Chapter 9 - The Red Stone

917 29 12
                                    

Dexter's Pov

"Alexia, hintay naman. Ang bilis mo naman maglakad." nakatakbong sabi ko habang hinahabol ko siya. Grabe kung hindi ko lang 'to kakilala baka napagkamalan ko na itong kabayo.

"Ang bagal mo kasi, bilisan mo nga." sagot naman niya habang mabilis kung maglakad. Kita niyo na? Naglalakad lang siya ng mabilis samantalang ako kailangan pang tumakbo para habulin siya.

"Eh kasi naman yang mala-kabayo mong paa ang pagsabihan mo. Ang bilis mo kasing maglakad."

Nilingon niya ako ng masama kaya naman napaatras ako ng konti. "Ginagalit mo ba ako Dexter? Ah oo nga pala, expire na yung agreement natin ngayon. Kaya, humanda ka sakin." ibinulong lang niya ang panghuli niyang salita at saka tuluyang pumasok sa office ni M.

Napalunok naman ako ng makapasok na siya. Double meaning yung sinabi niyang humanda ako sa kanya. Tsk, ano ba yan Dexter ke lalaki mong tao puro kabaduyan ang iniisip ng gwapo mong utak.

Pogi problems nga naman.

Pumasok na din ako para sundan si Alexia. Oh, walang ibang kahulugan yan ha? Syempre magpartner kami kaya susundan ko siya kung saan man siya magpunta. "M, sino yung gumagamit ng kapangyarihan doon sa may Magus Tower?" direktang tanong ni Alexia habang si M naman ay abala sa pagsusulat sa metal na papel. Kung ano iyan? Aba malay ko ba.

"It's Venice Reid, the new student here." kaswal na sagot ni M at tiningnan si Alexia sa kanyang paboritong  ekspresyon. Ang poker face.

"Anong new student ka dyan M? September na ngayon, hindi ko akalain na tumatanggap kapa pala ng studyante. Aba kung ganun ipapasok ko nalang yung kapitbahay naming mahilig gumawa ng milagro ng sa ganun ay tumino na yun dito." pagsisingit ko sa kanilang usapan. Tama kasi ako diba?

"Tama si Dexter M, hindi naman ata yun kapani-paniwala na may bago kang studyante na ipapasok dito. Unless if you needed her the most."

Natigilan naman si M sa sinabi ni Alexia. Tapos bumalik sa pagsusulat. Ok? Ano ba talaga ang utak ng batang ito? Este ng principal namin. Hindi man lang kami sasagutin ng matino. "Tama nga kayo. Kailangan siya ng kahariang Leerah. Kaya tinanggap ko na rin siya. Galing din siya sa mundo ng mga normal kung saan kayo nanggaling. Matagal na akong nakikiusap sa mga magulang niya na paaralin siya dito, pero ang mga magulang naman niya ay tanggi ng tanggi."

Sa mga oras na ito ay kaming dalawa ni Alexia ang natigilan. Lumapit na ako sa gawi ni Alexia at saka takang hinarap si M. "Anong ibig mong sabihin M?" bansag ko sa katahimikan dito sa loob ng opisina na ubod ng tahimik.

"May mga bagay  na hindi ninyo maiintindihan kung hanggang salita lang, kailangan muna itong matuklasan gamit ang mga mata mo nang sa ganun ang mga nakikita mo ang kusang magpapaliwanag na sa iyo." mahabang litanya ni M sabay iwan sa amin dito sa opisina niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Alexia na napa-awang ang aming mga bibig.

"Naiintindihan mo ba iyon Dexter?"

Muli naman akong nabalik sa realidad sa tanong sa akin ni Alexia. Napakamot naman ako sa aking ulo, takte! Ang lalim naman ata nun. "Hindi eh, tsk ang ganda pa naman sana pangstatus sa facebook. Sayang at walang internet at computer dito."

"Ewan ko sayo, puro ka kalokohan. Dyan kana nga!" nakasigaw niyang sabi sabay batok sa ulo ko. Hahabulin ko sana siya kaso nakalabas na pala siya.

Humanda to sakin, nakadalawang batok na siya ha? Times two siya ngayon.

Lance's Pov

"Ayun!" sigaw naman ni Hermoine sabay turo doon sa oblong blades niya. "Kukunin ko lang 'to at nang makapagpahinga na tayo." dagdag pa niya sabay takbo patungong weapon niya.

Magus AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon