakatuon sa dilim na hatid sa kabila. My eyes were drifting to the dark abyss like it's dragging my mind, inviting me to open the gate and linger the mystery of what lies ahead.

Though my curious stares were interrupted as I felt something crawling at the back of my neck, it's legs felt sharp and ticklish, napatili ako nang matanto kung ano iyon.

"EEEYYIEEEEEE IPIS!" 

Patalon-talon kong inalis ang nilalang na gumagapang sa leeg ko, nang maalis ko ito ay inis kong nilingon ang batang lalaki na siguradong may pakana sa ginawang kalokohan, naka balot pa ang mga kamay niya sa tiyan habang tumatawa ng malakas.

"Nakakainis ka!" Sigaw ko habang pinapalo-palo at sinasabunutan ang kanyanng buhok.

"Kanina pa kasi kita tinatawag, hindi ka naman sumasagot," bulalas niya sa gitna ng kanyang mga tawa. "Kapag nalaman ni Gin na tatamad-tamad ka at hindi sumusunod sa plano namin, ako na ang babatok sayo." 

Nagumisi siya at sinuklayan ang kulay itim at magulo niyang buhok na bagay sa maputi niyang kutis. Napansin ko ang bahid ng dugo sa kaliwang pisngi niya na kasing kulay ng mga mata niya. I guess he's already starting his hunt.

"Sino ang tamad?"

Napatalon kami nang maramdaman namin ang boses ni Gin mula sa likod namin. The moon illuminated his silver hair and blue eyes as he smiled when we turned to him. He has a small frame, given that he has a weak body but his beautiful silver hair and sea blue eyes outshines them.

At dahil nandito na si Gin, napagtanto ako na kumilos agad at hinawakan ang kamay niya.

"Gin! Inaasar nanaman ako ni Ryder!" Pagsumbong ko, iniyugyog ko pa ang magkabilang kamay niya at umaarte na iiyak na. Napangiti naman ako nang makitang nanlaki ang mga mata ni Gin. 

Napaawang labi si Ryder, aware of my childish intention in bringing Gin into my side kaya nagsumbong na rin siya, "Si Agnes wala pang ginagawa! Wala pa siyang nahuling outsiders paano tayo papasa nito? Panigurado babagsak tayo sa E-class!"

"Ryder, how many times should I tell you not to pick on girls or they will hate you for life?” Napatahimik si Ryder na ikina ngisi ko, “And no need to rush, lamang pa naman tayo."

Humiwalay ako sa kamay ni Gin nang mapansing may bahid ng dugo ang kulay puti niyang uniform, he smiled when he looked at me. "What are you doing standing at the academy's gates by the way?"

"Naduduwag—"

"Nakita ko kasi dito pumasok ang mga outsiders.” Pagputol ko sa sasabihin ni Ryder. “Napaisip ko kung anong klaseng lugar ang mayroon sa kabila ng gate at pinagbabawal tayong lumabas," sabi ko at tinuro ang gate sa harap.

Gin showed a curious stare and head towards the gate, clasping his small, snow-white arms on the bars made of steel. He took a look at the dark. "I don't know. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan nating manghuli ng outsiders like they're some animals," he said.

"Because they're trespassers, duh!" Sabay kaming napatingin kay Ryder na walang emosyong nakatingin sa gate, both hands rest behind his head. "We're only 12, still clueless about the outside world. Pero kung may alam man tayo tungkol sa batas ng Phantom Academy, iyon ay ang pagbabawal na lumabas, and of course, trespassers aren't allowed."

Teen AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon