"Ang boring naman ng party." himutok ko sa best friend kong si Jana. "Bakit pa ba kasi ako sumama. Sana nanood nalang ako ng Sex and the City." sabay nguso at halukipkip ko at tinungga ang natitirang laman ng beer na hawak ko.
"Alam mo, ikaw, puro nalang sex ang nasa kukote mo no? Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon, never been kissed at never been touched ka pa rin." litanya nya pero makikita na nag eenjoy sa paghihirap ko.
"Tsk! Eh ano naman? Masama bang protektahan ang Perlas ng Silanganan?" nakasimangot ko paring sabi. Tumawa lang sya ng wagas sa paghihimutok ko na binigyan ko naman ng isang irap.
"Sorry. Yang mga term mo talaga, Maria Juana! Sige, dahil best friend kita at nandito ang crush mong si Pedro, gagawin nating Hindi boring ang Gabi mo."
"Pwede ba wag mong tagalugin ang mga pangalan namin? Tsura nito!" irap ko uliy sa kanya na tinugon rin nya ng irap.
"Kung di lang kita bestfriend. I hate you!" kunwaring pagtatampo nya. Napangiti naman ako sa inasal nya dahil alam kong ayaw nyang sinasabihan ko sya ng "tsura".
"I love you, too, bestfriend!!!" Sigaw ko at yakap sa kanya sabay tawa ko na rin. Humalakhak na rin sya sa kabaliwan namin.
Nakita Kong napapatawa rin ang ibang barkada. Alam kasi nila na kahit marami kami sa grupo kami parin ni Jana ang close.
Tinotoo nga nya ang sinabi nya na gagawin nyang exciting ang Gabi. Nakaupo kami ngayon, sampu ng aming mga kaibigan, sa sahig at nakapalibot sa isang bote ng alak sa gitna.
I know it's lame to play this game but it's better than the excruciating boring night ahead. And to say that it's only 10 pm!
"Guys, ready?" tumango lang kami sa tanong ni Jana. "I'll start, ok?"
Lumagok ako sa beer na hawak ko habang nakatingin sa umiikot na bote. Tumama ito Kay Joseph at mabilis naman syang tinanong ni Jan kung 'truth or dare'. Truth ang napili nya, as expected. Alam ko naman na mostly sa amin 'truth' ang pipiliin. Mas Madali naman kasing magsinungaling kesa gawin ang isang dare.
"Sinong crush mo dito?" walang gatol na tanong ni Jana. Nacurious naman ang lahat dahil alam nila na masekretong Tao si Joseph. Ni wala man nga atang nililigawan to. Pero ganun pa man, Marami pa ring mga babae ang nagkakandarapa sa kanya dahil bukod sa gwapo at matikas, matalino din sya. Hindi nawawala sa listahan ng DL ang pangalan nya. At ngayon ngang graduating na kami, running for suma cum laude sya. Ganon! Ganon sya katalino!
Kung baga, sya yung intimadating type kaya wala man lang naglalakas ng loob na magpapapansin sa kanya kahit na siguro patay na patay pa sila sa kanya.
Hindi ko sya type. Hindi ko type ang tipo nya na tahimik at brainy o nerd sa iba. Pero nerd na muy gwapo at macho.
Tulad nga ng sabi ni Jana, ang type ko ay si Peter. Di man sya kagwapuhan tulad ni Joseph pero malakas naman ang appeal at joker. Walang dull moment pag sya ang kasama mo.
Tumitig muna si Joseph Kay Jana ng ilang Segundo bago ibinaling ang tingin sa akin.
Nagulat ako sa ginawa nya dahil titig na titig sya ngayon sa akin na parang inaarok ang pagkatao ko.
Hindi ko alam kung anong elemento ang sumapi sa akin dahil hindi ko maalis ang titig ko sa kanya.
"Si Mary Jane." napaawang ang bibig ko sa tinuran nya at napayuko sa hiya. Kahit di nila sabihin alam ko na nagba blush ako.
Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibokng puso ko lalo na ng marinig ko ang sigawan ng mga kaibigan ko.
Kinurot naman ako ni Jana nasa gilid ko kaya tiningnan ko sya ng matalim. Pero ngiting ngiti lang sya sabay taas baba pa ng mga kilay.
BINABASA MO ANG
The Kissing Game Series 3 - Truth or Dare?
Short StoryThe Kissing Game Series 3 Truth Or Dare? Naitulak ko tuloy sya pero inilapit lang nya ang katawan nya sa akin. Ng akmang itutulak ko ulit sya, mas lalo Lang nyang dinikit ang katawan nya kaya naman naramdaman ko ang mga Hindi dapat mardaman lalo na...