Chapter 5

4.3K 109 1
                                    

"Uy! Problema mo?!" Lunch time at ganito agad ang bungad ni jana ng nasa canteen na kami. Di kasi ako mapakali dahil after nung party hindi na naman kami nag kausap ni joseph.

Pagkagising ko nagmadalu na syang ihatid ako dahil daw may pinapaasikaso ang dad nya. Naghintay ako ng text o tawag mula sa kanya buong weekend pero walang dumating. At ngayon nga, lunes na, wala pa rin. Hindi na naman sya pumasok! Hindi ko alam kung ano na namang nangyari this time.

Kating kati na nga ang mga daliri ko na itext sya pero nagpipigil lang ako dahil ayokong ako ang maunang makipag communicate sa kanya. Siguro kung boyfriend ko sya magagawa ko pa yun. Peri hindi eh. Nakakasakit lang ng loob. Overdue na ung usap usap na yun. Peste! Di ko tuloy maiwasang isipin na ginagamit lang nya ko.

Ayoko ng mag isip. Naiiyak lang ako pag iniisip ko yun. Napag desisyunan ko na rin na iwasab nalang sya. Kung may party o inuman man du na muna siguro ako pupunta.

Pumili nalang ako ng makakain kaysa mag mukmok ako. Isa pa, nakakahalata na si jana. Ayoko namang sabihin sa kanya yung problema ko kay joseph kasi baka maipit sya sa amin. After all, pareho nya kaming kaibigan.

Natapos ang araw na gloomy pa rin ang pakiramdam ko. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko.

Pagka miyerkules, nagpakita rin si joseph. Pero tulad ng pinangako ko sa sarili ko, iniwasan ko na sya. And as expected, walang text o tawag galing sa kanya.

Thinking about it, kahit nung umalis sa last week, di nya rin ako tinext o tinawagan. Kaya tuloy mas lalong lumakas ang hinala ko na ginagamit lang nya ko.

"Ahh!" Napatili ako ng may sumundot sa tagiliran ko. Buti nalang wala pang prof.

Tiningnan ko lang ng masama si joseph sa tabi ko. Hindi ko namalayan na nagpalit na pala sila ng upuan ni jana.

Ng makita ko syang nag peace sign at ngumisi, humarap nalang ako sa may kaliwa ko. Buti nalang tabi ako ng bintana.

"Uy! Sorry na. Kanina mo kapa kasi tahimik dyan at di mo ko pinapansin" narinig kong sabi nya habang hinuhuli ang tingin ko.

Bakit ba sya ganito? Naiiyak tuloy ako. Ang gusto ko lang gawib ngayon ay yakapin sya at marinig sa kanya na kami na. Na ok kami. Na hindi nya lang ako ginagamit.

"M-may problema ba tayo?" Nauutal pa nyang sabi na para bang takot sa magiging sagot ko. Nanlabo tuloy ang paningin ko dahil sa luha kaya dali dali akong tumayo at pumunta ng cr.

Hindi ko na kinaya yung presensya na at yung sakit na nararamdman ko.

Pagdating ko ng cr, ginawa ko ang lahat para di ako mahagulgol. Ilang minuto rin bago ko nakalma ang sarili ko.

Takot pa nga akong lumabas dahil baka nasa labas lang sya. Pero pag silip ko, walang katao tao sa corridor.

Nagpasya nalang akong umuwi at tinext si jana na iuwi ang bag ko.

Nagmukmok lang ako pag uwi sa dorm at sinubukang matulog para kahit papano gumaan ang pakiramdam ko at ma clear ang utak ko.

Kinabukasan, ganun pa rin ang ginawa ko, kuntodo iwas ko kay joseph. Alam ko naapektuhan na ang ibang barkada pero wala na kong pakialam. Iniwasan ko sya buong linggo. Kahit na sumobrang ksp na sya, purp deadma lang ako.

Pag dating ng sabado, nag aya si jana. Tatanggi na sana ako pero sinabi nya na kina karl daw ngayon. Pumayag nalang ako para hindi na humaba pa ang diskusyon namin. Kailangan ko rin kasing mag relax dahil super stress ako ngayong linggong to.

Pagdating kina karl, si joseph agad ang hinahanap ng mga mata ko. Aminin ko man o hindi, nangungulila na ko sa kanya. Hindi naman biro yung iwasan ang taong mahal mo. Oo, mahal ko na sya! Hindi naman siguro ako masasaktan ng ganito kung hindi, di ba?

The Kissing Game Series 3 - Truth or Dare?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon