Chapter 13 [Medyo SPG]

1.5K 18 4
                                    

(Lyra's POV)

Umalis na ako at iniwan sa swing si Lee. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Pipigilan ko ang sarili kong mahulog sa kanya. Hindi siya mahirap mahalin o magustuhan.

Ayaw ko ding gawin siyang balikat o sandigan ngayong nakakaramdam ako ng lungkot o pangungulila? Naiisip ko din si Frank. Oo galit ako, pero ayaw kong sumuong sa isang bagay na walang closure para sa aming dalawa. Kaya kong tanggapin na ikakasal na siya kay Annika. Pero kailangan ko din ng mga paliwanag. Ilang taon akong naghintay para sa kanya. Akala ko hindi niya ako iiwan. Pero kahit ano pang dahilan niya, para ding iniwan niya ako tulad ng pag-iwan sa akin ng ama ko. Nakakatakot ng magtiwala ulit. Hindi kasi ito isang bagay na pagkatapos mawala ay ganun kadali para ibigay ulit sa ibang tao. Takot na ako.

Nakarating na ako malapit dito sa resthouse. Huminto ako saglit at pinagmasdan ang kabuuan sa labas ng bahay. Natutuwa ako at masaya dahil isa sa mga wishlist ko ay ang maranasan na makatira sa isang bahay malapit sa dagat. Ang swerte ko. Thankful ako kay Lee kahit papaano.

Napagpasyahan ko ng pumasok sa loob at nakasalubong ko si Mang Berting na may dalang bag na pamalengke.

"O andyan na pala kayo Mam? Papunta akong palengke, baka may gusto po kayong ipabili?" Tanong niya at ngumiti sa akin.

Pasagot na sana ako ng may maamoy akong pamilyar na amoy sa likod ko.

Lee.

"Mang Berting, huwag niyong kalimutan yung mga mangga na tind ni Nana Rosing ha?" Sabi ni Lee sa baritonong tinig.

Natakam at nangasim ako pagkabanggit niya ng mangga.

"Mang Berting, pwede pakidamihan po yung mangga ha? Salamat." Sabi ko at dali dali na akong umakyat para makapagpahinga muna.

"Sige iha. O alis na ako Lee." At narinig ko na ang yabag papaalis ni Mang Berting

Nasa huling baitang na ako ng hagdan ng tawagin ako ni Lee. Hindi ako lumingon, huminto lang ako.

"Hindi ka ba papasok Ly?" Tanong niya.

"Nope. I think I'll buy your plan. I'll take this one as a vacation." Hindi ko na siya hinintay sumagot at tumungo na sa kwarto.

Body For Hire (But Heart's Not For Sale) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon