chapter 33

22.6K 753 21
                                    


Sira

I feel that Third is just behind me kaya hindi ako nagpahalatang kinabahan na ewan sa pagkakita ko sa pamilya niya at sa babaeng yun.

Maaliwalas ang bahay at may mga balloons akong ikinalat sa loob at labas. Nagpa cater ako ng ilang pagkain at nagpagawa ng cake para sa kambal. Isang buwan pa lang ito ngunit excited ako sa ginawa kong preparasyon. Paano pa kaya sa birthday nila.

Hawak si Karla ay sinalubong namin ni Third ang kanyang pamilya, hawak naman niya si Karlus.

"Ang laki na ng mga pamangkin ko, ang cute." Kinuha ni Val si Karla at hinalikan naman niya si Karlus.

"Mom...dad!" Si Third. Humalik siya sa mga magulang at nagmano sa Lolo at Lola niya.

Panay naman ang kaway ng mga kaibigan namin na nasa hulihan ng kanyang pamilya. Sa pagkakaalam ko ay ginamit nila ang chopper ng kompanya nila Third kaya sila nakasabay sa pamilya niya.

"Hello po," I politely said to his parents. Ngumiti naman ang kanyang mommy at daddy. Habang mukhang suka naman ang mukha ni Vanessa, bakit ba kasi siya nandito? Hindi naman siya family, feeling close talaga.

"Hi ija." She said.

Okay naman ang mommy niya basi sa tingin ko. Hindi siya naninitig tulad ng dati. Her aura is light kaya nawala yung kaba ko, ano man ang sasabihin niya tungkol sa amin ni Third ay nakahanda na ako. I will fight for my love.

Nilukumus ako ng yakap ng aking mga kaibigan. Kahit naiirita ako ay ang sarap sa pakiramdam, yun bang kahit hindi ka naman buo sa kanila dati ay nandito parin sila at tinanggap ka ng walang sinasabi. They are all worth to keep, I'm so guilty and very sorry.

Kay buti nila sa akin, its time to return the goodness.

Naging busy kami ni Third sa pag asikaso ng mga panauhin lalo na ang mga kaibigan namin na walang habas ang mga tanong patungkol sa amin, sa mga bata at sa pamumuhay namin.

The whole afternoon is filled with cheerful people. Happy lang talaga kahit kunte lang yung salo-salo.

Walang negative vibes akong  nasasala bukod sa kay Vanessa, kung ganito naman pala siya ay sana hindi nalang siya sumama ayaw ko din naman siyang makita.

Nagligpit ako ng ibang mga kalat, ang lahat ay nasa labas dahil maganda naman ang panahon. Aliw na aliw parin sila sa mga bata habang nag uusap pa tungkol sa kanilang negosyo. Hinayaan ko muna tutal ito narin ang panahon nilang nagkausap usap. Siguro mamaya pa ako kukumprontahin ng mommy niya.

May itinapon akong basura sa likod bahay,  nakakapagod man ang araw na ito ay masaya ako.

Nawala ang ngiti ko ng makita si Vanessa na sumunod sa akin sa likod bahay.

"Well,well, well. Mukhang enjoy na enjoy kana yata sa pagpapaikot kay Third at sa pamilya niya ano..." Nakataas ang isang kilay niyang pambungad sa akin.

Kanina pa ako naiinis sa bruhang ito, ang mga irap at matatalim niyang tingin sa akin ay kaysarap dukutin ang mga mata.

Mapakla akong tumawa.

"Oh, nahalata mo pala?"

"Ang kapal talaga ng mukha mo noh?" Medyo tumaas ang boses niya.

"Well at least hindi kasing kapal ng mukha mo, tama lang." Panunuya ko sa kanya.

"You bitch!"

"Oh,yeah. Matagal na akong bitch hindi mo alam? Akala ko ba nag research ka sa akin, yun nga ang ipinamukha mo sa akin noong nakaraan diba?" Pinandilatan ko siya at nilapitan." Kaya nga ako napaanak ng wala sa oras. You know what kung may nangyaring masama sa mga anak ko ng mga panahong yun, I swear higit pa sa asal eskinita ang matitikman mo sa akin!" Nanggigigil kung sabi sa kanya.

 Karlina [Solana Series #1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon