"MJ, nagawa mo ba ung assignment natin? Pakopya." si Jana. di na naman gumawa ng assignment.
Inabot ko nalang sa kanya ung assignment ko ng walang imik. Hanggang ngayon kasi naba-bother pa rin ako dahil one week ng di pumapasok si Joseph.
Pagkagising nya nung gabing tabi kaming natulog, hinatid nya Lang ako sa dorm at umalis na sya ng di kami nakakapag usap.
Monday came and I was expecting for him pero hindi sya pumasok. Nahihiya naman akong magtanong sa barkada kasi baka kung ano pa ang isipin nila.
Araw araw akong naghintay sa kanya. At ngayon nga, Friday na pero di pa rin sya pumapasok. Hindi ko alam kung meronbang nangyari sa kanya. Pero kung meron man, sigurado pinag uusapan na ng barkada.
Lumipas na naman ang maghapon na para akong wala sa sarili. Nagtambay pa nga ko saglit ng konti na pinagtaka ni Jana na ikinibit balikat ko nalang.
Nagpapamiss ba sya? Kung oo, well, it's working. Dahil hindi ko alam na darating ako sa punto na hahanap hanapin ko ang presensya na. At nangangamba na ko na baka masuspend sya dahil isang linggo syang absent kahit pa katatapos lang ng exam.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nadarama ko. Wala naman kaming relasyon. Ni malabong usapan nga, wala. Buti pa nga ung iba kahit malabo at least May usapan di ba?
Lumipas ang maghapon na matamlay na naman ako. Napapansin na nga ni Jana pero sinasabi ko nalang na masama lang ang pakiramdam ko.
Maaga rin akong umuwi dahil alam kong di na sya darating dahil last day of classes na ngayon.
Paguwi ko, naligo lang ako at nagmukmok sa kama ko. Napapaidlip na ko ng dumating si Jana.
"Girl! Get up! May pupuntahan tayong party." saad agad ni Jana Pagpasok nya ng kwarto.
Nagtalukob lang ako ng kumot at umungol. Wala ako sa mood magparty lalo na't May bumabagabag sa akin. Pero no choice ata ako dahil bigla nalang hinila ni Jana ang kumot paalis sa akin. So Jana!
"Fine... fine..." patamad akong tumayo. Since nakapag shower na ako, namili na ako ng suuotin at nag handa ng mag ayos.
"Nope!" sabay hablot ni Jana sa damit na hawak ko. "Ito ang isusuot mo." sabay lahad ng pulang pulang short dress sa akin.
Kinuha ko na Lang at sinuot at nag umpisa ng mag make up at ayusin ang buhok ko.
"Saan ba ang party?" tanong ko habang pinaplantsa ang buhok ko. Sya naman, sinusuot na ang damit nya.
"Basta! tapusin mo na yan. Mag seseven na. Seven daw ang start." ikinibit balikat ko nalang at tinapos na ang ginagawa ko.
Inabot lang kami ng 15 minutes papunta sa venue. At ganun nalang ang gulat ko ng sa condo ni Joseph ang party! Hindi ko alam kung bakit pa kami bihis na bihis. Akala ko naman medyo formal ang dadaluhan namin.
Pagpasok namin sa loob, mostly ng mga bisita ay naka semi formal attire din. Nandito ang barkada at ilang mga kamag anak ata ni Joseph.
Kanina palang na pababa kami ng kotse at nalaman Kong party nya to, dinluhan na ko ng kaba. Mas dumoble pa itp ngayon na nandito na kami sa loob ng condo.
Hindi ko pa sya nakikita kahit na halos kalahating oras na ko dito. Ayoko namang magtanong dahil baka magtaka sila. Kaya umupo nalang ako sa May island sa kusina nya at sinisimsim ang dala Kong wine.
May pagka formal nga ang party ngayon. Namataan ko pa ung kapatid nyang babae at iilang mga pinsan nya na tinuro ni Jana.
Dahil sa kaba ko, Hindi ko na mabilang kung nakailang baso na ko ng wine pero hindi ko na iniinda kung malalasing man ako atleast naaalis ang kaba ko.
"Hey there gorseous!" napaunat ako ng upo ng May maramdaman akong mga kamay na pumulupot sa May tyan ko at bumulong sa May tenga. Kahit hindi ako lumingon alam ko kung Sino ang nagmamay ari ng mga bisig na to.
Napapikit nalang ako sa sensasyong naramdaman ko at napaungol ng mahina.
"Babe, stop moaning. I won't be remsponsible for my actions if you won't stop." bulong pa rin nya at ikiniskis pa ang ilong pataas baba sa gilid ng leeg ko.
Pinigilan ko nalang ang gustong umalpas na ungol at unti unti akong humarap sa kanya. Nasa may bewang ko pa nga mga kamay nya at sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.
"Bakit ngayon ka lang? Bakit di ka pumasok ng isang linggo? Saan ka naggaling? Ha?" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sumbatan sya. At wala akong karapatan na sumbatan sya dahil hindi naman kami.
Nakita ko ang pag ngisi nya bago pa nga nilapit ang mukha nya sa leeg ko. Napatingala tuloy ako sa ginawa nya.
"Sorry babe, May inasikaso lang ako sa company ni dad. Umalis kasi si ate kaya ako muna ang nag relieve. Miss me?" sabi nya sa namamaos na tinig habang unti unti nyang nilalapit ang katawan nya sa akin pero patuloy pa rin ang pagkiskis ng ilong nya sa leeg ko.
Oo sobra! yan ang gusto kong isagot sa kanya pero hindi ko maisantinig dahil hindi ko pa alam kung ano kami. Kung makaasta kami parang kami na. Kung maka babe sya, parang boyfriend ko na sya. Kung maka sumbat ako, parang girlfriend na nya ko.
"We'll talk later ok? Wag ka munang umuwi agad. or better yet, dito ka nalang matulog ulit." Umiling lang ako sa suggestion nya kahit na Gustung gusto ko ng tumango.
"Come on! Natulog ka na minsan dito, kahit ngayong Gabi lang ok? Dun ka sa guest room. Magsisiuwian naman ang mga pinsan ko at si ate." iling pa rin ang sagot.
"Fine! I will make sure na mapapa Oo kita." at sinimulan na nyang bigyan ng mumunting halik ang leeg ko patungo sa baba ko at sa pisngi. Napapapikit at buntong hininga nalang ako sa ginagawa nya hanggang sa lumapat ang mga labi nya sa mga labi ko.
Kahit ine expect ko na na hahalikan nya ko sa labi, di ko pa rin mapigilan na mapa singhap dahil ito ang first kiss ko. Well, technically, second kiss. Pero iba kasi ang ngayon dahil pareho naming gusto not that I didn't like our first kiss. Siguro dahil ako mismo, gusto ko to. Sinamantala naman nya ang pagkakabuka ng bibig ko at agad nanalakay ang dila nya sa loob ng bibig ko.
Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, halos hindi ko na marinig ang ingay mula sa party. Ang kaloob looban ng tyan ko ay parang May mga paru parong gustong makawala na umaabot hanggang sa lalamunan ko. At dahil don, Hindi ko ma maiwasang hindi mapaungol at damhin ng mga daliri ko ang kanyang matitigas na dibdib.
Alam ko namang maganda ang katawan ni joseph. Alam ko rin na regular ang pag eexercise nya kasama ang iba pang mga barkada naming mga lalake.
"Babe, let's stop. Nasa kusina tayo at ilang dipa lang ang mga pinsan at barkada natin." Hindi pa nag register ang mga sinabi nya sa utak ko kaya patuloy lang ako sa pagdama sa dibdib at tyan nya.
"Babe...." sabi nya sa nahihirapang tinig. Siguro dala na rin ng alak kaya ang lakas ng loov Kong gawin ang mga Hindi ko magagawa kung hindi ako nakainom.
Bumuntng hininga ako at isinandal ang mukha ko sa dibdib nya. At laking gulat ko ng maramdaman ang lakas ng tibok ng puso nya. Akala ko ako Lang ang kinakabahan sa ginagawa namin. Akala ko dahil Marami na syang experience kaya parang normal nalang ang ginagawa namin para sa kanya.
Bigla nalang na may sayang bumalot sa akin sa kaalamang iyon at bigla nalang akong napapangiti.
"What are you smiling at huh?" nakangiting tanong nya sa akin habang titig na titig sa mukha ko.
"Masaya lang ako." di na ko nahiyang umamin. Para saan pa ang pag dedeny ko? Ito ang nararamdaman ko at gusto ko ito.
"That's good, cause i'm happy too." lalong lumapad ang ngiti ko sa narinig ko.
"Come on! Pahinga ka muna sa guest room. Alam ko nakarami ka na." iginaya naman nya ko sa guest roon pero ng Makita naming nandoon ang mga pinsan nya, dinala nalang nya ko sa kwarto nya.
Hawak hawak nya ko habang naglalakad kami dahil ngayon ko naramdaman ang epekto ng alak. Pagsayad ng katawan ko sa kama nya, hinila nalang ako ng antok. Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sinabi nya pero ang alam ko sya na raw ang bahala Kay Jana na mag explain. Tumango nalang ako ng nakangiti at nagpatalo na sa antok.
BINABASA MO ANG
The Kissing Game Series 3 - Truth or Dare?
Short StoryThe Kissing Game Series 3 Truth Or Dare? Naitulak ko tuloy sya pero inilapit lang nya ang katawan nya sa akin. Ng akmang itutulak ko ulit sya, mas lalo Lang nyang dinikit ang katawan nya kaya naman naramdaman ko ang mga Hindi dapat mardaman lalo na...