57 대휘

60 5 1
                                    

5 hours.

5 hours lang naman akong naghintay para sa impaktang to.

at kahit ilang kilometro na ang layo ko bumalik ako para lang sabihin sa kanya na gusto ko siyang maging date sa party.

ilang araw na akong naga-attempt na ayain siya pero laging wrong timing eh pero sana ngayon masabi ko na at pumayag siya.

"daehwiiiiii!!!"

boses palang alam ko nang si Daniela iyon at tama nga ko.

hingal na hingal siyang naglakad papalapit sakin.

"uy sorry talaga ha? grabe di ka pa nakapagpalit ng uniform?!"

"huminga ka nga muna."

sabi ko nang mapansin na hinahabol parin niya ang hininga niya.

nilabas ko ang panyo ko saka pinunasan ang butil ng pawis sa noo niya. nagulat siya sa ginawa ko pero ningitian ko lang siya

"t-thank you."

"saan ka ba kasi nanggaling? bakit ngayon ka lang?"

"hay nako! ito kasing si guanlin eh! dinala pa ko sa subway yan tuloy naparami kain ko!"

"close pala kayo?"

"ay hindi no! assistant. personal assistant niya ko."

"ha? pano nangyari yon?"

"well kundisyon niya kasi yon kapalit ng id ko."

"Ah..."

Napayuko ako dahil sa kaba. Ito na yun! Dapat sabihin ko na!

"Da—"

Napahinto ako nang marealize ko na wala na pala siya sa tabi ko. Umupo siya dun sa may bench, nakatingala at pinagmamasdan ang stars.

Lumapit ako at umupo sa may tabi niya. Pinanood ko kung pano niya hinahangaan yung langit.

"Ang ganda..."

"Oo... ang ganda nga."

Ngingiti-ngiti siyang lumingon sa akin at nagulat siya nang makita niya akong nakatingin sa kanya.

Agad nanlaki ang mata ko at binaling ko sa iba yung atensyon ko.

Daehwi anong sinasabi mo!!!

Makalipas ang halos tatlong minuto, wala paring nagsasalita samin.

Hay malamang iniintay lang ako ni Daniela na magsalita. Syempre ako yung may sasabihin eh.

Sasabihin ko na ba?

Pano kung ayaw niya pala?

Teka, di ba parang ang pangit tignan?

Si Jinyoung dapat ang inaaya ko eh !!! Arrrrggg

"OH WON'T YOU PICK ME UP! PICK ME PICK ME PICK—"

Nahinto ako sa pagmumuni-muni nang mag-ring ang phone ni Daniela.

Masyado na kong nago-overthink. Baka mawala nanaman ang chance ko na to. Dapat sabihin ko na talaga.

"Yes, kuya?"

"Kasama ko po si Daehwi, nasa park kami."

"Package? Ah!! Kuya yung dress ko yan!"

"Oo di kami magtatagal."

"Ha? Wag na nakakahiya. Kaya ko naman!"

Napatingin sa gawi ko si Daniela saka bumuntong hininga.

"Oo, eto na.."

Matamlay niyang sabi saka iniabot sakin yung phone niya na ipinagtaka ko.

"Kausapin ka raw ni kuya."

Kinuha ko ito at itinapat sa tenga ko.

"H-hello, hyung."

"Ano? Success ba?"

Saglit akong sumulyap kay Daniela at awkward na ngumiti. Sana di niya naririnig ang usapan namin!

Nasabi ko na rin kasi kay Daniel hyung ang balak ko. At ayun puro pang-aasar ang inabot ko.

"Hehe hindi ko pa kasi natata—"

"ANO? WALANJO ANG BAGAL MO NAMAN KASI EH!! MAGPAKALALAKI KA KASI!"

Sa lakas ng sigaw ni hyung eh napalayo ko yung phone sa tenga ko. Nagtaka rin si Daniela sa inasal ng kuya niya.

"Eh..hyung. Kalmahan mo lang. Sige na, sige na."

"Okay, okay. Basta ihatid mo pauwi yan ha?"

"Matik na yan, hyung."

"Fighting!!!"

Nag-end na ang call at binalik ko na kay Daniela ang phone niya.

Awkward...

Kinabahan nanaman ako!

"Dumating na raw yung dress na inorder ko online kaya tumawag si kuya haha."

"Yun ba yung isusuot mo sa party?"

Humarap siya nang bahagya sa akin kaya nabawasan na ang tensyon ko.

"Yes! Black long dress siya, sleeveless, deep v neck tapos may slit hihi."

Excited niyang kwento.

"Ikaw ba, dae anong dress mo? Dapat mas bongga kesa sakin!"

"Ano...wala pa.."

Medyo naiilang na ko sa usapan namin. Gusto ko na agad sabihin sa kanya to.

"Ganun!? Ano ba gusto mo? pilian kita! Ay meron din dun na cocktail dress tapos —"

"Be my date."

Yan. Nasabi ko na.

Nasabi ko na....

Pikit mata kong sinabi kasi natatakot ako malaman yung reaksyon niya.

Hindi siya nagsalita. Tunog lang ng  mga sasakyang dumadaan at tahol ng aso ang naririnig namin.

Minulat ko yung isa kong mata para silipin ang mukha niya. Nanlalaki ang mata niya, halatang di niya inexpect yung sinabi ko.

Pero baka di niya lang narinig kaya sige ulitin ko na lang.

"Be my—"

"Narinig ko, Daehwi."

That's harsh...

Medyo kumirot yung hearteu ko.

Medyo lang, syempre.

Umayos siya ng upo at nakakunot noo at malalim ang iniisip niya

"I'm sorry."

hater | 이대휘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon