Chapter 10

1.4K 16 2
                                    

(Lyra's POV)

 

 

 

Maaga ako nagising. Pero ang totoo mga 3hrs lang yata ang naitulog ko. Naninibago pa kasi ako dito sa bahay ni Shrek! XD

5am pa lang, then 8am first class ko. Papasok pa din ako! Hindi ko siya asawa para kontrolin buhay ko. Tsk!

Pumunta ako sa kusina at tumingin ng pwedeng iluto for breakfast. Sinangag ko yung rice na natira kagabi tapos nagprito ako ng ham and bacon! Buti na lang din may fresh milk. Mag 6am na nung matapos ko pagluluto.

Saktong pagkatapos ko mailapag mga pagkain sa kitchen table, nakita ko si Lee na mukhang magja-jogging.

''Breakfast ka pagkatapos mo.'' Sabi ko kahit nabubwisit pa ako.

Tumingin siya sa akin. Seryoso mukha niya, ''Hindi ako nagbe-breakfast. Jogging muna ako!'' Tapos tuluyan na siyang umalis.

Okay fine. Siya pa may gana magalit ngayon eh siya tong gumagawa ng plano na hindi man lang sinabi sa akin. Tsk!

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Hindi pa naman ako sanay kumain ng walang kasama.

Nakakailang subo na ako ng pagkain ng may pumasok na matandang babae. Napatayo ako.

''Manang. Sino po kayo? Ano pong ginagawa niyo dito?'' Tanong ko. Di naman siya mukhang magnanakaw.

Tiningnan niya ako. ''Ikaw ba si Lyra? Ako si Manang Minda, asawa ni Mang Berting na tumulong sa pagkakagawa ng bahay ni Sir Lee.'' At hinawakan niya kamay ko. ''Ay ganun po ba? Nagjogging po si Lee eh. Kain po muna kayo.'' At inaya ko siya tapos pinaupo.

''Lyra.''

''Po?'' Magkatapat kami dito sa kitchen table.

''Girlfriend ka ba ni Sir?''

''Nako, hindi ho-

''May naiku-kwento kasi siya sa akin dati. Pero ewan ko if ikaw yun. Ngayon ko pa lang siya nakitang may kasamang babae e.'' Sabi nito.

''Baka po iba tinutukoy niya Manang. Kain na po kayo.'' At kumain na kaming dalawa.

Napapaisip tuloy ako sa sinabi niya. Pero ano bang paki ko sa kung sino man yung babae na sinasabi ni Manang Minda.

''Manang. Akyat lan po ako. Gagayak na po ako e-

''Ay, nakalimutan ko. Nasa sala lahat ng bagahe mo. Dinala kanina ni Berting eh bago pumunta sa palengke tsaka yung kotse mo nasa labas na din. Eto yung susi.'' At inabot sa akin.

''Salamat po. Pagkatapos niyo po dyan, ako na magligpit-

''Nako Iha, ako na. Ako bahala sa gawaing bahay. Gayak ka na, baka malate ka pa.''

Ngumiti ako sakanya at umakyat na.

Buti na lan andito na mga gamit ko. Naghanap na lan ako ng simpleng damit. Sinuot ako ang denim na vest while nag-dress ako ng floral at sandals na gold. Simple ba ito? Haha!

Bumaba na din ako agad at nagpaalam kay Manang. Wala pa din si Lee. Hindi na ako makakapaghintay for him, kailangan ko ng pumasok.

Muntik pa akong malate. Nagkamali pa kasi ako ng dinaanan kanina.

Body For Hire (But Heart's Not For Sale) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon