"It's your first day in law school tapos ganyan mukha mo?" Sabi sa akin ni Kuya habang gamit iyong SUV namin na binigay ni President. Kinakabahan kasi ako. Ngayon nalang ulit ako makakabalik ng school. Hindi ko alam pero natatakot ako.
"Don't stressed yourself too much, Kasper. First day mo pa lang. Just chill, okay?" Pero kahit anong encouragement ang ibinigay sa akin ni Kuya, hindi nawala ang kaba ko. Parang ngayon nalang ulit ako makakakita ng estudyante. Parang ngayon lang ulit ako makakakita ng tao. Chill, Kasper.
"Ihahatid kita sa classroom mo. Medyo malaki ang Arcadia at nakahiwalay ang mga building nila para sa Law Students. But don't worry, I will accompany you hanggang sa masanay ka sa bagong school mo." Arcadia University is big and nice. Sobrang linis ng paligid at sobrang ganda talaga ng school. Habang papalapit kami sa building ng mga law students, hindi ko maiwasang kabahan lalo na nang magsimula silang tumingin sa amin. Sikat ba si Kuya dito?
"Sino yan, Francis? Bago mo?" Binigyan lang sya ni Kuya ng isang malutong na mura at nilagpasan namin ito. Hindi ako sanay na naririnig mag mura ang Kuya ko kaya naman sobrang nagulat talaga ako.
"Sorry for cussing. That asshole is getting into my nerves. Wait, alam na ba ni Ace na nandito kana?" Napairap na lamang ako sa sinabi ni Kuya. Nagsisimula na akong mawalan ng pake kay Ace dahil ilang araw na syang hindi nagpaparamdam sa akin! Bahala talaga sya sa buhay nya kapag nakita ko sya.
"I don't know and I don't care, Kuya. Bahala sya sa buhay nya." Hindi naman mapigilan ang tawa nya dahil sa sinabi ko. Masyado daw kasi akong obvious.
Nang makaakyat kami ni Kuya sa third floor ng building ay nagulat ako nang makita si Travis kasama ang girlfriend nya. Halatang nagulat naman ang babae nang makita ako at niyakap nya ako bigla. Hindi ako makahinga sa higpit ng yakap nya at buti nalang ay kumalas rin sya kaagad. Nakangiti naman ngayon ang kasama nyang boyfriend. It's nice seeing him smile.
"It's nice to see you here! Akala ko ay hindi na kita makikita! Sorry nga pala kung hindi na kita naihatid noong huli nating pagkikita. Nagmamadali kasi ako." Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa at nagpaliwanag.
"Sorry rin. Hindi na ako nakapag pasalamat sa inyong dalawa. Thank you nga pala." Tumango na lamang ang lalaki sa akin at may sinabi na sa kanyang girlfriend. Mabilis namang sumang-ayon ang babae at nagpaalam sa akin.
"See you around! We have to go, eh. Bye!" At niyakap nya akong muli bago sya umalis sa harap namin ni Kuya. Si Kuya naman ay halatang gulat na gulat sa mga nangyari. Anong problema naman nito?
"Hey. Why?" Nagpatuloy kami sa paglalakad at wala paring imik si Kuya. Kanina lang pinagtatawanan nya ako tapos ngayon ang tahimik naman nya. Ang tindi ng mood swings nito ha!
"You know Travis?" Tumango naman ako sa tanong nya at parang hindi sya makapaniwala sa naging sagot ko. Ano naman kung kilala ko si Travis? Mabait naman iyon ah!
"And Maggie?" Ako naman ang naguluhan sa tanong nya. What? Maggie who?
"That girl who hugged you! Her name's Maggie! Don't tell me, hindi mo alam ang pangalan nya pero yakapan kayo nang yakapan?" Naningkit ang mga mata ni Kuya sa akin. Nakalimutan kong itanong sa kanya kung anong pangalan nya eh! Maka react naman itong si Kuya!
"What's with Maggie?" Hindi nalang sumagot si Kuya at inihatid ako sa classroom namin. Nagulat ako dahil halos lima lang kaming babae dito. Ganito ba sa Law School? Walang masyadong babae? Naupo ako sa likod dahil iyon na lang rin naman ang bakante. Inilabas ko sa bag ko ang mga pinahiram sa aking old notes ni Kuya noong first year palang sya. Tinitingnan ko palang ang mga ito pero sumasakit na agad ang ulo ko.
"Wala naman atang professor ngayon. Free cut na!" Unti unting nababawasan ang mga estudyante na nasa loob ng room namin. Umaalis na ang iba dahil wala daw prof. Nanatili naman akong nakaupo dito at hinayaan silang umalis lahat. Nagsimula na akong magbasa ng mga notes ni Kuya para naman kahit papaano ay hindi na ako mabigla. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang pinili kong sumandal sa arm chair. Ang sakit na kasi ng batok at likod ko!
BINABASA MO ANG
20th Century Girl
Dla nastolatkówA SHORT STORY Simpleng buhay. Iyon lamang ang gusto nya. Simpleng buhay na kasama ang mga pinakamamahal nya. Simpleng buhay na nakakagawa ng mga masasayang alaala at buhay na namumuhay sa isang makabagong panahon. Sa makabagong panahon kung saan hin...