21 ㅡ 다녤아

203 20 6
                                    


So ganon.....

Classmate ko pala si daehwi....


Pucha.

Ayoko na! Magddrop na ko!!!!

Pero nang mapatingin ako sa kaliwa, muling nabuhay ang mundo ko. Hehehehe

"Daniela? Hey. Uhm dito ka na pala nagaaral akala ko babalik ka ng busan."

Umupo sa may tabi ko si Samuel. Bakit black na ulit yung hair niya? Mas lalo siyang gumwapo eh. Ang unfair naman nito! Ako lang yung nahuhulog lalo eh! Haaay kelan kaya to magiging akin? Naiinip na ko

"Dani...?"

Tawag niya na nakapagbalik sakin sa wisyo.

"Uhh. Ano... ano ulit sinabi mo?"

Tanong ko sabay kamot ng ulo. Naligo naman ako pero bakit makati?

Awkward na tawa na lang ang nalabas ko.

"About last time... I'm--"

agad naputol ang sasabihin niya nang pumasok na ang prof at nagsiayos na ang lahat.

Bumalik siya sa kinauupuan niya at lumingon saka binulong ang salitang 'sorry' tumugon ako ng isang tipid na ngiti.

Nakakainis parin pero bakit ganun? Di parin nabawasan kahit konting percent man lang yung crush ko sa kanya!

So ang daming sinabi ni sir Baekho-- Ay yes, music teacher pala namin tong tropa ni kuya. Sana naman makakuha akong extra points dahil dun-- puro orientation, rules and regulations blahblahblahblah

"By the way class, I will arrange you alphabetically. So please all rise."

Sinunod namin si sir at isa isa niya nang binanggit ang mga pangalan. Tumingin ako sa gawi ni daehwi. Ang dami niyang friends ha medyo nakakainggit samantalang ako wala pa. Mahiyain kasi ako eh di lang halata.

"Kim Samuel."

Tawag ni sir.

Umupo siya sa 3rd to the last seat ng 4th row. Alternate pala ang boys and girls. Di naman sa umaasa ako pero nararamdaman kong---

"Kang Daniela."

BINGO! Ha ha ha ha ha ha ha ha sinasabi ko na nga ba kampi talaga sakin ang tadhana eh.

Habang palakad ako sa may upuan ko, iniisip ko na lahat ng kalandian at pick up lines na pwede kong sabihin kay Samuel nang magtagumpay na ako ha ha ha ha ha ha ha

Pero bago pa ako tuluyang makaupo tinawag ni sir ang susunod sakin na nagpatigil ng mundo ko. Literal.

Lee. Dae. Hwi.......

Mukhang kaaway pala ako ng tadhana.

ㅡ♡♡♡ㅡ

Hi! Kung binabasa mo to, sobrang salamaaaaat! Sobrang natutuwa talaga ko kasi may mga bumoboto, nagkokomento at nagaadd sa reading list ng story na to! Dahil sa inyo nainspire ulit ako na ituloy to at syempre dahil din sa wanna one ♡ medyo tanggap ko na e. Support ko parin naman silang lahat sana kayo riiin.

hater | 이대휘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon