An Encounter

129 1 1
                                    

"Ma! Papasok na po ako sa trabaho! Kayo na ang bahala sa mga bayarin. Nag-iwan na rin po ako ng pambayad." Sigaw ko mula sa kusina para marinig ako ni Mama bago ako umalis. Mabilis akong lumabas ng bahay dahil kailangan kong maabutan ang bus sa terminal. Kung hindi ay paniguradong mahuhuli na ako sa trabaho.

"Hoy. May conference mamaya. Mabuti't maaga kang nakapasok. Bigatin pa naman ang speaker mamaya." Sabi ng isang babaeng katrabaho ko dito sa Helping Hands. Nagtatrabaho ako sa isang kompanya na tumutulong sa mga nangangailangan. Lalo na iyong mga nasa malalayong lugar at malayo sa kabihasnan.

"Oo nga daw. Apo ng Presidente ng Pilipinas?" Tumango na lamang ang aking kausap at bumalik na sa kanyang ginagawa. Maaga akong nakarating sa opisina at agad kong sinimulan ang mga trabaho ko. Medyo mataas na ang posisyon ko dito kumpara noong una akong pumasok. Tyaga at sipag lamang talaga ang kailangan.

Nang makarating ang aming Boss ay kaagad nya kaming kinausap para sa gaganapin na conference mamaya. Binilinan nya kami kung ano ang dapat naming gawin sa oras na dumating ang apo ng aming presidente. Tinandaan ko lamang lahat ng bilin nya at nang matapos ay agad kong inayos ang mga gamit ko dahil malapit na kaming umalis. Sa isang malaking hotel gaganapin ang conference at imbitado ang kompanya namin dahil isa ito sa mga kompanyang sumusuporta sa agenda ng Pangulo.

"Ang sabi ay may mga media daw na dadating. Wala ang Pangulo kaya naman ang apo ang kanyang ipinadala. Matalino raw ang apo nyang iyon." Well, wala naman akong balak kilalanin kung sino man ang apo nyang iyon. Makikinig lamang ako dahil balita ko ay may maganda silang proyekto para isang community na nakatira malapit sa isang bukid.

Nang makarating kami sa venue ay agad kaming pumasok sa loob ng conference room. At katulad ng sabi kanina, maraming media ang makikinig sa sasabihin ng apo ng Pangulo. May isang table na nakalaan para sa mga tao ng aming kumpanya. Mabilis naman kaming pumunta roon dahil ang sabi ng organizer ay malapit na daw magsimula ang conference. Sanay akong pumunta sa mga ganitong pagtitipon. Kasisimula ko pa lamang noon sa kompanya ay ipinadala na ako kaagad sa mga ganito.

"Hindi ka ba naiinip? Ako'y antok na antok na dito." Bulong sa akin ng aking ka-trabaho nang magsimula ang conference. Ngumiti nalamang ako sa kanya at ibinalik ko ang aking atensyon sa lalaking nagsasalita sa harap. Balita ko ay mahuhuli ng dating ang apo ng Pangulo kaya naman sya ang nasa harap ngayon. Hindi ko naman maitago ang inis ko dahil sa balitang iyon. Alam kong malaki ang ambag ng kanilang pamilya sa ating bansa ngunit hindi parin tama na huli syang dadating. He's the grandson and he must know that time is important.

"Without further ado, here's the President's grandson, Mr. Rafael Ace Suarez." Nagpalakpakan ang lahat at ako naman ay nanatiling nakatitig sa lalaking umakyat sa stage. The name is very familiar to me. He is familiar to me. Hindi ko lang alam kung saan ko sya nakita.

"Gwapo ng apo!" Mahinang bulong sa akin ng aking katabi nang makita nya ang apo ng Pangulo. Hindi ko masyadong maaninagan ang kanyang mukha kaya naman hindi na ako nagbigay ng kumento sa sinabi nya. Ilang minuto parin akong nakatingin sa kanya habang sinasabi ang platamorma ng kanilang pamilya para sa mga tao sa komunidad na iyon.

"We're just waiting for my grandfather's approval for the next batch of the materials they will give to the farm and for the community. We'll try to give them a better community and a place where they can study. We're also proposing to build a school and hire teachers for the community. We will do everything first hand. The media will do some coverage and will air it to the whole nation." Napairap naman ako sa aking narinig. Media? Bakit kailangan pa ng media?

Nang matapos ang kanyang talumpati ay nanatili syang nakatayo sa harap at nagsimula nang pahintulutan ang media na magtanong tungkol sa mga sinabi nya. Naguunahan ang mga taga media kung sino ang unang magtatanong. Maingay ang paligid at ako ay nagmamasid lamang sa kanila. Iniisip ko parin kung bakit kailangan ng presensya ng media sa lugar na iyon.

20th Century GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon