MGA WALANG KWENTANG TANONG
Mayroong mga katanungan na walang kasagutan at mayroon din namang wala lang talagang kwenta.
Naririto ang ilan sa aking mga katanungan. Kayo na ang bahala kung matatawa kayo, maiinis, magagalit o kung anu-ano pa. Katuwaan lang po ito. Magkakahalo na rito ang mga luma at bagong tanong.
1.Anong ginagawa mo kapag wala kang ginagawa?
2.Kapag ba nagnakaw ka ng pabango ikaw ay maco-cologne?
3."Shyness" ba ang tawag sa mga nakatira sa China?
4.Hindi pala pwede ang Long Coat sa party? Dapat daw Happy lang?
5.Kapag gumawa ng mabuti ang badjao, badjao parin tawag?
6 Yung pantalon ba pwede rin ipang lakad?
7.Kapag inabutan ka ng "siyam-siyam" kailangan mag "otso-otso" muna?
8.Bakit kapag close kayo sa isang tao, open kayo sa isa't isa?
9.Kung malungkot ba ako, pwede ako bumili ng Happy Meal?
10.Anong oras kaya naimbento ang unang relo?
11.Pwede ba panlakad yung running shoes?
12.Kapag hindi ba nakapag tapos ng pag-aaral yung graduated cylinder, undergradcylinder na tawag?
13.Saan ba yung dulo ng walang hanggan?
14.Nakikilahok ba ang mga babae sa "briefing"?
15.Pwede ba mag salita sa hearing?
16.Kapag naka sweat shirt ka ba dapat pagpawisan ka?
17.Hotdog parin ba tawag kapag nilagay na sa ref?
18.Kung naniniwala ka na "Love is Blind" tapos na "Love at First Sight" ka, paano mo makikita yung pagmamahal mo?
19.Kung walang kamay ang mga ibon, then why do birds suddenly APIR?
20.Kung si Corazon ang unang aswang, pang-ilan ka?
21.Kung magiging hayop ka, bakit gorilla?
22.Bakit andaming taong pumapasok sa isang relasyon? Malaki ba sahod dun?
23.Kapag sinampal kita, papalarin ka ba?
24.Kung "mabait" ang tawag sa mga daga, edi yung mga pusa "makulit"? Pano yung mga aso? Pasaway?
25.Sabi sa NEWS, madami daw naki-isa. Madami pala eh, bakit isa?
26.Ang tawag po ba sa lider ng mga saging ay Banana Chip?
27.Bakit yung plate number may letters?
28.Bakit ang batang bonakid laging may laban?
29."Alone" po ba yung nakikita sa dagat? Yung tagalog ng wave?
30.Kapag bumili ba ako ng damit pang araw-araw, pwede ko suotin sa gabi?
31.Kapag yung buntis ba pinicturan, makukunan?
32.Anong date naimbento ang kalendaryo?
33.Kung may chocolate, meron din bang chocoearly?
34.Nananakit ba ang masamang damo?
35.Kung merong youtube, bakit walang metube?
35.Ang oras ba kung saan madalas tayo nasasaktan ay alas awtsu?
37.Ang tagalog ba ng deliver ay "ang atay"?
38.Kailangan ba tlga ng "Effort" para may malapagan ang mga eroplano?
39.Masama daw po ang STD? Kasi daw hindi ka makagalaw?
40."Clemency" ba tawag dun sa maasim na nilalagay sa pancit?
41.Kapag ang barbero tumestigo sa krimen, paniniwalaan kaya sya?
42.Kapag natapunan ka ng toyo, may toyo ka na?
43.Bakit pa tinawag na pangalawang tahanan ang school kung bawal naman matulog?
44.Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumanda, anong karapatan mo?
45.Ang sardinas may ligo, bakit ikaw wala?
46.Ang mga multo daw ay nagpapakita tuwing 12am minsan ay 3am. Na le-late din kaya sila sa pananakot? Pag na late sila kaltas ba sa sahod?
47.Bakit panghahawakan ang binitawang salita?
48.Kapag ang teacher nagkamali, tuturuan sya ng leksyon?
49.Ang side walk ba ay paglalakad ng patagilid?
50.Kung may bagoong, meron din bang lumaong?
51.Lumiliwanag ba sa Diliman?
52.Gaano katalino ang wisdom tooth?Yan lamang po sa ngayon. Hindi po masamang tumawa, hindi rin masamang mainis . 😂 Maraming salamat sa pagsasayang ng oras 😂.
BINABASA MO ANG
MGA WALANG KWENTANG TANONG (Jokes) May Pang Status Kana!
Randommga katanungan na hindi mabigyan ng kasagutan dahil wala namang ka kwenta kwenta.