chapter 6

22.7K 674 8
                                    


Sensitive

Iniligo ko ang pagkabuesit ko kay Third. That bastard, ano tingin niya sa akin laruan?kung kailan siya nalilibog saka pa ako maisip? At si Prima prinsesa? Masaya siya. I am not Karlina Montalban if I am a loser. Madami na akong pinagdaanan mula pagkabata at hindi ikaw ang magbabagsak sa akin.

Kung ano man itong munting tumutusok sa aking dibdib ay titirisin ko ito, I'm strong and tough. Sa mundong ito talunan ka kung mahina ka. Maaring maluko at magamit ka ngunit wag mong isipin na naisahan ka, pero hindi ibig sabihin hanggang diyan ka lang dahil choice mo ang bumangon wag mong pairalin ang puso mo kung ayaw mong mag mukhang tanga.

Dahil kinulit ko si Leo ay napilitan itong naligo, bahala ka, tingnan natin kung hanggang saan ang pagpipigil mo Prima.

Nilandi ko si Leo, although halos perfect na siya ay hindi ako interesado sa kanya, gusto ko lang bwesitin si Prima. Sumasampa ako sa likod niya minsan at nakikitawa ng pagkalakas upang mabingi si Prima.

Pulang pula na siya at hindi makatingin, kinakausap siya ni Third pero tipid lang ang mga sagot niya at madalas ay iling at tango lang. Nasa cottage lang sila at panay ang sulyap nito sa amin ni Leo, kung ano anong jokes ng binabato ko dito para lang tatawa siya at sasabayan ko. Nakita kong sobrang balisa niya, tinatapunan naman ako ng matatalim na tingin ni Third, I know that he knows what I'm doing, bahala siya sa buhay niya.

Si Wella at ang kapatid ni Leo ay nagkukwentuhan, sina Clara at Oliver ay naligo narin, bikini top pala ang sout nito Kaya nakaligo. May sariling mundo talaga ang dalawa kaya hindi ko na inisturbo.

Nang mapagod sa kakalangoy ay umupo kami sa may malaking bato ni Leo. The sun sets already and the dark covered the whole place, but there's a lamp post every cottage and some trees to light up the place.

"Wala ka bang girlfriend?" I asked him.

Ngumiti ito."sasamahan ba kita kung meron?"

"May hinihintay ka?"

Hindi siya sumagot.

"Alam mo, naikwento ni Prima ang tungkol sa inyo dati, take note lasing siya noon. It's not her intention to share kaya kinabukasan ay hiyang hiya siya sa amin." Sabi ko.

"Umiinom na siya?"

"Syempre maynila yun, what did you expect? Pero hindi naman ganoon ka lakas uminom...sorry ha nakialam ako, bakit wala kang girlfriend ngayon kung tungkol naman sa babae ang dahilan ang hiwalayan ninyo?"

Nangunot ang kanyang noo at tinantya ako.

"Babae?"

"Yeah, that's what she said...you don't have an idea how broken she is, kung Wala pa si Third siguro hanggang ngayon ay nag aaral pa yan."

"What the hell?"

"I'm sorry, kung ayaw mong pag usapan it's okay, curious lang ako."

It's true,I'm curious kung gaano ba talaga ka lalim ang pinagsamahan nila kung kaya hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot ni Prima si Third.

"Iyan ba ang sinabi niya sa iyo?"
He asked with jaw clenched.

"Accidentally, yeah..."

Bumalot sa amin ang katahimikan, napaka lalim yata ng iniisip niya.

"I've been miserable since that day, nakita ko siya kasama ang lalaking yan at napatunayan ko ang mga sinasabi ng mom ko. Hindi na siya kumuntak sa sakin kaya iniisip kong masaya na siya sa iba at hindi niya kinaya ang long distance relationship. Kung sana hindi nalang ako pumayag na doon mag aral sa America hindi sana kami nauwi sa ganito."

Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko inasahan na magkwento siya, hindi ko rin naman hiningi ang paliwanag sa side niya. And I think he deserve the equal.

"Third adore her so much, mula ng una silang nagkita, kumuha siya ng accountancy dahil sa kanya kahit tapos na siya ng Business Ad para lang matulungan si Prima. Nandoon siya the whole time when Prima can't fucos on things because of her broken heart, it took years para maging komportable siya sa amin at sumasama sa mga lakad pangkaibigan. Third love her so much pero hindi pa siya handa hanggang ngayon na buksan uli ang puso niya kahit sa pinaka nagsakripisyo sa kanya." Kwento ko sa kawalan.

"What do you mean?"

"Ha?"

" Hindi niya boyfriend yang lalaking yan?"
He gritted his teeth

"Hindi..."

"Shit! Pinaglaruan kami."
His jaw clenched very hard.

"What?" Naguguluhan kong tanong.

"I think we need to talk."
Matigas niyang sabi.

Nanginig na ako sa lamig kaya sinuot ko na yung damit ko, hinatid kami mismo sa bahay nina Prima lulan ng mga kabayo. Agad akong naligo sa banyo habang pinapatuloy ng mga magulang ni Prima ang magkapatid na Magallanes.

"Are you hitting Prima's ex?" Akusa sa akin ni Clara habang magbibihis ako sa harap niya.

"Anong masama doon?" Tanong ko pabalik kahit hindi naman totoo.

"Are you out of your mind? He is our friend's ex." Hindi makapaniwalang sabi niya.

"What's the issue? Ex na nga diba?"
Acting irritated.

Nakagat niya ang kanyang labi at napabuga ng hininga. Her glares were consistent.

"Hindi mo ba nakita ang reaction niya kanina habang nilalandi mo ang ex niya?"

"Wala na siyang magagawa, wala na sila! Matagal na. The man has moved on kaya mag move on narin siya, nandyan naman si Third, sobrang kapal naman yata ng mukha niya kung aangkinin pa niya si Leo." Matapang kong sabi kahit taliwas naman ito sa totoo, gusto ko lang mambwesit. Hindi ako soft hearted sa kanila kahit kaibigan ko sila, Kaya nga siguro may nangyari sa amin ni Third. I betray my friend and that is true.

Wala akong amor magsiryuso sa mga lalaki, pare pareho lang sila mga gago. Binuntis lang ng Papa ko ang mama ko at iniwan. I still have two siblings sa iba ibang babae niya bukod sa asawa niya ngayon. Sa kanya pa lang magtitiwala Kaya ako sa mga lalaki? Hindi diba? At kahit pa sa mga babae, magaling lang sila kapag chismisan.

"Karly, she is our friend. Ano man ang nararamdaman niya concerned tayo doon." Giit niya.

"No thanks, bakit ako makikiproblema sa kanya? Hindi pa ba sapat si Third sa kanya? Sobra naman siya."

Pinikit niya ang kanyang mata at muli ay mataman niya akong tinitigan.

"Si Prima nagmamahal, e ikaw? Nagtatapon lang ng lalaki Kaya for once maging sensitive ka naman."

Nakalabit niya ang ego ko at nairita ako doon.

"Ganoon ba talaga ang tingin mo sa akin? Ano ako robot? Bakit hindi ba ako pwedeng sumubok ngayon kahit naglaro ako noon? Hindi ibig sabihin na hindi ako siryuso noon ay hindi yun magbabago..."

Pabitin ko sa kanya dahil kahit ako ay naguguluhan sa aking sinasabi,at bakit si Third ang nasa isip ko gayong si Leo naman ang tinutukoy namin. No hindi talaga pwede ito.

Iniwan ko si Clara ng ganoon matapos kong magbihis ngunit laking gulat ko ng makita ko si Third sa hamba ng pintuan.

His expression were blank. Hindi ko rin siya matantya at lalong nagtaka ako kung kanina pa ba siya roon.

"Kakain na..." Malamig niyang sabi at nagpatiuna na.















❤ LibRanz01

 Karlina [Solana Series #1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon