26

178 15 8
                                    

"Daehwi, anak. may kaibigan ka pala na naghihintay sa labas bat di mo pinapatuloy dito?"

"Uyyy daniela ikaw pala yan? hehe sana nag-pm ka para napagbuksan  agad kita ng pinto hehe"

Halatang inis na inis si daniela sa sinabi ni daehwi pero siniko lang siya nito para sabihing sakyan niya na lang muna

"Daniela ba ang pangalan mo, hija?"

"Ah, opo. Daniela Kang po. Classmate ko po itong si daehwi hehe"

"Ito bang si daehwi ko e nililigawan ka?"

"Ma!"
"Hindi po!"

Namula sila pareho dahil sa sinabi ng ina ni daehwi. Natawa na lang ito dahil sa sagot nila

"Nako kayo talagang mga kabataan. Nakakamiss tuloy maging bata! hahahahahahaha!
Osige magluluto muna ako. Okay lang na mag-lock kayo ng kwarto hihi"

Kumindat muna ang nanay niya sabay alis. Halatang hiyang hiya na si daehwi dahil sa inaasta ng ina nito

May weird na expression sa mukha ni daniela nang tingnan siya ni daehwi.

"Hehehe tingin ko mas okay na dito na lang tayo sa sala hehehe"

"Akala ko ba may sakit ka?"

Kitang kita sa mata niya na naiinis siya dahil nagsinungaling nanaman si daehwi.

"W-wala. Wala naman akong sinabing may sakit ako ah?"

"Sinabi ni seonho, may lagnat ka daw."

"Ah. Hindi, yun yung ilalagay ko sa excuse letter. Hehe you know."

Kahit labag sa loob, inabot ni daniela ang hawak nitong plastic bag.

"Oh."

"Ano to?"

"Drugs. Para matokhang ka. Sige na, alis na ko."

Nang tignan niya ang laman ng plastic eh totoo nga, drugs yon. Pero yung drugs para sa flu.

{ daehwi }
{ daniela }
{ daehwi's eomma }

hater | 이대휘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon