Girl Almighty

45 1 0
                                    

"Kasper!!" Isang malakas na katok at tawag ang narinig ko sa labas ng aking pintuan. Agad kong isinara ang aking mga mata pagkatapos kong masilaw sa liwanag na pumapasok sa aking bintana. Ano na naman bang problema ni Kuya?

"Kasper! Gumising ka na!" Hindi ko pinansin ang katok ni Kuya at tsaka tumingin sa wall clock na nakasabit sa aking kwarto. Nabuhay ang natutulog kong dugo sa katawan nang makita ko kung anong oras na! Bwisit! Late na ako!

"Kuya, pwede bang tumabi ka muna dahil nagmamadali ako!" Inis kong sabi kay Kuya nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto ko at nakita ko syang nakaharang doon. Isang malaking nakakalokong ngiti lamang ang ibinigay nya sa akin bago sya umalis sa harap ko. Ang aga aga nangaasar na naman!

"Ma! Pwedeng ipagbalot nyo na lang po ako ng almusal dahil mahuhuli po ako kapag kumain pa ako dito sa bahay." Mabilis kong sabi kay Mama habang kinukuha ang mga gamit ko papuntang banyo. Wala naman akong narinig sa kanya kaya naman mabilis akong naligo at hindi ako makapaniwalang nahuli ako ng gising ngayon!

Nang makatapos ako ay mabilis akong umakyat sa kwarto at tsaka nagbihis. Marunong naman akong manamit at alam ko naman kung naaayon ito sa pupuntahan namin. Isang off shoulder na may mahabang sleeves, black na skinny jeans at isang white sneakers ang napili kong suotin. Buti na lamang ay nakapag ayos na ako ng gamit ko kagabi kaya naman hindi ko na iintindihan pa ang isang iyon. Inayos ko ang kulot na dulo ng aking buhok at sinuot ang aking kwintas at ayun, tapos na akong mag-ayos. Dala ko ang sling bag ko at tsaka ang maleta ko pababa ng hagdan. Mabilis naman akong tinulungan ni Kuya at sya na rin ang nagdala nito hanggang sa makalabas ako ng bahay.

"Anak, mag-iingat ka doon. Tumawag ka sa amin kapag may pagkakataon ha. Intayin mo lamang ang tricycle na tinawag ng iyong ama." Maaga pa lamang ay marami na kaagad na mga bata ang naglalaro sa labas ng aming mga bahay. Abala ang lahat sa paglilinis ng bakuran at hindi pa masyadong umiinit ang araw.

"Ma, anong tingin mo dyan kay Kasper? Baka sya pa ang gumawa ng kamalasan sa pupuntahan nyan nila." Siniko naman ni Kuya si Mama kaya natigil sya sa pang aasar. Nang makarating na ang tricycle ay agad isinakay ni Kuya ang maleta ko at tsaka umupo sa likuran ng tricyle. Ano na naman ba ito?

"Kuya! Umalis ka na nga dyan!" Sinabi na lamang ni Mama na ihahatid ako ni Kuya sa terminal ng bus kaya naman tumigil kami sa pagtatalo ni Kuya. Nagsimula nang umandar ang tricycle pero hindi pa kami nakakalayo ay nakarinig kami ng isang malakas na sirena na nakapagpagulo sa aming lugar.

"Ano yun?" Tanong ng isang kapitbahay namin na nakatayo sa isang gilid ng kalye. Hindi makausad ang sinasakyan namin dahil sa sirenang nakarinig.

"Sunog? Sunog iyon! May sunog!" Nang marinig ng lahat ang sigaw na iyon ay nagkagulo lalo ang aming lugar. Mabilis na ipinabalik ni Kuya ang sinasakyan naming tricycle at agad pinuntahan sila Mama.

"Ma! May sunog daw!" Hindi pa namin nailalabas ang mga gamit namin nang biglang tumahimik ang paligid nang may mga magagarang sasakyan ang dumating. Sa mga sasakyang ito nang gagaling ang tunog na narinig namin kanina. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong walang sunog.

"Ace!" Nakabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang sigaw ni Kuya habang nakatingin sa kotse na nakaparada sa aming harap. Hindi ako makapaniwalang nandito mismo sa aming harap ang apo ng Pangulo. Nagsimula nang bumaba ang mga body guards nya sa sasakyan at maingat na nagmamasid habang pinalilibutan kami ng aming mga kapitbahay.

"Anong ginagawa mo rito?!" Inis kong sabi sa kanya at hinawakan naman kaagad ako ni Mama. Okay, wag mong bastusin ang taong iyan sa harap ng mga tao. Iyon ang nararamdaman ko sa higpit na hawak sa akin ni Mama.

"You're late, Miss Ferrer. It'll be convenient for you if you'll come with us, now." Mahinahon na sabi nya at kinuha na ng body guards nya ang mga gamit ko kaya wala naman akong nagawa. Isang mapangasar na ngiti na naman ang ibinigay sa akin ni Kuya habang pinagtutulakan nya ako pasakay ng sasakyan.

20th Century GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon