chapter 15

24.1K 804 25
                                    

Open

KARLY

🎵🎵
Leaving someone when you
Love someone is the hardest thing to do.
When you love someone as much as I love you.

Oh I don't wanna leave you
Baby, it tears me up inside

But I'll never be the one you needing
I love you, Goodbye.

Baby, its never gonna work out
I love you, Goodbye 🎵🎵

Kanina pa ako nabubwisit sa ringtone ng katabi kong tulog. Paulit ulit tumutunog yung phone niya, kinalabit ko na rin siya ng ilang beses upang magising at masagot ang tawag na iyun pero hindi parin ito natitinag. Nanadya ba ito?

"Hoy,Miss!" Nabubwesit kong tawag dito, hinampas ko na talaga siya dahil umulit na naman ang linyang iyun sa ringtone niya.

"Po?" Pupungas pungas niyang tanong.

"Kanina pa may tumatawag sayo! Kung wala kang planong sagutin yan sana ni silent mo dahil nasa biyahe tayo, nakakaisturbo ka!!" Singhal ko dito. Yung ibang pasahero ay napalingon na sa akin, tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Ay pasensya na po,Miss....sorry talaga." Naiiyak niyang sabi. Napayuko ito at ni off ang cellphone.

Buti nga sayo.

Natatawa ako ng maalala ko ang pangyayaring iyun sa bus, patungo ako dito sa Poblacion Solana noon at ang init palage ng ulo ko yun pala ay naglilihi na ako.

"Nana Chona, ang emote mo naman umagang umaga." Tukso ko sa kanya habang naghuhugas ito ng pinggan.

Iyun kasi ang pinatugtug sa stasyon ng radyong kanyang pinakikinggan.

 Karlina [Solana Series #1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon