"Nakakahiya naman kay Manong Al. Ang tagal mong kumilos. Sya na ang gumagawa ng mga dapat mong gawin." Inip kong sabi kay Ace habang nandito kami sa bukid at nagsisimula nang magsaka si Manong Al at ang kanyang mga kasamahan. Ang iba ay nag-aararo at ang iba ay nagtatanim na ng palay.
"Maghintay ka nga. You're so extra." Napairap na lamang ako sa kanyang sinabi. Extra my ass. Baka makaalis kami rito nang wala syang natatapos. Kailangan ko pa namang magreport sa kanyang Lolo mamayang hapon.
"Wala na bang ibibilis yang kilos mo? Daig mo pa babae! Baka tapos na sila, ikaw walang... nagawa." Napatigil ako sa pagsasalita nang hubarin nya ang kanyang suot na damit sa harap ko. Nawala ang concentration ko dahil sa nakikita ko ngayon. He really has a nice body. Nang bumalik ang tingin ko sa kanya ay nakita ko na naman ang nakakainis nyang ngiti kaya naman tinalikuran ko sya at pumunta sa mas malilim na parte ng bukid.
"Paano po ba yan, Manong Al?" Narinig kong sabi ni Ace kay Manong Al bago pa ako makalayo sa kanila. Kainis! Ang manyak mo rin talaga ano, Kasper?
Nanatili akong nanonood sa kanila at inoobserbahan si Ace sa kanyang ginagawa. Mabilis naman syang matuto at mukhang natutuwa na si Mang Al sa kanya. Napatigil ako sa pagtitig sa kanya nang lumingon sya sa gawi ko at nilapitan ako. Ano na namang problema ng lalaking ito?
"Hindi ito basketball game, Miss Ferrer. Mas maganda kung pati ikaw ay sasamahan kami. Hindi ba, Manong Al?" Hindi naman nagdalawang isip si Mang Al at pumayag kaagad sa sinabi ni Ace. Jusko! Ipagpapalit ba ako ni Mang Al kay Ace?
"Ano ka ba? Trabaho mo yan." Mahinahon kong sabi habang nakangiti pa sa kanya. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko nang mahigpit at tsaka hinila sa putikan kaya wala na akong nagawa. Nagsisimula na akong mainis dahil sa ginawa ni Ace.
"Bitawan mo na ako. Kaya kong magisa.." Hindi nya ako pinakinggan at hawak nya parin ako hanggang sa makarating kami sa pwesto nya sa bukid.
"Bitaw na sabi eh!" Malakas kong hinigit ang braso ko na mabilis nyang binitawan. At ang ending.. sumubsob ako sa putikan. Bwisit ka talaga, Ace!
"Ano, okay ka lang ba dyan? Ilan nahuli mo?" Rinig na rinig ko ang malakas na tawa ni Ace sa isang gilid habang ako naman ay hindi pa makatayo kaagad. Humanda ka talaga sakin!
"Aray.. hindi ako makatayo.." Ilang minuto nya muna akong tinitigan bago nya napagtanto na mukhang kailangan ko ng tulong. Mabilis nyang inilahad ang kanyang kamay pero dahil nag-iinarte lamang ako ay hinigit ko ng malakas ang kamay na iyon at sya naman ang sumubsob sa putikan.
"Ano? Ilan rin ang nahuli mo?" Hindi ko mapigilan ang tawa ko sa nangyari at pinahiran pa ng putik ang kanyang mukha. Parehas na kaming balot na balot ng putik pero ayaw nyang tumigil sa pag ganti sa akin kaya naman hindi kami matapos-tapos!
"Tama na. Suko na ko." Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko para mapatunayang sumusuko na talaga ako. Mabilis akong tumayo pero dahil sa bigat ng putik na nakadikit sa akin ay hindi ako nakapag-balanse kaagad kaya naman natumba akong muli sa putikan. Hindi ko narin maigalaw ang kaliwang binti at paa ko dahil sa nangyari. Nabalian pa ata ako ng buto!
"Wait. Hindi ako makatayo." Mahina kong sabi dahil pakiramdam ko, pati pagsasalita ay makakasakit sa akin. Namumuo na ang luha sa mga mata ko dahil natatakot ako. Baka malala ang maging epekto ng bali na ito sa akin.
"Hindi mo na ako madadaan sa mga ganyan mo." Natatawang sabi ni Ace habang naglilinis na ng sarili nya. Hindi na ako makapagsalita dahil sobrang sakit na talaga ng nararamdaman ko.
"Hey. You serious?" Hindi na ako nakapagsalita at tanging iyak nalang ang naisagot. Lalapitan at aalalayan na sana ako ng mga body guards nya nang bigla syang nagsalita.
BINABASA MO ANG
20th Century Girl
JugendliteraturA SHORT STORY Simpleng buhay. Iyon lamang ang gusto nya. Simpleng buhay na kasama ang mga pinakamamahal nya. Simpleng buhay na nakakagawa ng mga masasayang alaala at buhay na namumuhay sa isang makabagong panahon. Sa makabagong panahon kung saan hin...