I dreaded for Monday to come. Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Joseph. Kaklase ko sya sa lahat ng subjects at ang buong barkada. Prelim exams pa namin ngayon kaya Hindi ako pwedeng mag absent.
Yes, that's us. We are a weird bunch. Mag iinom bago ang exams.
Nandito ako ngayon sa girl's cr at hinihintay mag ring ang bell. Sinasakto ko sa oras para maiwasan ang mga mapanukso Kong mga kaibigan. And the last thing I need right now is a distraction.
Preliminary exam namin kaya kailangan ko munang mag ipon ng grades para ma sure na papasa ako sa lahat ng subjects ko.
Pagkarinig ko sa bell, dumeretso na ko ng classroom namin at naghanda na para sa exam.
Nakita ko sya sa gilid ng mga mata ko na nakaupo sa likod kaya Dali Dali akong umupo sa nag iisang bakanteng upuan sa harapan.
Since Saturday after his confession, inokupa na nya ang pag iisip ko. Ang hirap mag concentrate sa mga dapat mas pagtuunan ng pansin.
Ganun ang ginawa ko sa lahat ng tatlong subjects ko. Pupunta ng CR, papasok pag nag bell na at uupo sa pinakamalayong upuan sa kanya.
So far, so good. Nagagawa ko pa syang iwasan. At ngayon nasa CR ulit, hinihintay ang bell para sa last exam namin.
Nagmamadali akong lumabas ng marinig ko na ang second bell. Second bell na! Masyado kasi akong na engganyong mag review kaya di ko namalayang nag bell na. Kung pa ko tinext ni Jana di ko pa mamalayan na oras na pala.
Dali Dali akong lumabas ng CR at dire diretso sa classroom. Pagka scan ko sa buong classroom, nagulat nalang ako na iisa nalang ang bakanteng upuan at sa katabi pa mismo ni Joseph!
Hindi pa naman talaga ako super late kaya di ako sinita ng Prof namin. Naghahanda palang sila para sa exam.
Wala nakong nagawa kundi umupo sa nag iisang bakanteng upuan. Diretso lang ang tining ko sa whiteboard at pagkabigay na pagkabigay ng examination papers, yumuko nako para makapag concentrate.
Sa umpisa medyo nahihirapan pakong mag concentrate dahil feeling ko katabing katabi ko sya kahit na isang upuan ang pagitan namin.
"15 minutes, class. Finalize your answers."
Muntik na Kong mapamura ng marinig si Engr. Ramos. May dalawang problems pa Kong Hindi nasasagutan.
Napatingin tuloy ako sa katabi ko at ganun nalang ang gulat ko ng makitang titig na titig sya sa akin.
Yumuko nalang ulit ako kasabay ng pamumula ng mukha ko.
Naramdaman ko syang tumayo at gumawi sa May harap ko. Bigla nalang syang May inilapag na papel sa mesa ko habang nakalikod at diretso na Kay Prof para mag pasa ng papel nya.
Nagulat ako ng makitang solution pala yon ng mga problems ng exam namin. Since allowed kami na May scratch paper kaya Hindi halata na nangongopya ako.
Yes, kinopya ko na. Ayoko ng magpa tumpik tumpik pa. Gawain naman namin to since mag major na kami.
Pasimple Kong tinitingnan ang ibang barkada pero mukhang wala nakapansin ni isa sa kanila. Maging si Prof Hindi nya napansin.
Dahil ginawa ko pa yung two problems, or rather kinopya, ako nalang ang natira sa amin.
Pagpasa ko ng papel medyo kinakabahan pako.
"Ms. Sanchez." tawag sa akin ni Prof.
"Y-yes ma'am?" medyo kinakabahan Kong sabi. Pinipilit ko nalang na maging normal ang boses ko.
"Are you ok?"
"Opo ma'am. Sumasakit lang po ang tyan ko." palusot ko sa kanya. Sana Hindi sya makahalata.
![](https://img.wattpad.com/cover/15113346-288-k268063.jpg)
BINABASA MO ANG
The Kissing Game Series 3 - Truth or Dare?
ContoThe Kissing Game Series 3 Truth Or Dare? Naitulak ko tuloy sya pero inilapit lang nya ang katawan nya sa akin. Ng akmang itutulak ko ulit sya, mas lalo Lang nyang dinikit ang katawan nya kaya naman naramdaman ko ang mga Hindi dapat mardaman lalo na...