"Inang, bakit ako'y hindi pa pwedeng uminom ng dugo ng tao? Hindi ba'y kauri niyo naman ako? Bakit sila Norina, Leonora at Valentina'y nakatikim na ng dugo ng tao?" Tanong ng pitong taong gulang na paslit sa kanyang Inang.
"Dahil naiiba ka sa kanila, Levina." Tugon ng babaeng maganda na kalong sa kanyang kandungan ang batang paslit na nakakunot ang noo.
"Naiiba? Paanong ako'y naiiba, Inang? Hindi ho ba ako bampira? Katulad ninyo?" Pagtatanong pa ng batang Levina.
"Naiiba ka sa kanila dahil ikaw ang prinsesa ng mundong kinabibilangan natin, Levina. Isa kang Auvrelion. Pagdating mo ng disisais ay makikilala mo siya. Ang nakatakda para sa iyo."
"Pero, Inang, paano kung hindi ko siya mahanap?"
"Imposible iyan, Levina. Ngunit kung ganyan ang mangyayari o kaya nama'y hindi mo nainom ang dugo niya hanggang pagsapit ng iyong ika-labing walong taong kaarawan, mawawala ka sa mundo, apo." May halong lungkot na saad ng kaniyang Inang.
"Gusto ko pa pong mabuhay ng matagal, Inang. Kagaya ninyo."
"Huwag kang mag-alala, mabubuhay ka ng matagal, Levina. Sa ngayon ay pagtiyagaan mo muna ang dugo ng mga hayop para maibsan ang uhaw mo." Ngumiti ang magandang bampira sa batang Levina.
BINABASA MO ANG
Ang Nakatakda
VampireBumagal ang oras at kalauna'y tila tumigil na ito. Kumalabog ng malakas ang puso ko. Perpekto, ang tanging nasa isip ko nang mga oras na iyon. Alam kong hindi na ulit magiging katulad ng dati ang buhay ko... dahil natagpuan ko na siya. Ang nakatakda...