Chapter 10 - The SPKFSO Society Story

13 1 0
                                    

"Poocckkk! Pooocckkk! Poooccckkk!" ~Ang palo ng baton ni Mark sa isang table
"Ano ba yan?! HIndi niyo ba matitigilan mag-ingay at magharutan?! Ha?!" ~Ang sabi ni Mark pasigaw
"Ganyan na ba talaga kayo?! Kapag walang teacher ang ingay grabe pero pag dumating parang may dumaang anghel na pinatahimik kayong lahat!" ~Ang sabi ni Rod pasigaw
"Ano?! Ang pangit mo pala ha, sige, mukha mo ang papangit 'pag ikaw ang kinuha namin at pagpapaluin namin yang mukha mo ng baton." ~Ang sabi ni Kenneth
"Sige! 'Bat ka nandyan? Diba nasa likod ka?!" ~Ang sabi ni Mark

Bumalik si Kevin sa dating niyang upuan...

"Magpapasimple ka nanaman kay Alexis ha, tutulungan mo yung tao aagawin mo rin pala sa kanya. Sus maryosep..." ~Ang sabi ni Ace
"Pabayaan niyo na yun! Wala naman na dito yun eh, umalis na yun, iniwan na si Alexis." ~Ang sabi ni Kevin
"Huy Kevin! Alalanahin mo to ha, hindi lahat ng taong wala dito ay wala na sa paligid mo, malay mo pinagmamasdan ka na nun ni Alex, at higit sa lahat, hindi nang-iwan ng babae si Alex buong buhay niya at itong si Alexis ang kanyang hinintay kahit man na-busted na siya sa isang Moby Chocolate Drink at sa isang Donut na binigay----" ~Ang sabi ni Mark sabay
"Teka-teka-teeeeka, pano mo alam lahat ng nangyayari kay Alex at pano mo alam na siya'y na-busted ni Alexis? Ha?" ~Ang tanong ni Kevin
"Dahil nakaranas na rin ako nun, ayy sorry, ako pala mismong nakaranas nun!" ~Ang sabi ni Mark sabay alis

Pumunta si Mark sa isang sulok at dun umupo, sinundan naman ito ni Ace habang si Jerico at Kenneth ay na-iwan sa loob ng klasrum para magbantay.

"Huyy Kevin, 'wag na 'wag mo na ulit mamaltratuhin si Mark ng ganun, hindi niyo alam ang sakit na nadarama niya. Ni hindi nga sya maka-move on sa nangyaring yun eh." ~Ang sabi ni Jerico
"Oo na." ~Ang sabi ni Kevin
"Sa sinabi niya nga pala kanina, ang sabi niya eh siya mismong nakaranas na na ma-busted ng ganung panyayaring nangyari kay Alex, ano ibig niyang sabihin?" ~Ang tanong ni Joy
"Kalimutan mo na yun, at kung ano-ano lang sinasabi nun kapag masama ang loob lalo't na-aksidente si Joshua na ang kanyang kaibigan at pina-inis pa nitong Kevin na to si Mark." ~Ang sabi ni Jerico
"Ahh, ok." ~Ang sabi nalang ni Joy

Nung sinabi niya ito, ang buong klase ay nagtaka. Bat daw si Mark mismo ang nakaranas sa nangyari kay Alex samantalang siya si Mark, ang mabuti naman dun ay naka-move on naman ang klase nila sa bagong topic na tungkol nanaman sa K-Pop. 

Si Joy naman ay nagtaka rin sa kanyang narinig sa sinabi ni Mark kaya ang nasa isip niya ay si Mark, si Joshua at si Jerico ay si Alex, Andrew at Luiz at si Rod naman ay si Alexander. At dahil hindi pa sya sigurado dito ay hindi niya pa to ipinagkalat dahil baka mamaya ay hindi totoo ang kanyang nasa-isip.

"Bat sinabi mo?" ~Ang tanong ni Ace
"Muntikan ka na nilang malaman na ikaw ni Alex, pati na rin kami, kung sino talaga kami." ~Ang sabi ni Rod
"Hindi yan, makakalimutan din nila yun." ~Ang sabi ni Mark
"Kahit na, basta sa susunod ay 'wag mo na ulit yung gagawin, ok?" ~Ang sabi ni Ace
"Ok ok ok." ~Deal ni Mark
"Pwede niyo bang ikwento ng higit pa tungkol dito sa SPKFSO Society na to, eh, hindi ko pa kasi alam ang kabuuan tungkol sa society na to eh." ~Ang sabi ni Mark
"Oh sige, Rod, sabihin mo na." ~Ang sabi ni Ace

Nagsimulang mag-kwento si Rod

"Noong unang panahon, ipinanganak si Pablo, Pablo Magitiw L. DelaPadua..." ~Ang kwento ni Rod

1520's...

"Ungak!!! Ungaakk!!!" ~Ang iyak ng sanggol na bagong silang
"Matagumpay na naipanganak ang sanggol mula sa sinapupunan ni Amanda hanggang sa labas, ito na, ang iyong bagong silang na sanggol, Amanda." ~Ang sabi ng doktor na nagpanganak kay Amanda, ang nanay ng sanggol
"Ano ang nais mong ipangalan sa iyong anak, Amanda." ~Ang tanong ng nars
"Pablo, Pablo Magitiw L. DelaPadua." ~Ang sabi ni Amanda sabay ngiti

SPKFSO - Special Police Kids for School and OrganizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon